Strangers to Friends

71 3 5
                                    

Hindi ko alam paano sisimulan, pero, noong nagkakilala tayo. Di ko alam kung anong sasabihin ko sayo kasi talagang torpe ako. Natatawa ako sa mukha mo noon dahil ang cute mo tapos bangking ngipin mo, haha. Di ko na imagine na magiging ganito tayo ngayon (Best Friends) kasi nga torpe ako. Alam mo bang ikaw yung pinaka unang taong nakilala kong korni at masayahin? Kasi nga kahit ang korni mo masaya ka pa rin. Ginagawa mo yung gusto mong gawin na parang IDGAF. Noong naging katabi kita shet pakiramdam ko pwede akong sumandal sayo anytime. Pero alam mo na, torpe ako, at di ako ganun kadaldal (Noon). Hindi ko pa magawang mag HI noon hahaha, hindi kasi ako confident noon. Pero may mga bagay din na nagpabago sa akin. Kagaya ng mga kaibigan ko. Isa yun rason paano kita naging crush/gusto. Naging confident akong kumausap ng babae, hanggang sa na fall ako sayo. Pero sana alam kong may iba ka ring gusto, umasa ako. Hanggang sa nag iba yung gusto ko. Hindi ko akalaing mag iiba gusto ko, kasi na Love at first sight ako sayo, at nung naranasan ko yun, realtalk. Di ko alam gagawin ko. Sa dinami dami ng babae ikaw pa napili ng puso mata ko?Di ko alam bakit. Pero naniniwala ako sa kasabihan na "Beauty is in the eye of the beholder". Alam mo ba ibig sabihin nun?Siguro nga na inlove ako sayo, dahil sa mata mo, sa galaw mo, sa pagsalita mo ng mga korning bagay. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil nakilala kita, kasi kahit papaano nasubukan kong ma fall, at maranasan ang Love.

Mahal kita, pero hindi pwede. Sorry kung pa ulit ulit ako. Dahil halos every year ko na ata nasasabi sayo na mahal kita, tapos sorry kung hindi ko naipapakita na mahal kita. Sorry din kung makulit ako, at ipinagsisiksikan ko sarili ko sa buhay mo haha. Kung sino man yung gusto mo ngayon, sana maging masaya ka na sa kanya. Ayaw kitang nasasaktan eh, lalo na nung grade 8 pa tayo. Hindi ko pa yun nakakalimutan ha?😇😇😇. Kasi kahit Friends tayo. Di mo alam kung GAANO ka, ka HALAGA sa akin. Kasi para sa akin, isa kang baso na dapat ingatan. Hindi binabasag. At higit sa laht. Pinapahalagahan. Mahal kita, pero hindi pwede. Kahit umiyak man ako ng dugo dito. Walang mangyayare kasi alam kong may iba ka. At alam kong di kita mapapasaya, ang kaya ko lang gawin ay, tumambay dito sa gilid mo at tulungan ka kung matutumba ka na haha. Yun lang naman kaya kong gawin eh, pero sana ma appreciate mo. Wala na akong ibang hiniling kundi ma appreciate mo mga maliliit na bagay na ginagawa ko para sa'yo. Kung kaibigan lang tingin mo sa akin, sana wag mo kong palayasin sa buhay mo 😂😨. Joke, haha. Alam ko naman na di mo yun gagawin.

Sana kahit ganito ako, matanggap mo ko as a friend. Di ko na hihilingin na maging tayo or what kasi alam ko naman na ang posisyon ko sa buhay mo. Alam mo ba?na pag naka-yuko ka sa Classroom. Nag aalala ako sayo, syempre malay ko ba kung ano na nararamdam mo. At pwede ba tayo mag usap ng matino minsan? Kasi kahit friends lang tayo Im still concern sa nararamdaman mo. Realtalk lang ha, hindi ko kayang gawin mga sinasabi mo. Iintindihin ko yun pero di ko kayang sundin. I LOVE YOU. Mahal kita as a friend, as a sister, as a classmate. O yan, para naman hindi ka mainis sa akin. Diba ayaw mong trinatrato ka na importante? Sige gagawin ko yun, pero di pa rin magbabago na mahal kita.

Sorry pala ha.. Hindi ko kayang gawin mga ginagawa ng iba sayo, yung papasayahin ka hanggang mag Tears of joy ka na. Ang kaya ko lang ay maging sandalan. Di naman ako pinanganak na masayahin.

Alam mo ba nung Grade 7 pag nagkikita tayo sa Stairs hindi ko nahahalata mga greetings mo sa akin. Sorry ah. Sorry talaga. Kasi yung time na yun wala pa sa utak ko na gusto kita. Then nung grade 8 ko lang nalaman na gusto pala talaga kita. Nahihiya ako sabihin sa personal eh. Kaya sa chat ako nasanay makipag usap ng ganun. Noon hinahangad ko na mahalin mo ko pabalik, pero ngayon ko lang na realize na hindi pala considered na effort ang pag ii love you sa chat. Kasi nasanay ako noon na kausap ka gabi gabi, hapon hapon.

Kung naiirita ka man sa akin, sa mga ganung pag kilos ko, sabihin mo na lang at kaya ko gumawa ng paraan para baguhin yun!Haha 😉.

Noong mga grade 8 tayo. Grabe. Grabe ang tibok ng puso ko pag kausap kita (Sa chat) lalo na kung goodnight na. Maalala ko pa yung dare natin na magtawagan ng Babe 😍. Kaso di natin tinuloy dahil nagkakalat na sa school.

Alahanin mo na kahit ayaw mo ko, handa ako magpaka tanga na gumawa ng paraan para magbago yan. I won't give up. Gusto kita tulungan, at sana pumasok sa utak mo yun. Wag mo sana ma misinterpret mga sinasabi ko ah?hahaha. Mahal kita, kasi, mahal kita. Nothing more.

At kung talikuran ka man ng mundo, andito lang ako. Andito lang ako. Hindi man kita kayang patawanin, kaya naman kita masamahan, pag malungkot ka, o may problema ka.. Kasi ikaw ang dahilan bakit nag iba yung buhay ko ngayon. Nag mature ako dahil sayo, at pinapasalamatan kita doon, ngayon, hayaan mo naman na ibalik ko ang ginawa mo sa akin. Kung kailangan mo ng kausap, andito ako haha, kahit siraulo ako 😂.
Kung kailangan mo ng may mapapag sabihan ng problema andito ako. Naalala ko pa yung mga pinagsasasabi ko sayo noon haha, na "Uy nandito lang ako, di kita iiwan kahit anong mangyare". Sorry ha, nung grade 8 tayo di kita makausap ng personal. Hahaha tapos yung sagot mo sa akin, "Salamat ha, buti naging kaibigan kita", alam mo ba nung time na yun, masaya ako.. Kaso nung lumipas na.. Hanggang nalaman kong nagkakasakit ka na, nag alala na ko sayo.

(P.S. Mahal ko siya pero hindi pwede, hindi talaga pwede. Kahit anong mangyare. Kaso tanggap ko na haha. Hindi na ko aamin sa kanya para wala ng problema, diba? Naniniwala ako sa kasabihang "People change, and Feelings fade". Kaya hahayaan ko na lang.)

Syempre nag alala ako sayo at inisip ko baka anong mangyare sayo. Optimistic naman akong tao eh 😇, pero sa mga sinasabi mo.Negative mga naiisip ko 😶. Pero sorry kung makulit ako ha 😊, ganito lang talaga ako.

Di ko alam kung ayaw niya sa akin pero hindi ko mapigilan sarili ko, concern talaga ako sa kanya 😅. Hinding hindi ko siya kakalimutan kahit anong mangyare. Kahit mag lipatan kami ng silid aralan. Dibale, hinihintay ko yung Gift na bibigay niya sa akin. Gift na "Something worth remembering" hahaha.

Di mawawala sa convo namin yung usapan na yun. "Uyy ano gusto mong gift?". "Uhm, kahit ano na. Ikaw bahala". "Wait isip ako. Siguro kahit bracelet na lang, para pag tinignan ko ito, maalala kita". "Hahah sige sige, hahanap ako". "Para fair bracelet din ibibigay ko sayo, hahaha 😃" . Pagkatapo ng usapan na yun nag simula na kong maghanap ng regalo para sa kanya.

Hindi ko alam pagkaka intindi mo sa pagkagawa ko pero sana maintindihan mo yun point ko. Na mahal kita, pagmamahal na hindi ko ma-explain. Hindi ko alam kung masasabi mong swerte ka pag kaibigan mo ako, kasi ako yung taong Makulit, magandang kausap (pero siraulo minsan), mabait, at higit sa lahat matulungin. Nilarawan ko na sarili ko para may alam ka rin sa akin hahaha 😁.

Kung kailangan mo ng tulong andito lang ako, lumapit ka lang sa akin at wag kang mahiya. Kasi ako yung taong madaling lapitan pag may kailangan ka. Wish ko na sana this Grade 9 year natin, maging mas close pa tayong dalawa.

Sana maramdaman mo..

• • • • • • • • • • • • • • • • • • •

First part ito 😇🍁🍁🍁

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana maramdaman moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon