I Found Her [ONESHOT]

1.3K 48 20
                                    

Naalala ko pang mabuti kung papaano kami nag-meet noon. Nasa cafeteria kami ni Vincent, bestfriend ko.

Noong panahong iyon, brokenhearted ako kasi kaka-break lang namin ni Elaine, di ko alam kung bakit at napagpasyahan ko na hindi pala si Elaine ang babae para sa akin. Noong panahon ding iyon, hinahanap ko pa si Miss Right. “Searching for the right one” ikanga.

Bigla nalang bumukas ang pinto ng cafeteria at nasilayan ko ang isang napakagandang babae. Nang mga sandali ding iyon, nasabi ko nalang sa sarili ko na “I found her.”

Ewan ko kung bakit noon ko pa lang siya nakita sa school. Hindi ko alam kung transferee ba siya o baka matagal na siya sa school hindi ko siya napansin kasi tutok ako masyado kay Elaine noon.

Pero ngayon, “I found her”.  I know in myself na siya na talaga, para bang isa siyang magnet at bigla niya nalang akong hinihila nang hindi niya namamalayan. Siya na nga. Nararamdaman ko ‘yon.

“I found her but i-entertain-en ba niya ako kapag lalapit ako sa kanya at makikipagkaibigan?”

“I found her but can we be friends?”

“I found her already but do I have the courage to approach her?”

Yan ang mga tanong na bumabagabag sa akin noon pero fortunately, naging close naman kami. Ang ganda niya talaga kapag nakasmile tapos ang bait pa. Sa isang salita lang niya, nahulog na ako.

Naaalala ko pa rin iyong panahong kabado akong hinahanap siya kasi sa sandaling iyon, magtatapat na ako sa kanya at hihingi ako ng permiso na pwede ba siyang ligawan.

Naglalakad lakad ako at nakita ko siya sa garden noon.

"I found her but papayag kaya siyang ligawan ko siya?"

"I found her but do I have a chance?"

Luckily, pumayag naman siya na ligawan ko siya. Siyempre, happy ako at lalo akong sumaya nang sinagot na niya ako. Feeling ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. 

Going smooth  naman ang relasyon namin. May konting tampuhan at away. Pero may isang away talaga na tinuturing kong pinakamalaking away namin.

Nababawasan na kasi ako ng time sa kanya dahil sa mga studies ko. May mga malilit rin na rason na lalong nagpalaki rin ng away namin. Bigla niya nalang sinabi na break na kami at tumakbo siya.

Kaya heto ako ngayon.

I’m searching for her.

Hoping that I’ll find her again and hoping that she’ll give me another chance to prove my love for her.

Hoping that I’ll find her again, the girl I love the most.

Ilang taon narin simula noong away namin pero umaasa pa rin ako na mahahanap ko siya. Umaasa pa rin ako na makakapiling, makakayakap, at mahahagkan ko siyang muli. 

Ngayon, nandito ako sa park.

Nakaupo sa bench at patuloy  na umaasa. Nang may nahagip ako sa gilid ng mga mata ko, isang bulto ng babae.

Pagkakita kong muli sa kanya, tumibok ang puso ko. Ang puso kong nami-miss siya. Ang puso kong naghahanap sa kanya. Ang puso kong patuloy nanagmamahal at umaasa sa kanya,

Siya… Si Khezia Cinder Park.

Siya, na ilang taon kong hinintay. Siya, na patuloy kong minamahal. Siya, na laging hanap ng puso ko sa tuwina. Siya nga talaga.

Wala pa rin siyang pinagbago. Napakaganda niya pa rin. Napakaganda pa rin ng mga ngiti niya. Ang ngiting nagpaibig sa akin. 

Bigla siyang napalingon sa akin. Nawala ang ngiting kanina’y nakadikit sa labi niya. Dahil sa paglingon niya sa akin, may nakita akong batang may hawak sa kamay niya. Isang batang babae. Kamukhang kamukha ni Khezia. Mga dalawang taong gulang. Dalawang taon… 

At doon ko naintindihan ang mga nanyayari. Nagkamali ako nang akalain kung siya pa rin si Cinder, ang babaeng minahal ko nang lubos. Nagbago na pala siya.

May anak na siya. Akala ko si Cinder na talaga ang sinasabi nga nilang “Right One”. Pero akala ko lang pala yun. Maraming namamatay sa maling akala. 

Habang nakatitig kami sa isa’t-isa, may sumulpot na lalaki na nakaagaw sa atensiyon niya. Kitang kita ko na hindi siya mapakali pero nakangiti pa rin siya sa lalaki. Siguro nga, Masaya na siya. Siguro nga masaya na ang babaeng inakala kong “Miss Right”.

Tumalikod nalang ako at naglakad pabalik.

Kung saan ako papunta? Hindi ko alam. Gusto ko lang mabawasan ang sakit nanararamdaman ko ngayon.  

"I found her but she can’t love me back anymore."

"I found her but I wasted the chance to be with her."

"I found her but she now has someone else."

At sa paglalakad ko, may tumulong maiinit na likido sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namalayan. Sa sobrang sakit, wala akong magawa kundi ang umiyak. 

Sabi nga nila, kung hindi talaga para sayo, wag munang pilitin. Mahirap ipilit kung ayaw talaga. Parang naghihiwa ka lang ng bato, pilit mong hinihiwa kahit hindi talaga pwede. Hangga't may panahon, tumigil ka na kasi ikaw at ikaw lang ang masasaktan.. 

So, back to zero na naman ako nito diba? Siguro titigil na ako sa paghahanap ni "Miss Right" ko kasi kapag hinahanap mo, hindi mo makikita. Makikita mo nga pero hindi naman para sayo. Siguro panahon na para matuto akong maghintay. Kung meron mang "destiny", darating at darating siya diba? 

Hindi pa ito ang pagkakatapos ng storya ko. Ito pa lang ang simula, simula ng paghihintay ko sa taong nakalaan sa akin. Mahaba-habang hintayan rin siguro ito. 

I know someday, I will say one of these words.

"I will find her."

"She will find me." 

"Love will find us."

But for now, I will say..

I found her but I lost her…

I Found Her [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon