EA: PROLOGUE

2.2K 47 2
                                    

May mga bagay na hindi natin alam.

May mga bagay na mahirap paniwalaan.

May mga bagay na mahirap ipaliwanag.

Pero sa panahon ngayon, Ang mga tao ay naniniwala sa kung ano man ang nakikita nila.

Ika nga nila "to see is to believe".

Marami tayong iba't ibang kuwento na naririnig, Pero hindi natin alam kung totoo ba o hindi?

At lahat ng imposibleng bagay na mahirap paniwalaan ay makikita natin sa mundo ng ZENONIA.

Sa mundong ito ay may isang kaharian, Ang kaharian ng FANTASIA.

At sa kaharian na ito ay may batang isisilang.

"Kay gandang bata, Reyna Ada." Sabi nang diwata sa Reyna.

"Sobrang gandang bata, itong bata na ito ay talagang nagmana sayo aking asawa." Habang buhat buhat ni Haring Arcelus ang bata.

At inilagay ang bata sa tabi ni Reyna Ada.

Halos maluha si Reyna Ada habang hinihipo nya ang kanyang bagong silang na anak.

"Oh sya maiwan ko na muna kayo mahal ko at ang aking munting prinsesa, At may aasikasuhin pako." Sabay halik sa kanyang mag-ina.

Di mapapantayan ang ngiti ni Hari Arcelus habang papalabas ito ng silid.

naiwan na muna ang kanyang mag-ina sa kwarto.

Pagkalipas nang ilang sandali ay nagising si Reyna Ada dahil sa malakas na iyak ng sanggol.

Kasama na roon ang mga pasabog na ingay na nanggagaling sa labas.

Nayanig at nabulabog ang buong kaharian ng FANTASIA.

Nang may isang diwata na pumasok sa silid ng mag-ina.

Sumisigaw habang papalapit ito sa reyna.

"Mahal na reyna, sinasakop na po tayo ng mga halimaw." sigaw ng diwata na sugatan.

"Nasaan ang hari? Nasaan ang aking asawa?" tanong ng reyna.

"Ikinalulungkot ko po mahal na reyna, Ang hari ay napaslang nang mga halimaw." Tugon ng diwatang sugatan.

"Hindi pwede!" Galit na isinigaw ni reyna Ada.

Sumigaw at umiyak ang reyna dahil sa binalita sakanya ng diwata.

Hanggang sa tumayo ang Reyna at kinuha ang isang espada sa ilalim ng kanyang kama.

Hinanap nya rin ang isang kahon na parang kayamanan.

Nang nakita niya ay binuksan nya ito agad at kinuha ang nasa loob.

Isang nagniningning na dyamanteng kwintas na kulay pula na may ginto sa gilid na nakapalibot dito.

At ipinasuot sa prinsesa.

"Hurna, may ipaguutos ako sayo. Itakas mo ang aking anak at pumunta kayo sa Dinotopia, Alam kong patutuluyin kayo ng mga wizards doon." Utos ng Reyna kay Hurna.

At  kinuha ng reyna ang bolang kristal. Niyugyog nya ito at inihagis sa sahig.

Sumabog ito at nabuo ang portal papunta sa Dinotopia.

"Pero mahal na reyna, hindi ko po kayo pwedeng iwanan." Ani ni Hurna.

"Hurna, Ako ang iyong reyna kaya sundin mo ang utos ko. Pumunta kayo sa Bansa ng Dinotopia. Pangalagaan mo ang aking anak. Ipangako mo sakin Hurna. Yang kwintas na yan ang makakapagprotekta sa prinsesa, pakaingatan mo yan Hurna." Sabi nang reyna.

Nang may biglang pumasok na isang halimaw sa loob ng silid.

Malaki at mabalahibong maitim na halimaw.

"Sige na Hurna! tumakas na kayo!" Sigaw ng reyna.

At di na nagdalawang isip pa ang diwata na pumasok sa portal para maitakas ang prinsesa.

Agad agad itong nakarating sa Dinotopia.

Samantala, ang Reyna ay nabigo sa pakikipaglaban sa mga halimaw na sumakop sa kaharian nila.

Tuluyan ng nasakop ng halimaw ang kaharian ng Fantasia. At ito ay kanilang pinamunuan.

"Patawad mahal kong hari at mahal na reyna, patawad narin mga kapatid na diwata. Sana'y maging mapayapa ang inyong mga kaluluwa." malungkot na sabe ni hurna.

Nagpatuloy sa paglalakad si Hurna sa kagubatan ng DINOTOPIA, dala-dala ang prinsesa ng mga diwata.

          

FB:@AlFarhan
IG:@Aaaaal_m

Elementia Academy: Princess Of FantasiaWhere stories live. Discover now