Zattana's pov
Nang nakabunggo ko si huge, tinanong ko sya kung bat sya nandito, sabi nya may bibilhin sya tapos nakita nya ko kaya lumapit sya.
Wala na naman daw syang gagawin kaya sinamahan nya ko, pumunta muna kami sa dept store para bumili ng frame. Ang tahimik namin ngayon, ang awkward.
"Hoy ikaw, bat ka nag walk out kanina? Tas sobrang seryoso mo pa." Pagbabasag ko ng katahimikan.
"Ah.. wala..." hindi ako sanay naganto tong mokong na to.
"Seriously huge? Bakit nga? Naoffend ka ba sa sinabi ni deah?" Baka kasi dahil don kaya sya ganyan.
"Hi-hindi, basta wala lang. tara na nga!" Sabi nya sabay kaladkad sakin habang nakaakbay papunta sa mga frames. Weird para syang natataranta.
After 1 and half hour na pamimili namin ni huge, sabi nya may pupuntahan pa sya kaya nauna na sya. Nandito na ko sa parking lot ngayon, naglalakad.
Feel ko talaga may sumusunod sakin... or feeling lang ako? Err.
Teka tawagan ko nga si czielo.
Calling czielo...
"Oh?" Sabi nya sa kabilang linya.
"Hello ah" sarcastic kong sagot sabay pasok sa driver seat.
"Bakit kasi?" Tanong nya.
"Ano ba ginagawa mo?" Tanong ko rin.
"Nag wowork out lang, ba-" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya tss, work out.
Deah kaya?
Calling deah...
"Hello?" Siga ng tono nito.
"Asan ka dey?"
"Asa shop ni mommy walang bantay eh, bakit?"
"Ay wala nvrmd bye."
Hays! Ako lang ba talaga walang magawa?
....Gotcha, gonna read books!
Pag bukas ko ng engine ng kotse may nakita ako sa side mirror, lalaki, naka blackjacket, black cap, at jeans.
Nakatingin sya sakin. Para bang pinagmamasdan nya kung ano ginagawa ko. Bawat kilos ko.
Nakaramdam ako ng biglang takot. Walang ano ano, pinaandar ko agad yong kotse.