Oh my gosh! This is nothing guys bigla ko lang naisip at naitype, so better if you don't expect too much! :) But still hoping magustuhan nyo :D
-----
“WEH DI NGA???” yan, yan mismo ang palaging naririnig kong sagot nya tuwing sasabihin ko kay Zac ang salitang ‘i love you’.. pagkatapos noo’y dudugtungan nya ng “I love you too Bestfriend!”
“Hay nako Zac! Ewan ko sayo! Tse!”
“Uy Aira saglit lang,” tawag nya sakin sabay akbay nung akmang tatalikod na ako.. “Tulungan mo muna ko, sige na liligawan ko na talaga si Janine! Sige na!”
“Tss.”
Bakit ba ayaw niyang maniwala sa t’wing aaminin ko sakanyang mahal ko sya. Ang masakit pa nyan, panay “Weh di nga?” lang ang isasagot nya, lagi nyang ginagawang biro lahat.. Ayaw nya na lang diretsuhing ayaw nya sakin kesa ganito, di ko alam kung ano ba talaga? Bakit ba kase ayaw nya maniwala? Nakakainis! Tapos ngayon sasabihin nya tulungan ko syang manligaw sa pinsan kong si Janine. Ayst! Peste nananadya ba tong isang to? Kainis ka Zac. Manhid! Bato! Peste ka!
Pero bakit kahit yun lagi ang sagot nya sakin lagi pa din akong nagcoconfess sa kanya? Simple lang.. Baka sakali isang araw magbago ihip ng hangin at sabihin nyang mahal nya din ako..
Pero dapat pa ba akong umasa ngayong nung isang araw nya pa ko kinukulit tungkol dyan sa panliligaw nya sa pinsan ko? Badtrip!
“O-oo na..” walang gana ko nalang na naisagot.. wala e mahal ko tong loko na to e kaya kung san na lang sya masaya, tutal di din naman sya naniniwala sa t’wing sasabihin ko sakanyang mahal ko talaga sya.. Sana di ko na lang sya naging bestfriend.. Sana naging boyfriend ko na lang sya. Ang swerte naman ni Janine. Naiinggit ako sa kanya..
“Yes! Thank you talaga! You’re the best best friend in the world! Wala ng bawian ah? Thank you talaga Aira!!!”
Ang saya saya nya kung umasta sya ngayon akala mo nanalo sa lotto bakit pa ko kokontra kung dito sya mas sasaya? Di pa nga sila, masaya na sya pano pa pag naging sila na. Tapos nung mismong araw na kinukulit ako ni Zac tungkol kay Janine, yun din yung araw na mismong inamin sakin ni Janine na crush nya ang bestfriend kong si Zac.. They have the mutual feelings for each other.. Meant for each other kumbaga. Gusto nila ang isa’t isa. Tapos si Janine bestfriend pinsan ko din. Di ko naman pinangarap maging kontrabida sa isang lovestory ng dalawang tao. So, ibigsabihin nyan ako ang kailangang magpaubaya.. Masakit sobra, dahil di malabong maging sila talaga pero i had no choice but to give way para sa ikaliligaya ng dalawang mahalagang tao sa buhay ko..
----
“Aira!!! Yeeeeee!!!” si Janine kinikilig pa.. Sinalubong ako paguwe ko sa bahay. Malamang nyan si Zac ang dahilan.
“Oh?” matipid kong sagot.
“Ano ka ba bat parang badtrip ka? Nakakaasar naman to oh! Ang ganda ganda pa naman ng kukwento ko sayo! Kasi.. E kasi si ano, si--”
“Si Zac ba?’ putol ko sa litanya nya naaasiwa na kase ko muka syang natatae na di maintindihan.
“OO!!! Ang galing mo, pano mo nahulaan?”
“Sa hitsura mong yan? No wonder. Kakaamin mo lang sakin na gusto mo sya di ba? Kaya alam ko na kung bat ka kinikilig ng ganyan. Para kang baliw.. Muka kang natatae.”
“You’re so mean! Ok ganito kasi, nagtext sya sakin!!! Kyaaaaaah! Nagkatext text na nga kami e! And you know what?? He asked me out for a date, yeah you heard it right ah date! Yes a date with Zac. Me and Zac. It’s a date!!!! Ow my gosh! I’m gonna die! eekkk!”
“Ano te? OA sa repetition ang linya mo ah, gets ko naman na yung date e. Masyado kang unli. And besides hiningi nya nga pala number mo kanina sakin.” Totoo naman e, sobrang kilig ba sya at ang OA nya? Sabagay ganun siguro talaga..