Letter For Charina

43 4 1
                                    

Let's try a shorter story, napost ko na 'to sa free website na gawa ko, kaso hindi ko na siya ma update kasi nakalimutan ko na yung email address at password na ginamit ko. Hahaha!

Hope you like it and you'll be inspired ^_^

#LausDeoSemper

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malakas ang ulan ngayong araw na’to. Pakiramdam ko sinasabayan ng panahon ang sakit na nararamdaman ko… Physically and emotionally… Paano ko nga ba malalampasan ang dagok na’to sa buhay ko? Sa araw na’to iniwan ako ng lalaking mahal ko, at nalaman ko na mamamatay na ako kung hindi ako makakahanap ng heart donor.

            Ako si Charina, ipinanganak na may congenital heart disease. Sabi ng mga doctor sa Amerika at kahit dito sa Pilipinas, ang tanging paraan para mabuhay ako ay sa pamamagitan ng heart transplant mula sa isang buhay na tao.

            Sa tingin niyo ba may tangang tao na magbibigay ng puso niya para lang mabuhay ako?

            Minsan gusto kong itanong sa Diyos kung bakit ako pa? Ang dami namang masamang tao sa mundo na puwede niyang bigyan ng nakamamatay na sakit pero bakit kung sino pa yung taong karapat dapat na mabuhay ng matagal eh siya pa yung namamatay ng maaga? Siguro nga totoo talaga ang kasabihan na pag masamang damo, matagal mamatay…

            Ilang araw ang lumipas pero wala pa rin pagbabago sa buhay ko… Wala pa rin ang himala na pinapanalangin ko araw at gabi. Sabi ko tuloy sa sarili ko, kung mamamatay din lang ako, hindi ko hahayaan na ospital ang maging huling lugar na makikita ko bago ko ipikit ang mga mata ko kaya tumakas ako sa amin at pumunta sa isang beach resort sa Batangas. Alam ko nagaalala sila sa akin, pero mas importante sa akin na magawa ko ang gusto ko bago ako mawala sa mundo.

            Sa resort na iyon ko nakilala si Niño. Isang antipatiko, mayabang at alaskador na lalaki. Pero in fairness cute at gwapito siya. Kahit para kaming aso’t pusa sa simula ay natutunan ko na maappreciate ang kakaiba niyang mood swing dahil na realize ko na mali ako, na hindi ko pa siya ganun kakilala. Na dumating sa point na na-realize ko na isang mabuting tao si Niño. At ganun na lang ang pagkagulat ko ng malaman ko na siya ang may ari ng resort na tinutuluyan ko.

            Sabi sa akin ni Niño kahit na halos dalawang linggo pa lang kaming magkakilala, pakiramdam niya ay buong buhay na niya akong nakasama, and I feel the same way for him… Pinawi niya ang sakit na dulot ng ex ko na si Harold… Ngayon isang sakit na lang ang iniintindi ko at yun ang sakit na hindi niya puwedeng malaman.

            Malinaw pa sa alaala ko ng iniwan ako ni Harold… Ang sabi niya hindi niya ako kayang alagaan… Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng araw na iyon… Akala ko naintindihan niya ang sakit ko… Hindi pala… Kaya hindi ko hahayaan na maulit iyon kay Niño… I may sound dishonest and selfish… But can you blame me? I just want to be happy and die in the arms of the man I love… Kaya ng mag propose sa akin si Niño after a month, agad ko inaccept ang proposal niya… Pero ang araw na dapat na pinakamasayang araw sa buhay namin ni Niño ay naging araw na pinakakinatatakutan ko…

            Kitang kita ko sa mukha niya ang takot ng malaman niya ang kundisyon ko. Bakit ngayon pa Diyos ko? Bakit sa araw pa ng kasal ko? sabi ko sa loob ko. Ang huling natatandaan ko bago ako nawalan ng ulirat ay sinabi sa akin ni Niño kung gaano niya ako kamahal at hindi niya hahayaan na mamatay ako…

            Hindi ko alam kung gaano ako katagal walang malay, basta ang alam ko, pag gising ko naramdaman ko na may kakaiba sa pakiramdam ko… Mukha ni Niño ang una kong nakita. Masaya ako dahil siya ang una kong nakita, sumunod ay ang mukha ng mga magulang at kapatid ko na lumuluha sa tuwa… Sabi nila isang linggo daw akong natutulog at hindi nila alam kung gigising pa ako kaya abut abot ang panalangin nila na maging successful ang operation…

            Teka? Tama ba ang narinig ko? Naoperahan na ako? Kinapa ko ang dibdib ko at naramdaman ko ang tahi sa kaliwang dibdib ko… Pero paano? Sino? Walang salita pero naintindihan ni Niño ang mga tanong sa aking mga mata… Isang sulat ang kanyang inabot.

Charina,

            Kung binabasa mo ang sulat ko na ito, alam ko na naging successful ang operation mo at hindi matawaran ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong nadugtungan ko ang buhay mo… I’m sorry Cha… I’m sorry kung nasaktan kita… I’m sorry kung inisip mo na hindi kita gustong alagaan… God knows how much I want to take care of you, and be with you for the rest of my life… But I can’t… Physically I can’t… I can’t take care of you…. I’m sorry… But I’m happy… And please don’t cry… Hindi magugustuhan ng puso ko na umiiyak ka… Cha, I love you… I love you so much… Please be happy with Niño… He’s a good man… I know… And please don’t forget me… Lagi mong tatandaan na ang pusong tumitibok sa dibdib mo ay ang puso ng lalaking nagmahal sa’yo ng higit pa sa buhay niya… Please take care of my heart…

Harold

            Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng matapos kong basahin ang sulat ni Harold. Iyon ang araw na nalaman ko na may malignant brain tumor siya kaya siya nakipaghiwalay sa akin… Dahil alam niya na wala ng pag-asa ang sakit niya samantalang ako may chance pang mabuhay… Hindi ko magawang umiyak… Tumatak sa isip ko na hindi magugustuhan ng puso niya na umiyak ako kaya kailangan kong maging matapang…

            Isang bagay ang natutunan ko sa pangyayari na’to sa buhay ko na sana ay marealize din ng lahat ng tao…

            Tama ang kasabihan na habang may buhay, may pag-asa… Dahil ang himala na matagal ko ng ipinapanalangin ay araw-araw na nagaganap sa buhay ko… Iyon ay ang pag gising ko sa bawat umaga na nilikha ng Diyos para sa lahat ng tao… Umaga na hatid ay bagong pag-asa.

Letter For CharinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon