Hi I'm France De Castro ang tinaguruiang nerd noon na bestfriend ng isang Brent Esgana.I'mma tell you kung anong nangyari sa last prom namin ni Brent.
**********************FLASHBACK OCTOBER 23 19XX*
Wednesday.
Nasa favorite spot ako naming dalawa ni Brent nag-aaral sa bio namin isinaksak ko ang headset sa tenga ko kahit ang tahimik ng spot namin na ito.Mga ilang minuto may naramdaman na akong hinalbot ang headset sa tenga ko.Tumayo ako at tinignan kung sino ito.
Si Brent!."ano ba?!" -inis kong sabi sa impakto.
"Chill ito naman oh, sorry na kanina pa kasi ako nandito at parang balewala ka lang eh."- naka pout niyang sabi.
"Ano ba ang kaylangan mo?"-ngayon malumanay kong sabi.
"May date kana sa prom sa friday?"- tanong niya at umupo sa tabi ko at kinuha niya ang kamay ko at pinag dikit ang palad naming dalawa.
No malisya bestfriend ko siya alam kong sa lahat ng mag bestfriend ay kami lang gumagawa nito eh anong magagawa niyo sweet siya saken eh.
"Wala at di ko rin gustong pumunta matutulog nalang ako sa bahay."- kaswal kong sagot dito.
"Huh? di pwede pag dika pumunta wala akong partner."-gulat niyang sabi.
"Bakit? partner mo ba ako? di naman diba?"-simple kong sagot.
"Kaya nga eh pumunta ka para ikaw ang partner ko ayaw ko sa ibang babae."- cool niyang sabi habang hinihilot ang kamay ko.
"Di mo pa nga ako niyaya eh?"- biro kong sabi.
"France na amazona gustong ikaw ang maging kadate ko sa prom!"-pagmamaktol niya.
"Psh. as if may choice ako."-biro ko dito.
"So pano alis muna ako kita nalang tayo friday okay?"-tingin niya sa rolex niya at ikiniss ako sa noo.
"Psh pumunta lang siya dito para yayain ako tsk siraulong impakto."- ani ko sa sarili ko ng wala na ang impakto.
*****************
Thursday.
Antok pa ako nang kumatok si mama sa pinto .
"Ma five minutes please."-inaantok kong sabi.
"France!"- may awtoridad niyang sabi.
"Yes Ma, bababa na po ."- mabilis akong pumasok sa banyo at naligo.
Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na ako nakita ko si Mama na nasa labas ng bahay at hinihintay ako.
"Baby sa mall nalang tayo kakain ha?" - malumanay niyang sabi ng nakalabas na ako ng bahay.
"Ah okay po pero bakit ho ba tayo pupunta sa mall?"-tanong ko ng nasa loob na kami ng sasakyan ni Mama.
"Get you total make over and buy a dress for your upcoming prom."-Mama.
"How did you know ma?"-ako.