AUSTRIN MANSION
8:37 AMVLAILE
"I love you."
Ang tatlong salita na masarap pakinggan pero hindi natin alam na masakit din pala ang dulot nito. Minsan na din akong naniwala sa mga salitang yan. Akala ko totoo, pero hindi pala. Akala ko akin na sya. Akala ko sasaya na ako kasi kasama ko sya araw-araw. Akala ko totoo yung mga ipinapakita nya sa akin. Akala ko hindi na sya hahanap ng iba. Akala ko na ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Sabi nga nila, ang AKALA nakamamatay. It's been 2 YEARS. Hindi ko pa din sya makalimutan. Wala eh. Mahal ko parin hanggang ngayon. Sa tuwing naalala ko yung mga masasayang araw na magkasama kami, nasasaktan parin ako.
"Nakikinig ka ba sakin?"
0_-
"Ness?"
Kamusta na kaya sya?
"Nessa? Yohoo! Hoyyyy!!!"
Gusto ko syang makita.
"VLAILE NESSA AUSTRIN!!!" Sinigaw nya sa tenga ko. Buong pangalan talaga ah. At syempre nagulat ako sa pagsigaw niya.
"Sorry naman, ano nga yung sinabi mo? At tsaka sisirain mo ba ang eardrums ko!?" Hindi ko tuloy sya napansin. Papagalitan na naman ako nito.
"Sinasabi ko na nga ba! Ness naman, anong na naman yang iiniisip mo?! Sya na naman ba?! Move on move on din pag may time! Ano ka ba naman hindi lang sya ang lalaki dito sa mundo! Marami pang iba dyan na mas deserving sayo!" Sabi nya na with matching gestures pa.
Nakadrugs ba to? Ang high niya ngayon ah. Ito talagang babaeng to daming alam. Hindi pa nga sya nakakaranas magka-boyfriend eh. Focus kasi DAW muna sya sa studies nya. Nek-nek nya. By the way, sya nga pala si Xenaia Marie Santillan. Bestfriend ko since grade 6. Kagaya ko 17 years old na. Four year high school at nag-aaral kami Alcantara University. Meron silang malaking negosyo doon sa States na pagmamay-ari ng mga magulang na pinamana sa ate nya. Ang friendly nya, mabait (minsan), maganda (oo nalang), matalino (minsan hindi nag-iisip), at masipag. Kung ano-ano nalang ang bibilhin niya basta daw may bibilhin sya. Noon nga hindi kami magkasundo kasi alam mo na, tahimik naman kasi ako noon pero ngayon naging madaldal ako dahil sa kanya. Ewan ko nga sa sobrang tagal naming magkaibigan, nagtataka ako kung bakit natiis ko sya. Parang nakalunok ng microphone. Pero kahit ganyan yan bestfriend ko parin yan.
"Sorry naman. May naisip lang kasi ako eh. Pero hoy! Hindi ko sya iniisip no! At tsaka naka move-on na kaya ako!" Inirapan ko sya.
"Sige deny ka pa! Ang obvious mo! Hindi daw iniisip. Eh bakit binubulong mo yung pangalan niya?" Hindi na matahimik tong buhay ko dahil sa kanya.
"Hindi ah! Maglinis ka na nga ng tenga mo! Guni guni mo lang yun!" Wala naman talaga akong ibinulong ah.
"Asus! OA mo Ness! Halata ka na! Denial mo!" Sigaw niya.
"Tumahimik ka na nga dyan Xen! And ingay mo! Wag kang sumigaw! Hindi ako bingi!" Sigaw ko pabalik.
"Hindi naman ako sumisigaw ah?! Ganito lang talaga ang boses ko!" Told yah. Parang nakalu---- ay hindi pala nalunok na talaga niya yung microphone. Sa sobrang lakas ng boses nya talagang magigiba yung bahay niyo. Buti nalang at matibay tong mansion.
"Eh anong tawag mo dyan ha? Nako naman Xen. Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na PAKILAKASAN NAMAN NG BOSES MO PARA MADINIG KO." Panigurado hindi na naman niya yan maiintindihan.
YOU ARE READING
Still Hoping (ON-GOING)
Teen FictionVlaile Ezren Nessa Austrin. Isang maganda,mayaman,matalino,mabait. In short na sa kanya na ang lahat. Pero naging basagulera dahil sa isang lalaking nagngangalang Luke Ian Malvartes. Minahal nya ang lalaki ng husto. Pero niloko sya nito. Hanggang ng...