Chapter 6 - Bully!?

272 6 3
                                    

Huwaaaa! Nakakaawa si Kath sa part na toh.. T.T

Oh well.. Basahin niyo na lang! ARGH!

READERS. DUMAMI KA NA PLEASEEEEE!!

Dedicated again to her kasi, siya ang nagsuggest sa part na toh.. Lablab nak <333

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kathryn's POV

Andito ako ngayon sa garden ng school. Sino ba kasi ang nagkalat nun? Yung mga taong inggitera siguro ang kumuha ng picture na yun..

Ano ba pwede kong gawin??

Siguro ang dapat ko nalang gawin, ay maghanda para sa pambu-bully nila. =((

"Bes! Bes!" Sila Julia, papalapit sa akin. Sure ako, nakita na nila yun. Nahihiya ako! "Oh my gosh Bes! Nakita mo na ba yun?" Sino ba namang hindi makakakita nun? Tss.

"Oo." Simple kong sagot. Pero hindi ako humaharap sa kanila.

"Pero Kath, sino naman ang kumuha ng mga pictures na yun? Grabe naman yun sila." Sabi ni Yen sa akin.

"Hindi ko nga rin alam eh. Basta, dapat magready na ako para sa pambu-bully nila." Sabi ko naman sa kanila.

"Ang sama naman nang nagkalat nun." Sabi naman ni Neil..

"Pero Kath, aaminin ko.. nakita ko kayo ni Enrique sa mall. Pero, hindi naman ako ang kumuha ng mga pictures na yun eh." Aish.. Nakita niya pala. Grabee naman toh oh!

*kring kring kring*

"Bes, tara na." Aya ni Julia sa akin. Pero hindi ko alam kung kaya ko.. "Bes, be strong.. Andito naman kami eh. Okay?" Nagnod ako sa kanya.

Naglakad na kami papuntang school.. Ang raming nakatingin sa akin. Marami akong naririnig na..

"OMG! Ang landi niya.."

"Hindi ko akalaing malandi pala siya!"

"Gold digger!"

"Tama si Jane, hindi lang siya malandi.. GOLD DIGGER pa!"

Yan ang mga naririnig ko sa kanila. Ang sakit sa part ko kasi, ang isang ordinaryong babae.. biglang naging hot issue sa campus dahil lang sa mga pictures na yun!

"Kath, okay ka lang?" Tanong ni.. Haaay. DJ sa akin.

"Ya, I'm fine." I said it while smiling at him. Pero pilit lang.

"Huwag ka nga'ng malungkot Kath.. Mas lalo kang papangit niyan eh." Asar niya sa akin.

"At may gana ka pang mang-asar ha. Thank you DJ. Thank you.. You're really helping! Thank you!" Naaasar na sagot ko sa kanya.

"Your welcome." Nakakainis talaga!

Pumasok na kami sa classroom. Grabe! Pati sa classroom, tinititigan ako? Pati sa mga classmates ko, naririnig ko yung:

"OMG! Ang landi niya.."

"Hindi ko akalaing malandi pala siya!"

"Gold digger!"

"Tama si Jane, hindi lang siya malandi.. GOLD DIGGER pa!"

"Bes, pabayaan mo lang sila. Alam naman nating hindi ka malandi diba? Patulan mo sila kung gusto mo.. Yan naman ang totoong Kathryn Bartolome diba? Tough.." Tama si Julia.

Mabuti na lang may mga kaibigan akong katulad nila.

"Andito lang kami Kath. Okay?" Sabi ni Yen. Tapos, nagnod ako.

Hindi pa dumadating si Miss.

"Bes, CR muna kami ni Yen ha. Gusto mong sumama?"

"Hindi, dito na lang ako bes. Thanks."

Tapos lumabas na sila..

"OMG Kath! I really, really can't believe it. Malandi ka pala." Huh??? ZHARM!?

"Hindi naman ako malandi Zharm ha.. At alam ng sarili ko at mga kaibigan ko yun! Don't you know that?"

"Ehh, what's with that picture?" Grabe pala tong babaeng toh! Nakakainis!

"Ikaw na bahalang humusga! Bahala ka.. Basta hindi ako malandi."

"Sabi mo eh. Gold digger." Tapos umalis siya bigla sa harapan ko.

Hindi ko na talaga toh kaya! Gusto ko ng umiyak! Bakit ba nila ako hinuhusgahan ng ganito?!

[ Uwian ]

"Bes, uwi na tayo." Sabi ni Bes.

"Huwag na---" Naputol ang sinabi ko.

"Sumabay ka sa amin! Paano kung mapahamak ka?" Sabi ni Yen.. Wala na akong magawa kundi, magnod..

[ Sa kotse ]

Tahimik lang kami sa sasakyan. Walang gustong magsalita eh.

Malapit na kami sa may park.

"DJ, ihinto mo ang kotse sa park." Sabi ko..

"Huh? Eh--"

"IHINTO MO SABI EH!" Pasigaw kong sinabi tapos hininto na niya yung kotse. Bumaba ako..

Bumaba rin si Julia..

"Bes, san ka pupunta?" 

"Magpapahangin lang ako dito bes. Mauna na lang kayo.. gusto kong mapag-isa eh. Okay?"

"Sure ka?" Sabi ni Bes.

"Sure na sure."

"Mag-ingat ka ha. Sige, alis na kami bes. Bye!"

Umalis na sila..

Umupo ako sa bench para makapag-isip isip..

"Kath.." Huh?

"Quen.. Bakit?" Napatayo ako..

"Kath, I'm sorry. Nang dahil sa akin, nasira ka sa ibang tao."

"Okay lang.. Tapos na yun eh. Binubully na nila ako. Wala na tayong magagawa dun.." Explain ko naman sa kanya.

"Hindi Kath, ako dapat umayos ng problema nato. Ako yung may kasalanan eh."

"Hindi Quen, okay lang.."

"Anong okay? Sa tingin mo okay lang yun? Basta ako gagawa ng paraan para maayos toh."

"Quen, salamat.. Pero kailan ko ng umalis.. Baka may makakita pa sa atin ngayon, madadagdagan pa ang problema." Umalis na ako..

Enrique's POV

Malaki kasalanan ko kay Kath.. Ako may kasalanan kung bakit nasira siya sa mata ng ibang tao. Kung bakit binubully na siya. Pero I'm sure mas lalala pa toh bukas. First day palang toh ng pambu-bully sa kanya ng mga schoolmates namin. Kaya dapat, hanggang maaga pa.. makaisip na ako ng paraan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yan na lang muna for now.. =)) Basahin niyo naman!

Pinaghirapan ko yan eh!

LABLAB <33333

Heart vs. MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon