Uwaaa!! Uwaaaaaaaa!!! Uuwwwaaaaa!!!"Shhh. Tahan na anak... Andito na si nanay..." Pagpapatahan ko sa aking anak habang hinehele sya.
"Tok! tok! tok!". Hoy! Ysa! Lumabas Ka dyan! Bayaran mo yung bayad sa upa ! Kung Hindi .. Papalayasin kita ngayun din! Hoy! Buksan mo to! Alam Kong nandyan Ka!
"Shhhh .. Anak wag Ka nang umiyak .." Lumapit ako sa pinto at binuksan ito
"Aling Sella pasensya na po kayo pero promise po sa isang araw magbabayad po ako .."
"Ala! Hindi pwede! tatlong buwan ko na nga kayong pinagbibigyan! Hala ! Sige boys! Ilabas nyo na ang kangyang mga gamit!
"Aling Sella ..parang awa nyo na po bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon... Maawa po kayo!
"Hindi pwede! May bagong titira na dito.! Kung wala kang pera ha! Eh lumayas Ka na ! Hindi ako kumikita dahil Sayo! Hala sige! Layas!
"Parang awa nyo na po kahit bukas na lang po kami aalis ng anak ko .. Gabing gabi na po .. Wala pong tutulugan ang anak ko baka magkasakit sya.. .. ". Wala pa ring tigil ang buhos ng luha ko habang isa isa Kong pinupulot ang mga gamit namin ng anak ko
"Sinabi ng hindi pwede ang kulit mo! Palayasin yang mga yan!"
Wala akong nagawa kundi bitbitin ang mga gamit ng anak ko kahit Hindi na ako magkanda-dala sa pagbibitbit kasi bitbit ko din sa kanan Kong braso ang anak ko..
Umalis kami sa paupahàn nung malupit na landlady na yun ! Wala man lang konsiderasyon .. Kinuha na nga nya yung ilang gamit namin dahil nga Hindi ako nakabayad sa upa ng bahay .
"A-anak pasensya Ka na kung Hindi kita mabigyan ng magandang buhay .... Hindi ko na alam ang gagawin ko, Hindi ko alam kung saan hahanapin ang tatay mo...
Hindi ko din alam kung sino ako.. Kung saan ako nakatira... Lahat na lang di ko alam...
Umiiyak akong naglalakad sa kailaliman ng gabi Hindi ko maiwasang kaawaan ang sarili ko dahil sa sinapit namin ng anak ko . tumawid ako sa kabilang kalsada ngunit di ko napansing may paparating palang sasakyan..
"Miss! Miss!
Naramdaman ko na lang ang isang mainit na yakap na sumalo sakin bago ako mawalan ng malay....
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^===================≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈
Ysa's POV
" wala po kayong dapat na ipagalala sa pasyente nahimatay lang po sya dahil sa sobrang stress at gutom kailangan nya lang ng pahinga at kumain..."
"Sige po Doc,salamat."
Nagising ako sa isang puting kwarto na alam ko na marahil kung nasaan ako...
Agad na lang akong napabangon dahil sa biglang pagalala ko sa anak ko.."Sino ka? Nasan ang anak ko?"
Teka lang! Kalma ka lang .. Eto sya oh..
Sabay kuha ko sa kanya ang natutulog kong anak .. Buti na lang walang nangyari sa kanyang masama
Mahal...
Bigla na lang akong napatingin sa lalaking di ko kilala .. Meron syang nagba-brown na buhok ,matangos na ilong,maputi,saktong laki ng muscles, nakasuot sya ng isang mamahaling suit ... At.. mabango sya.. Sa madaling salita... Ang gwapo naman nitong lalaking ito..
Napakurap-kurap na lang ako sa mga iniisip ko, hindi ko dapat pinagpapantasyahan ang lalaking estrangherong ito.
"Mahal? Anong mahal ang sinasabi mo dyan! Ni hindi nga kita kilal-..."
Napatigil na lang ako sa aking pagsasalita nang may biglang pumasok na isang babaeng umiiyak na sa tingin ko'y nasa mid fifties na ang edad at may isang lalaking tingin ko'y di nalalayo sa edad nung Babae at silay mariin na nakatitig lang sakin at halos mangiyak-ngiyak na din yung lalaking di ko din kilala..
"Teka lang po..! Sino po kayo? Anong ginagawa nyo dito? Baka nagkakamali po kayo ng kwartong napasok.. Atsaka anong ginagawa ko dito sa hospital? Wal-.."
Bigla na lang akong napatigil sa pangalawang pagkakataon dahil sa gwapong lalaking nasa tabi ko...
∞∞∞to be continue....∞∞∞
@akiell29
BINABASA MO ANG
Because You Love Me
RandomBecause you love me *3* Lahat na lang ginawa ko! Ano pa bang kulang?ha! Tell me! Kasi kung pahuhulain mo pa sakin.... Ewan ko na lang ! Siguro mabaliw na lang ako sa kakaisip!--- Huhuhuhu.....sorryyy...huhuhuh. sorry..patawarin mo ko! Hindi ko n...