"A sad thing in life is that sometimes you meet someone who means a lot to you only to find out in the end that it was never bound to be and you just have to let go."
Nagmahal ka na ba? Kung oo ang sagot malamang nasaktan ka na din hahahah. Pero yung sakit... Hindi yun basta biro lang... Yung sakit na yun ay kayang sirain ka...
Minsan akala mo susuko ka na o minsan akala mo kaya mo pa pero hindi na pala...
Masaya umibig... Walang kapantay yung saya na nararamdaman mo at yung feeling na kumpleto ka dahil wala kang mapaglagyan ng saya mo...
Pero may hangganan yun...
May kakambal na sakit ang pagmamahal... Hindi ka naman kasi masasaktan kung hindi ka nagmahal ng totoo eh...
Marami kang pwedeng maging kalaban, kaaway o kagalit sa buhay mo... Pero wala na sigurong mas titindi pa sa sakit kung iwan ka ng pinaka-mamahal mong nilalang...
Yung taong nagbigay sayo ng pinaka-matamis na ngiti... Siya rin yung tao na kaya kang bigyan ng pinaka-malalim na sugat...
"Move on" yan ang salitang ayokong marinig nuon... Alam naman nating lahat ang dahilan...
Ayokong maiwan... Ayokong mag-isa...
Pero mali ako... Lahat tayo ay palaging may kasama...
May tutulong sa atin para gumaling ang puso nating sinira...
Minsan akala natin katapusan na nang lahat dahil hindi mo na nakikita ang liwanag...
Pero kailangan mong lumaban... Bakit? Dahil may makakapitan ka...
Nandiyan ang Diyos...
Siya ang magbibigay sayo ng liwanag at magtuturo ng tamang landas at higit sa lahat...
Mahal ka niya... Siya ang totoong nagmamahal sa iyo...
Paano ba ang umibig ng totoo? Ang totoo niyan hindi ko alam nuon pero may taong nagpabago sa akin...
Ako ay dating gago at walang direksiyon sa buhay ngunit may taong bumago sa akin... May taong nagbigay ng ilaw at direksiyon sa buhay ko. Siya yung taong nagbukas ng mga mata ko... Siya rin yung taong tumunaw sa nagyeyelo kong puso...
At higit sa lahat ay siya yung taong naglapit at nagpakilala sa akin sa Diyos...
Tinuruan niya ako kung paano ba maging mabuting Kristiyano...
Hayaan niyong isalaysay ko sa inyo ang kwento ng aking buhay at pag-ibig...
Ako si Luke, maputi, di ako nagyayabang pero gwapo ako, matangkad, malakas daw ang sex appeal ko, mayaman ang pamilya ko at wala na akong hihilingin pa...
Ang totoo ay nasa akin na ang lahat ng inaasam ng mga tao... Kagwapuhan, pera at kasikatan. Marami akong girlfriends at hindi ako nagseseryoso...
I'm just taking their innocence away...
Nagsimula ang lahat nung 4rth year highschool ako...
Ako ang laging top 1, varsity ng basketball at ako din ang nilalaban pagdating sa mga poster making or paintings sa school...
I always win... Actually wala pang tumatalo sa akin pagdating sa contest kapag arts. Wala ring pumapalit sa pwesto ko sa pagiging top student...
Unang araw nun sa klase namin at nabigla kaming lahat at may pumasok na student na di namin kilala at late comer pa siya...
BINABASA MO ANG
The Gospel
RomanceIf you aren't open minded then it's better for you to not open this story. What is more important love or faith? Virtue or belief? A friend or lover? This story will deal about something you never expect. It is about love and faith. This will show...