KABANATA EA1: NIGHTMARE

1K 28 7
                                    


Naglalakad kami ni ina pauwi sa aming tirahan.

Galing kase kami sa bayan dito sa Dinotopia, namili kami ng mga sangkap para sa lulutuin namin mamaya ni ina.

Kami nalang kase yung magkasama sa buhay. Tinatanong ko sya kung nasaan ang aking ama? Pero sagot niya sakin ay napaslang ito nang mga halimaw.

Kaya malaki ang galit ko sa mga halimaw. Dahil sakanila ay nawalan ako nang ama.

Kung di nila pinaslang si ama, siguro kasama na namin sya ngayon.

Dati daw ay dun kami naninirahan sa bansa ng DEMONIA, na dati ay Fantasia.

Sinakop daw nang mga halimaw ang Fantasia kaya napasakamay ng mga halimaw ang buong Fantasia at napalitan ito ng Demonia.

Tulad nang aking ama ay napaslang din ang Hari at Reyna nang mga oras na yun.

Ginawang alipin ang mga diwatang naninirahan doon.

Pinapaslang nila ang mga diwatang pilit na lumalaban sakanila.

Pinaparusahan ang mga ayaw sumunod sa mga nais nila.

ganoon sila kasama, talagang nasakop nila ang FANTASIA.

Nakarating na kami sa aming tirahan at inihanda ang mga aaihin namin ni ina.

Habang nagluluto kami ni ina ay may sinabi sya sa akin.

"Anak, maghanda ka may nararamdaman akong masamang mangyayari. Ihanda mo sarili mo." Sabi niya habang naghihiwa.

Mamaya ay tumayo si ina at iniligpit na muna ang mga sangkap.

Nang may biglang sumipa sa pinto at pumasok sa amin na katakot takot na wangis. Isang nilalang na hindi ko masuri. Dahil ngayon ko lamang nakita ito.

Biglang umilaw ang mata ni ina, at kinuha ang kanyang makintab at matalim na espada.

Nilabanan ni ina ang nilalang ngungit malakas ito. Nabitawan ni ina ang kanyang espada dahil sa malakas na impak ng pagtulak nang nilalang kay ina at tumilapon ito sa pader.

"Inaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko habang si ina ay nakahandusay sa sahig.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, uminit ang buong katawan ko.

Bigla din umilaw ang aking mga mata. At unti-unting lumabas ang espada sa aking kamay na kulay pula.

Parang diko makontrol ang aking sarili.

Napuno ng galit ang aking isip, dahil sa nakita ko si ina nakahandusay sa sahig.

Napalingon saken ang nilalang at tumakbo nang mabilis palapit saken.

At habang papalapit sya saken ay tinutok ko ang aking espada sakanya.

Hindi pa tumatama ang espada ko sakanya, ay napaslang agad siya.

Lumabas sa espada ang liwanag na itsurang kuryente at tumama sa kanya.

Kaya napaslang ito nang tuluyan at naging abo.

Bigla akong nanghina, na para bang pagod na pagod.

Hingal ako ng hingal, Di na ko makahinga.

Kumirot buong katawan ko.

"Inaaaaaaaaaa!" takot kong sigaw.

Dali-daling pumasok si ina sa aking silid at pumunta sa aking kama para alamin kung anong nangyari.

"Anak? bakit yon?" tanong niyang nag-aalala sakin.

Niyakap ko sya at umiyak akong tuluyan.

Kinuwento ko ang buong nangyari sa aking panaginip.

Hinipo ako ng aking ina sa noo tsaka sa leeg.

"Anak, inaapoy ka ng lagnat! Sandali, kukunin ko ang inihain kong hapunan sa iyo pati narin ang gamot mo." sabi ni ina at lumabas.

Akala ko ay totoo nang naganap ang mga nangyari sa aking panaginip.

Para bang totoo.

Alalang alala ko pa ang bawat scenario sa aking panaginip.

simula sa una hanggang huli, walang labis at kulang.

"Anak, ito na ang pagkain mo."sabay lapag sa aking kama.

"Pagkatapos ay inumin mo ang iyong gamot." dagdag ni ina.

"Ina, pwede po bang dito kana matulog sa kwarto ko. Natatakot kase ako." sabi ko habang umiiyak.

"Anak, wala ka dapat ikatakot. Andito ako, hindi kita papabayaan. Poprotektahan kita kahit sino pa man yan. Ganyan kita kamahal anak." sabi ni ina habang yakap yakap nya ako.

"Sige na anak, kumain kana. At para bumuti-buti ang iyong pakiramdam." dagdag ni ina.

Pagtapos ko kumain ay agad kaming nahiga ni ina sa aking kwarto.

             
        
                

Elementia Academy: Princess Of FantasiaWhere stories live. Discover now