Pwede Ba?

12 0 0
                                    

Pwede bang malaman laman ng isip mo?
Hindi kasi tugma ang dati at ikaw ngayon
Pwede mo bang sabihing wala namang nagbago?
Na ang ikaw ngaun, ay gaya lang din ng noon.

Pwede bang tingnan mo ko saking mga mata?
Gusto kong malamang ikaw parin talaga
Ang taong dahilan kung bakit ako sumasaya
At hindi ang dahilan kung bakit ngayo'y lumuluha

Pwede bang pakinggan mo ang sinasabi ng yong puso?
At sabihin mo, kung ako parin ba ang laman nito
Naririnig mo pabang isinisigaw ang pangalan ko?
O humihina na ba ang pagbigkas, dahil hindi na ako.

Pwede bang maramdaman muli ang mga yakap mo?
Nais kong muling madama na ako ang mahal mo
Pwede bang sabihin mong di ka na lalayo?
Na gaya ng dati, ikaw lang at ako sa sarili nating mundo.

(-@iamhaziel 11.24.16)

Pwede Ba?Where stories live. Discover now