Saan ba ako

53 1 1
                                    

Mga tanong na saan ba talaga ako,
Tanga o sadyang manhid na ako,
Tanga kasi mahal ko padin siya O,
Manhid kasi kahit nararamdaman ko ang panloloko niya nagpapatangay parin ako,
Baka naman sa mga binangit ay parehas na ako,
Ang galing ko,
Manhid na tanga pa ako,
Ganun ba talaga ang pagmamahal ko,
Ginagawang tanga at manhid ang sarili ko,
Martir ba ang depinisyon ko,
Kasi kahit wala ng tayo,
Eto ako mahal ka at nasasaktan mo,
Ang hirap ng part ko dito,
Naiiyak pa nga ako,
Sana malaman mong napapagod rin ako,
Hindi naman ako superhero na katulad ni batman o kahit sino,
Isa lang akong taong kagaya mo,
Na nakakaramdam ng sakit sa puso ko,
Darating ang oras na sana mahalaga na ako,
Dahil pag may nakakuha ng atensyon ko baka pagsisihan mo,
kasi magbabago na ang takbo ng mundo,
Dating pambabaliwala mo,
Baka ako na ang mambabaliwala Sayo,
kaya sana matuto kang makuntento,
Pag nawala ang nararamdaman ko,
Sana ito ang tipong magiging masaya ako,
Hindi yung nakangiti ako pero Alam Kong wasak at nasasaktan ako,
Yung magkaroon ng totoong ngiti sa labi ko,



fat

Para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon