**********************************
SEVENTH PEICE
[ SUNDAY'S POINT OF VIEW ]
Hi madlang readers ! Ako nga pala si Sunday Serrano, one of the handsome and coolest guy here in our university. Sorry, humble lang talaga ako. :)
And if you still remember, blockmate ako ni Abby. Speaking of her, bakit kaya wala pa yung manang na yun ? Ilang minutes na lang mag uumpisa na yung klase but still wala pa rin sya. Don't tell me late na naman sya. Haaaay ... babaemg yun talaga lagi na lang na le late.
Inilabas ko from my back pack yung gift ko. Para kanino ? Edi para kay Abby. Tsssss. Di pa ba obvious na gusto ko ang babaeng yun ? Ewan ko ba, pero i found her different. Different in the way she dress, she talk, she laugh. Lahat kakaiba. Different in her own way that's why I like her.
BUT, secret lang natin yun aa. Wala pa kong sapat na lakas ng loob na umamin sa kanya ee. Torpe na kung torpe. Bakit ba ? Gwapo naman ako. Pero nung nakarinig ako ng mga bali - balita tungkol kay Abby at Matt parang may kumirot banda sa puso ko. Lalo na nung marinig ko na Abby is already Matt's girl. Di ko pa nako - confirm pero im just hoping na sana hindi yun totoo.
Haisxt ... kasama ko sya kahapon ni hindi ko man lang natanong sa kanya yung tungkol duon. Wala kasi talaga akong lakas ng loob.Ewan ko ba, pag dating sa kanya umurong ang lahat sa akin.
Oo na. aminado naman akong malakas ang tama ko duon eh. Di lang ako masyadong nagpapahalata. Galing ko magtago no ? Ako na ! Ako na talaga !! Hahahaha
Oh ... teka, andyan na sya. Itinago ko muna ulit sa back pack ko yung regalo.
Umayos ako ng upo at nag smile pero na realize ko na mukha akong tanga kaya sumeryoso na lang ulit ako. Papasok na sana sya nang may humablot sa kamay nya.
" Anong kailangan mo ? " rinig kong sabi nya. Napatingin ako sa taong kausap nya and parang gusto kong magsisi dahil tumungin pa ako. Totoo kaya yung mga bali - balita ? T_T Wag naman sana.
Umubob na lang ako sa table ko at hindi na sila pinakealaman. Ayokong marinig pa kung anoman yung paguusapan nila. Masakit.
" Good morning Sunday. "
Nakaupo na sya sa tabi ko but i choose not to answer back. Nagkunwari na lang akong natutulog. Natatakot ako sa maaaring malaman ko, pag nangyari talag yun magsisisi ako. T___T
Sinundot - sundot nya yung tagiliran ko kaya nagkunwari na lang akong bagong gising. Kinusot ko pa yung mata ko para maging makatotohanan.
" Oh, nandito ka na pala. Muntikan ka na namang ma late aa. Pambihira ka talaga. "
" *hawak sa batok* Kaya nga ee. Hehehehe. " Yan... ang cute nya talaga pagganyan. Mannerism nya yan ee.
" Si Matt ba yung kanina ? " Hinatid ka nya ? " Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Ire - ready ko na talag yung sarili ko. Huminga muna ko ng malalim bago ibinalik yung tingin sa kanya. Nakaisimangot na sya.
" Aa, oo. Yaan mo na yun. " Walang gana nyang sagot.
Napakunot yung noo ko. Haay ... ewan ! Naalala ko bigla yung regalo ko sa kanya.
" Oh ... Abz para sayo. "
" P-para sa akin ? " napangiti sya at nag blush. Poootek ! Ang ganda nya talaga !
Tumango lang ako. " S- Salamat Sunday. "
" Your welcome. "
" Pwede ko na bang buksan ? "
" Your choice. " Maingat nyang binuksan yung wrapper.
" WOOOOW SUNDAY !! Angry bird ?! "
" Ah oo. Nakita ko kasing tinitingnan mo yan kahapon. I thought you like it so pagkatapos ko kayong ihatid kagabi binalikan ko kaagad yan. "