Chapter 6: Long Time No See

97 5 2
                                    

XYLENE'S POV

"Grabe gusto pa rin kaya nya si Gino?"tanong ni Jhen sa amin habang kumakain kami ng frozen yogurt.

"Malamang sa alamang! First love never dies nga diba?" sabi ni Aina.

"Korak plangak tumpak!" pag sang ayon nila.

"Pero di ba nga si Gino yung dahilan kung bakit sya nasaktan?" pagsasaad ko sa mga ito, tumango naman sila sabay subo ng frozen yogurt.

Ang hirap naman ng sitwasyon ni Ven, how i wish matulungan namin sya. :(((

*MONDAY*

VENICE POV

Monday na ngayon, meaning another week for school, nakaktamad naman pag Monday. -____-

Naglalakad na kami papuntang school, pag pasok ko pa lang iba na agad yung pakiramdam ko, bakit parang may hindi magandang mangyayari...

"Oy mauna na kayo, cr lang ako sandali." pag papaalam ko sakanila.

"Samahan na kita."

"Ah wag na kaya ko na to. Sige na mauna na kayo sa room."

Habang nasa hallway ako, dinig na dinig ko ang usapan ng mga estudyante..

"Grabe! May transferee daw?"

"OO at balita ko gwapo din daw parang si Andrew."

"Mygosh! May tatalo na kay Andrew as Face of the Campus?"

"Malay natin. Tara tingnan natin, sa Business Management Class 2 daw e."

Teka class namin yon ha. Mamaya ko na aalamin kung sino yan. Pupunta muna ako ng cr at ako'y naiihi na. :D

AINA'S POV

"Tra tingnan natin kung sino yung new student!" sabay takbo nung mga babae sa likod namin.

"May bago?"tanong namin sa isa't isa.

"Balita ko gwapo daw yung transferee, chismax tayo bilisss!"sigaw nung isang babae sa classroom, kung hindi ako nagkakamali Class 1 to, puro matatalino. -_____-

"GWAPO?!" sigaw naming apat at sabay sabay kaming tumakbo kasunod nung ibang girls.

"Teka, room natinyan ha. Excuse me, padaan papasok lang kami."sabi ko dun sa mga babaeng nakaharang.

Pagpasok na pagpasok naming apat nagulat kami dun sa transferee, mukang anghel, at mygad! Killer smile. *___________*

VENICE POV

Nasaan na yung mga tao? Bat wala atang masyadong estudyante ngayon? Wala namang program ha. Nakakapagtaka.

Dumiretso na lang ako sa classroom namin, pero laking gulat ko ng sa di kalayuan, nakita ko yung mga estudyante, particularly mga babae ay nagkakagulo sa room namin.

"Hala! MAY AWAY?" nag madali akong tumakbo at nakisingit sa maraming tao para lang makapasok sa room namin, ano ba yan buwis buhay. -________-

Pagkapasok ko ng roon, nagulat nalang ako kasi hinarang ako nila Aina.

"Ah eh Ven, labas muna tayo, mainit dito. Nabablock nila yung air passage."pagtulak sakin ni Jhen palabas. Ay taray nakapag English sya bigla ha. ;))

Fairytales of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon