Unang Kabanata

58 0 0
                                    

"BEEEEEEENNNNNNNTTTTTTTOOOOOONNNNNNGGGGG!!!!!!!!" Sigaw ng aking pinakamamahal na nanay si Maria Leonora Theresa Dimalanta na Dimaano.Oh diba?Full name pa 'yon.

"Opo 'nay!" Sigaw kong sabi sa aking maganda na nanay,muli ay siya si Maria Leonora Theresa Dimalanta na Dimaano.So ayun na nga bumaba na ako. At sa pagkababa ko ay nakita ko ang aking pinapantasya,minamahal na si Marie Ozawa. Ang pinakamagandang babae sa balat ng langit at lupa.May balat nga ba ang langit at lupa?.Ay ewan. Isesearch ko nalang mamaya sa google.

Nakaupo sila sa aming magarang upuan sa sala.

"HOY!! Bentong anu na NATABUNAN!!" sigaw ni nanay

Tinignan ko sya ng may tanong sa mukha

"Nay tinabunan ng alin wala namang bumagsak ah o bagay para tabunan ako ah??"

Masamang tingin lang ang natanggap ko sa aking ina.

Ang iba naman sa tao sa aming bahay ay nagsitawanan.Ay! grabe sila oh! Te makatawa akala mo naman sa kanilang ung bahay nakikikain lang naman.Hay. Iba na talaga ang mga people ngayon.They so mapanghusga.Duh!.Ewww so sounds bakla. Mapagkamalan pa akong beki ni Marie, mahirap na!.Mabasted pa ko kahit di pa naman ako nangliligaw.

"Wag mokong sagutin ng ganyan. Tandaan mo, nanay mo parin ako kahit napulot lang kita sa taihan ng kalabaw doon banda sa sakahan ni Mang Tomas!."

Napanganga nalang ako sa sinabe ng aking ina habang ay iba ay tumatawa pa rin at ang aking soon to be Dimalanta na Dimaano dahil ako si Bentongero Dimalanta na Dimaano short por dos por dos Bentong, pero huwat? Ampon lang ako? Oo nga noh? Kaya pala hindi kami magkamukha ng aking ina dahil sobrang pogi ko talaga!. Naks! minsan lang ako mag-assume lubos-lubusin na. "Tama ka nay!, Dahil pogi po ako diba?" I saying na wid super duper of,uhm, ano nga ba yung english ng confidence?.Ay shunga.English na nga pala yun noh?.Ang adik ko talaga, xD. Alam kong di ako magaling sa ingles pero alam kong mahal parin ako ng aking prinsesang si Marie Ozawa-Dimalanta na Dimaano.

"Aba! Anak wag kang mabuhay sa maling akala!, nakakamatay." May halong pananakot sa boses ng aking ina. Napapout nalang ako sa sinabe nya.

"Sakit nay ah?"Sabe ko at tumawa naman sya"Anak naman, alam mo namang ang pogi pogi mo, niloloko lang kita"Sabay yakap sakin ng napakahigpit. Bumaba na ako at nakita ang aking sinisinta, nakaupo sya sa aming magarang upuan habang nasa gitna ng kambal na sina Sun at Shine Cruz. Ang kanyang mga alipores.

"Hi!"Masigla kong bati sa kanila pagkababa ko kaagad. Binigyan naman nila ako ng ngiti ngunit walang makakatalo sa perpektong ngiti ni Marie, mukha talaga syang anghel.Haaayyy.. umalis na si inay para singilin si Mang Tomas na syang pambayad sa utang namin sa bumbay. Ngunit heto ako patuloy na pinagmamasdan ang ganda nya.

"HUY!"

Nabalik ako sa katinuan ng may marinig na matinis na boses ng babae mula sa aking likuran. Paniguradong si Anna iyon, ang aking manliligaw. Nakakabakla lang, parang nababawasan ang pagkalalake ko dahil ako pa mismo ang nililigawan. Patunay lang ito na napakagwapo kong nilalang.

"Anna anong ginagawa mo dito?" Bungad ko. Ang ngiti nya ay napalitan ng busangot."Ayaw mo ata ako dito, sige aali-"

"Hahaha!*Fake* Eh Anna naman, nagtatanong lang yung tao eh! Hindi naman sa ganon.."Sabay kamot sa aking batok.

"Ehem" Narinig kong sabi ni Sun "Inuuod na me" dagdag naman ni Shine. "Ah ganon ba? Bulok na kasi kayo. Tsk. Ano nga palang ginagawa ng mga bulok na tao dito? Baka gustong magpabaon sa lupa upang maging pataba" Hindi ko nagustuhan ang sinabe ni Anna kayla Marie. Bakit nya sinabihan ng ganon sina Marie? Ewan koba sa babaeng 'to. Pero kahit matalik ko syang kaibigan simula noong pagkabata ay hindi ko dapat syang kunsintihin dahil sa mali nyang pag-uugali. Kailangan nya itong itigil, lalo na sa harapan ng aking minamahal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang pantasiya ni BentongWhere stories live. Discover now