A/N: I'm in the middle of doing or rather re-writing my Geometry project pero di ko na kaya sa sobrang haba kaya I am secretly typing this on my phone. I will edit this some time later. Patay ako pag nahuli ako ng magulang ko. Haha. I don't want to let this idea slip off my mind eh.
This is quite short (I guess?) so please deal with it. Hope you like it guys! Advanced Happy New Year!
Dedicated to pilosopotasya. Siya lang naman nagbibigay ng inspirasyon sa akin eh. :( Hahaha. Loveyou ulan!
Sorry for my long Author's Note.
-
F
by towaitforeternity
Book cover: Xuan loc Xuan
-
Paano nga ba nagsisimula ang isang storya? Gigising ang bidang babae? Papasok sa paaralan nang nagmamadali dahil sa late na siya? Makakabangga ang isang poging poging lalaki dahil sa pagmamadali? Mag-aaway sa umpisa pero sa huli magkaka-inlove-an?
Cut it off.
Eh bakit ako sa gitna ng klase magsisimula? Nasaan ang lalaking makakabangga ko sa loob ng classroom habang nagkaklase?
Talagang pinwesto pa ako sa tabi ng bintana. Nakatadhana ba talaga akong maging isang badass? Gusto ko naman talagang mag-aral mabuti eh. Sadyang ayaw ko lang.
Oo, ganun yun.
Lumingon nalang ako sa labas ng bintana. Nakita ko dun yung pinakamamahal kong bestfriend. Si Fahren. Free time ata nila. Naglalaro kasi sila ng volleyball sa grounds.
Paano mo nagagawa 'to sa akin, Fahren?
"Who can prove this?"
Paano mo nagagawang magsaya habang ang bestfriend mo eh nandito sa classroom, dumudugo ang utak dahil sa Geometry?
"Ms. Silverio, can you please prove that triangle ABC is similar to triangle XYZ?"
Paano mo nagagawang maging ganyan ka manhid, Fahren? I hate you.
"Ms. Silverio wherever your mind is flying right now, can you please have your attention in here!"
Oh man.
"I'm sorry ma'am?"
"I don't know what I'll do to you, Ms. Silverio." She sighed deeply while shaking her head. "Now, can you please prove it?"
Prove what? Shocks. Make a lucky guess, Kollin!
"Through ASA Similarity Postulate?" I smiled awkwardly.
"Then prove it." She turned her back on me.
I hate you, Fahrenheit Tolentino. I don't fvcking know why I love you even though I hate you.
-
Lunch Break na. Buti naman. Hindi ko na kasi talaga kinakaya ang Geometry!
"Kollin! Sabay ka samin mag-lunch?"
Ngumiti ako.
"Hindi muna sa ngayon, Faith. Sasabay ako kay Fahren." Tumango naman sila. Parang kulang ata? "Absent parin ba si Isabela?"
"Ah, oo. Ang bruha kasi nasa Vietnam." Ako naman ang tumango this time. Umalis naman na sila.
Napabuntong hininga ako.
Bakit ba kasi hindi ako kasing talino ni Isabela sa Geometry? Come to think of it, magaling naman ako sa English pero sa Math? Thanks, but no thanks. Hindi rin naman ako mahirap pero bakit hindi ako kasing yaman ni Isabela? Kita niyo naman, pa-Vietnam Vietnam nalang sa gitna ng school year.