Nakasakay ako sa bus papuntang Maynila upang maghanap ng trabaho. Naupo sa likod kasunod ang isang babae. Bakas sa mga mata ng babae na kakaluha lang nito o di kaya’y na puwing lamang ng alikabok sa bukas na bintana ng bus.
Halos isang oras na akong nakatunganga lang sa bintana. Tinitignan ang mga nag tatayugang kabahayan. Nakita ko namang nag tetext ang babaeng na sa’king harapan. Dahil sa aking likas na pagiging usisero hindi ko maiwasang basahin ang kanyang mga tinetext. At ang nabasa ko lang bago niya ako mahuling nakatingin sa kanyang cell phone ay Miss na kita. Bumalik ka na. Simple, pero parang may mabigat na pinagdadaan itong babaeng ito.
Nung mahuli niya ako ay agad ko namang iniwas ang aking tingin sa kanyang matang may bahid ng luha. Nalungkot ako, pati ba naman sa pagluluksa niya ay nadamay ako. Nagkaroon ako ng habag sa babae. Hindi ko lubos maisip kung bakit o kung anung dahilan.
Nakatulog ako sa sobrang tagal ng byahe. At bago ako maghanap ng trabaho pinatahimik ko muna ang alulong ng aking sikmura. Kumain ako sa isang mall malapit sa pinagbabaan ko mula sa bus.
Hindi naman kamahalan ang aking kinain simpleng pagkain lang na hindi aabot ng isang daan. Palabas na ako ng mall nung may isang mababaeng tila nagmamadali at sa pag mamadali nito napatid ang kanyang paa sa isang batang naglalaro sa sahig ng mall. Bumagsak siya sa sahig at tinulungan kong pulutin ang mga natapon nitong kagamitan. Tulad ng ibang babae mga pampaganda ang laman nito pero may isang note book na may cover ng paborito kong cartoon character.
Hindi na nag-atubiling magpasalamat ang babae bagkus ay binigyan ako nito ng ngiti. Mga ngiting pilit kong inaalala kung kalian ko ba nakita.
Natapos ang araw ko sa wala. Wala akong nakuhang trabaho kahit na tapos pa ako sa kursong nursing ay wala akong makuha.
Pagbalik ko ng bahay, pakiramdam ko bago ulit ang lahat. Bago ang ayos ng mga abubot sa bahay, ang amoy at ang pakiramdam ko ay bago. Pero bakit parang may kung anung nasa dulo ng aking isipan na gustong lumabas may gustong alalahanin. Sa di maipalawanag na dahilan parang may kung anung enerhiyang kusang nagpapalakad ng aking paa palibot sa buong bahay. Hanggang sa matagpuan ko ang isang bag na may matsa ng kulay tsokolate. Binuksan ko ang loob nito at isang cell phone lamang ang bumungad. Binuksan ko ito at isang mensahe agad ang dumating. ‘Salamat muli kang bumalik’. sa Unregisted number galing ang mensahe.
Dahil sa wala rin naman akong cell phone na gamit. Kinuha ko iyon at naging akin wala rin naman gagamit nun dahil ako lang naman ang tao sa bahay. Marahil may nakaiwang bisita noon at hindi na binalikan.
Kinabukasan muli akong sumakay ng bus upang pumuntang Maynila. Mag hahanap muli ako ng trabaho. Muli kong nakasabay ang babaeng nasa bus kahapon.
Bago ako bumababa ng bus nakita kong hawak niya ang kanyang cell phone masaya siyang naka ngiti. Parang nung kahapon lang buhat niya ang kalungkutan ngunit ngayon masaya na siya.
Pagbaba ko ay tumunog naman agad ang aking cell phone. At mula sa unregistered number ang mensahe niya ay ‘Masaya akong nakita kitang muli at sana araw-araw na ito’. Sino kaya itong nagtetext na babaeng ito? At agad na pumasok sa isip ko ang babaeng kasabay ko nilingon ko ang bus at kasabay nito ang pagsulyap niya sa akin. Nakangiti siya at ang ngiting iyon ay nakita ko na dati.
Kasabay ng pagtalikod niya sa akin ay isang malakas na pagsabog. At hindi ko inaasahan ang aking nakita.
Ang bus na sinakyan ko at ng babaeng nakasabay ko nabundol ng isa pang bus.
Sinubukan kong lapitan ang bus upang iligtas ang babae. Ngunit nanaig ang kilabot sa aking dibdib. Napako ang paa ko sa sementadong lupa. Hanggang sa gumuho ang aking katawan.
~~
Isang note book na may cover ng paborito kong cartoon character na naglalaman ng aking ala-alang napaktawan at nakalimutan.
Sayang at huli na ang lahat. Huli na bago ko malaman na ang taong mahal ko ay kasabay ko lang sa iisang bus maraming beses na.