Nikko Alonte POV.
Sobrang tagal narin pala ng panahon mula ng namatay si papa dahil sa isang insidente pero proud ako dahil sa nangyari ay nakasagip siya ng ibang buhay nawala man siya pero alam ng buong bansa na may mabuti siyang ginawa.
Pero kahit ganoon kapag naalala ko si papa naiiyak.
6 ng umaga ngayon at andto ko nagbibike kakatapos lang kasi mag seperate ni mama ng sobrang sarap niyang meatballs soup.
Kailangan ko na to maihatid para naman makarami kami ng benta mas maaga mas marami.Ayana malapit narin akong matapos at ang pinaka huli kong pupuntahan ay dun sa babaeng crush ko mga ganitong oras kasi gising na siya at lagi siyang nasa terrace tinitignan yung paligid
Mahangin din naman kasi kapag umaga at andito na ko dahan dahan kong binaba yung bike ko at nilagay yung meatball soup sa tapat ng bahay nila at mukang hindi nga ako nagkakamali andun nanaman sya sa terrace araw araw nalang niya ginagawa yan hindi ba siya nagsasawa
Biglang lumakas yung tibok ng dibdib ko nung bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya napatago ako agad
Hays. Ano ba naman tong babaeng to makaalis na nga umuwi na ko kasi siya naman lagi yung huli kong pinupuntahan ang layo kaya ng bahay niya.
Sheena's Pov.
Goodmorning korea ang aga aga ang lamig lamig kaya lagi akong naka jacket eh oopps hala hindi ako nakajacket?
Kaya pala iba yung pakiramdam ko agad agad kong kinuha yung jacket ko sa cabinet
Kapa kapa!
Got ya. Buti alam ko kung saan nakalagay yung mga damit ko ako kasi yung nagaayos wala naman akong gusto makasama sa bahay kahit maid ayoko.
35 steps papunta sa terrace magpapahangin muna ako syempre hihintayin ko narin yung meatball soup favorite ko kaya yun.
Hays kung nakikita ko lang sana yung paligid edi tuwang tuwa ako
At lalong kung makita ko na yung nagtitinda ng meatball papakasalan ko na yun kahit babae pasiya ang sarap kaya siya na gusto ko maging asawa syempre biro lang pero promise masarap yun meatball soup.
23 steps mula terrace papuntang hagdan kaya naman bumaba nako at hindi ako nagkakamali meatball soup.
Nanlaki ang mga mata ko sa talas ng amoy ensherep agad agad akong pumunta sa kusina para ihanda at kumain na 61 steps mula sa kusina grabe naman kasi ang laki ng bahay namin kahit ako lang nagisa nandto pero ayos lang masaya naman.
Basta kakain nako ng MEATBALLSOUP.
THANKS FOR READING. :)
Hays malalaman kaya ni sheena kung sino si MR.MEATBALL? :)