IP XI

308 20 7
                                    

"Babe, asan kana?" tanong ko kay Huxley. Nakalabing lima na akong tawag bago niya sinagot.

"DJ, nasa bahay nyo pa. Iyak nang iyak kasi tong si Devone e."

"E anong oras na oh. May cbc pa si Aron." pangungulit ko sa kanya.

"Bakit? Hindi mo ba kaya?"

"Hindi e." paglalambing ko.

"Ikaw ba ang kukuha nung dugo? Di ba may med tech naman na kukuha, anong problema mo?"

Napakagat naman ako sa labi. Kelan talaga ang mahal ko, napakapilosopo,"Oo nga, e takot ako sa dugo."

"Sinungaling."

"Ugh, takot nga ako. Bat ayaw mo maniwala?"

"Wala. Fine pupunta na ako dyan, habilin ko lang ule kay tita, nakakahiya sa mama mo e."

"Okay lang yan kay mama."

"Ibaba mo na ung call."

"I miss you Babe."

"Kahit kelan napakaharot mo. Bye."

Napangiti nalang ako, hindi alam ni Huxley na ako talaga ang nagsabi kina Tom and Jane na magmeet kaming dalawa. Kaya ako late, hindi talaga ako makapamili ng isusuot ko nun, gusto ko kasi presentable ako sa kanya, ang nangyari nagmukha akong stupid,uminom ako ng konti para lumakas ang loob ko kaso natorpe bigla ang lola nyo kaya inaway ko nalang siya nun, nagleave tuloy ng bad impression sa kanya.

Kaya lagi ko nalang siya na inaasar, hindi dahil trip ko lang, kung hindi para mapansin niya ako. Effective naman kasi lagi siyang napipika sakin, ang cute cute niya pag namumula na ung tainga niya dahil sa pang-aasar ko sa kanya.

"Mam, excuse po, kunan na po namin ng dugo si Baby Aron."

"Um, okay .." napakamot tuloy ako ng ulo ko, hays. Ayoko talaga ng dugo, biggest fear ko un, lalo na pag nakikita ko kung gaano kapula un. "Miss, pwede ba ikaw na humawak kay Aron?" sabi ko dun sa nurse. Ngumiti nalang ako nang pagkakatamis tamis, para naman hindi siya makahindi sakin.

Namula ang cheeks nung nurse, indicating na kinilig siya sa ginawa ko.

"Ako nang maghahawak."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko kung sino ang nagsalita. Hinawakan niya si Aron at ang sama, sobrang sama ng tingin niya sakin.

"Okay na po, eto po ung bottle nung urine, pakibigay nalang po sa lab if may sample na po si Baby Aron." sabi nung nurse kay Huxley.

"Ikaw na magbigay nang urine ni Aron ha?"

"Uh, oo naman."

"Alis na po kami Mam," sabi nung nurse na kinilig sa gesture ko.

Pagkasara na pagkasara ng pinto, dahan dahan nilapag ni Huxley ang tulog nang si Aron sa kama. Inayos niya ang dextrose at naupo sa tabi nito.

"Babe.."

Hindi siya lumingon sakin, parang walang narinig.

"BABE.........." pangungulit ko sa kanya.

"Tumigil ka, naiinis ako sa mukha mo. Lumayas ka sa likod ko." pagtataray niya sakin.

Kala ko sasabihin niya sa harapan niya,kaso matalino na siya ngaun, alam na niya ang sasabihin sakin.

"Wag mo ko i-babe, ewan ko ba kung bakit binigyan  pa kita ng chance."

"Oh, wag mo naman na bawiin agad," lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya,"Akala ko kasi matagal ka pa kaya ayun, pinahawak ko muna sa nurse kasi nga takot nga sa dugo di ba?"

Instant ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon