Mga araw na lumipas na
Sa pagsibol ng liwanag na nagpapaalala na ako nalang magisa,
Sa dahan- dahan pagsapit ng dilim ay parang puso unti-unting nawawalan ng buhay,
mga luhang nag papaunahan sa pagbagsak at pag-agos dahil sa iyong paglisan,
unti-unti akong pinapatay, nanghihina at nawawalan ng buhay,
dahil sa bawat pag gising ko sa umaga ay panibagong hamon nanaman ang aking haharapin ng ako lang mag-isa,
papaano nga ba ako makakalimot sayo kung lahat ng bagay naalala ko,
bawat pangakong binitiwan mo,
at sa mga pag aakala ko sayo,
ayoko nang isaisahin ang mga pag aakala ko sayo,
sapagkat maluluha at masasaktan nanaman ako ng dahil sayo,
pero sige iisa-isahin ko upang mabawasan ko ang bigat at hinanakit dito, dito sa puso ko,
ang akala kong mananaliti ka sa tabi ko ngunit bakit ngayon ako nalang mag-isa at ika'y wala na,
ang akala ko sabay tayong haharap sa problema ,
ngunit bakit ako nalang mag isa ang humarap at ikay sumuko na,
ang akala ko nakakapit ka sa kamay ko,
at Hindi matangay ng agos ng problema, bakit tila nasa malayo kana, nagpapatangay at hinayaan akong lumusob mag-isa,
marahil tama na ang pag iilusyon kong babalik ka pa,
na mababalik sa dati ang relasyon natin dalawa,
ang makulay na mundong ginagalawan natin noon,
noon at Hindi na maibabalik ngayon,
dapat ngayon ay tangging gawin ,
ay makalimot ,makalimot at ipagpatuloy ang ngayon,kinabukasan, at sa susunod na araw na mag dadaan,
paglimot, paglimot sa mga alala noon,
paglimot sa taong minahal ko noon,
at harapin ang ngayon ,I hope you like it 💚😘
-fat