Chapter 5: Enrollment Day

13 0 0
                                    

Ngayon na ang enrollment day ni Fhudge at as usual sasamahan ko yung unggoy na yun, 6 am nagbyahe na kami. Oo nga pala sa Manila sya mag-aaral, medyo malayo mukhang bihira ko na sya makakasama pero no choice dito sya gustong pag-aralin ni tita e. >.<

30 minutes na akong nag-aantay dito sa may bench iniinterview kasi si Fhudge at ayokong sumama sa loob, anong gagawin ko dun diba? Napagdesisyunan kong maglibot muna sa University, ang ganda nito at ang laki mukhang maganda ang mag-aral dito kaso naman may kalayuan sa bahay. 

Di ko napansin 11 am na pala jeez, wala pa rin si Fhudge? balik na nga ako sa bench.

habang papalapit ako sa bench na pinag-iwanan sakin ni Fhudge napansin kong andun na pala sya.

"kanina ka pa ba dyan?"

"Medyo, mga 10:30 siguro?" humawak pa sya sa ilalim ng baba nya.

"Tangeks mo, 30 minutes ka na pala dito dapat tinext mo na lang ako."

"Sus, ok lang yun no. Minsan kailangan mo rin talaga ng time. Pag tinext kita mapipilitan ka na agad magpunta sakin kahit na siguro di ka pa handa, mas ok nang maghintay na lang." nakatungo nyang sabi, parang ewan lang pero parang may laman lahat ng sinabi nya. Tiningnan ko sya ng may pagtataka.

"Ano bang sinasabi mo?" Inangat nya yung ulo nya at ngumiti ng nakakaloko.

"Wala yun!" tsk ano kaya yun? ewan -_- baliw lang talaga ito si Jhay. tsss...

"tss.. Nako ewan ko sayo.. Ano tara na?" nakasimangot kong tanong sa kanya.

"sige tara kain na tayo, nakakagutom e. Nosebleed ako kanina sa interview ^_^"

"Ay oo nga pala Fhudge ano balita? pasa ba?"

"Ano pa nga ba? wala ka bang tiwala saken? syempre OO! " nakangiting sabi nya.

-----

 Sa wakas dito na kami sa Mall, sa favorite spot naming kainan Mang Inasal. hehe nagutom na din ako pano naglakad lang kami papunta dito, kuripot e. LOL joke malapit lang naman ang Mall sa School nila.

 Tumayo na si Jhay para umorder ng food, pagbalik nya dala nya na yung order nyang food. grabe lang di man lang ako tinanong kung anong gusto ko tssss. Napakabait talaga nitong bestfriend ko -______- Di bale alam na alam nya naman ang gusto ko, feel ko lang na tanungin nya muna ako, hay ano ba nangyayari saken? eh kahit ano namang order kakainin ko. erase erase.. 

"Choco tara kain na tayo, as usual ha. Paramihan ng makakain na Rice hehe ;)" 

Inaasahan ko ng ayan ang sasabihin nya, eh lagi naman kaming ganito e. Paramihan ng makakain pero in the end sya pa rin naman ang mananalo. 

"As usual ikaw pa din naman ang mananalo. Kelan ba ko nanalo sayo ? sa takaw mong yan! may buwaya ka ata sa mga tiyan mo e :P" -rose

" Grabe ka naman, ikaw nga e kung unli lang din yung Banana Melt nila dito baka buong araw ka ng nakaupo dyan.hahahhaha" punong puno ng kanin ang bibig nya habang nagsasalita. Haha nakakatuwa talaga sya. 

"HAHAHAHAHAHA! para kang ewan dyan, pero oo nga no, sayang kasi mukang hinding hndi mangyayari yun kasi sa rice pa nga lang malulugi na sila sayo e :D" natatawa kong sabi sabay subo ng pagkain ko. Nilunok nya naman agad ang kinakain nya sabay inom ng iced tea.

" Hoy! Hoy! Hoy! ahmmm wala lang hahahahha ang yabang mo! " -jhay

" Bakit totoo naman ah! kumain ka na nga lang dyan ang ingay mo. tseee :P" -rose

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BestFriend's HeartBreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon