Ten

11 1 0
                                    

-GIOVANNI-

Andito kami sa unit ni Zaf. Dito na lang ginawa yung mini party dahil kami pa lang naman daw nakakaalam na nakauwi na siya dito sa Pinas.

.

Andito ako sa Veranda. Past 12 na ng madaling araw pero game na game pa din silang uminom. Si Zaf may tama na dahil straight na siya mag-tagalog. Sila Empress naman parang wala lang. Tsk. Matataas tolerance sa alak.

.

Naalala ko tuloy yung nangyari samin ni Zaf dati. Bago kasi siya pumuntang Paris, sabi sakin ni Empress ako daw yung dahilan kung bakit siya pumuntang Paris. Buti nga hindi siya nagalit sakin. Amazona pa naman yon si Empress.

.

Kapatid lang talaga turing ko kay Zafire. Naaalala ko kasi sa kanya yung little sister ko. Namatay siya dahil sa car accident. Silang dalawa ni papa. Hawig na hawig kasi ni Zaf yon.

.

Tinungga ko yung beer na hawak ko. Ayoko ng alalahanin yung masamang nangyari sa kanila ng kapatid ko. Kahit ilang taon na ang nakalipas masakit pa rin para sakin yung mga nangyari.

.

"Lalim ng iniisip ah? Naaalala mo na naman ba sila Giohanna?" Tanong ni Calliber. Hindi ko manlang namalayan yung paglapit niya.

.

"Oo pre. Sobrang sakin pa din. Lalo na nung nakita ko ulit si Zaf. Bumalik lahat ng sakit." napayuko na lang ako at napaiyak. Sa tuwing maiisip ko yung nangyari noon, Sobrang nahihirapan na ako.

.

"Magpakatatag ka lang tol. Andito pa kami para sayo." Sabi niya sabay tapik sa likod ko tsaka siya pumasok sa loob.

.

.

---------------------

(KINABUKASAN)

-EMPRESS-

.

UGH! Ang sakit ng ulo kooooo!! =____________= Huhuhu!! Ipapadala ko talaga sa Mars yung nag-pauso ng Hang-over! Anong oras na ba?

.

=____________________=

.

8AM PA LAAAAAANG! HUHUHUHU!

.

Pumunta na lang ako ng kitchen. Dinala ko na lang yung toothbrush at toothpaste ko. Doon na lang ako magtu-toothbrush. Gusto kong uminom ng malamig na tubig!

.

Sa living room na pala silang lahat nakatulog. Anong oras ba kami natapos? Aish! Hindi ko na  matandaan! Lalo tuloy sumakit ulo ko.

.

Kumuha ako ng bottled water na galing sa freezer. Eto lang gamot ko sa pagtanggal ng hang over.

.

"Oh, aga natin ah?" Sabi ko kay Zaf. Kinuha lang niya yung bottled water na iniinom ko.

.

Pumunta akong ref para tignan kung ano yung pwede kong iluto. Kumpleto yung ingedients para sa Carbonara. Ayos!

.

Tumakbo ako papuntang kwarto ni Zaf. Maliligo muna ako! Hihihi.

---------------------

After nayntipayb tawsan wanhandred milyon natapos na ako maligo at magluto. Carbonara, fried rice, egg, hotdog, bacon, toasted bread, hot choco at coffee.

.

Ginising ko na silang lahat. Kaso yung isang alien ayaw gumising. Psh.

.

"Van, gising na. Kakain na." gising ko sa kanya. For the nth time. Jsme talaga to'ng lalake na to.

.

Siya na lang yung tulog sa kanilang lahat. Psh! Kainis, gutom na kaya ako! Hinila ko yung kamay niya pataas para itayo pero, pakingteyp! Ang bigat niya!

.

Hinila ko ulit sana siya pero naunahan niya ako. Napayakap ako sa kanya at ang ending? AYON! Nagpagulong gulong kami sa sahig. Saya niya eh!

.

Pumunta na kami sa dining area habang nakasabit siya na parang unggoy sa likod ko. Psh! Kawawa talaga ako sa kanya kapag sinapian siya ng saltik niya.

.

Umupo na kami sa Vacant Seat. Habang kumain kami biglang nag-salita si Zaf.


.

"BEACH TAYO!" sabi niya with matching ngisi.

.

"Resort mo?" Tanong ni Zephyr. Pffftt.

.

"Nah. Hindi pa tapos yung ginagawa dun eh. Sayo na lang Simoun!" baling ni Zaf kay Kuya Simoun. Poker face lang niyang tinignan si Zaf. Pfff! Lagi siyang naiinis kay Zaf. Hahahahaha! Ang lakas kasi ng boses eh.

.

"K." Sabi lang niya.

.

"So sungit mo talaga ever Simoun! I make patapon you sa pluto eh! Hmppfff!" Bumusangot ng malala si Zaf. Hihi. Cute!!

.

Ay wait, PUMAYAG SI KUYA SIMOUN!! YEEHEET!!

.

--------------------

One Of The BoysWhere stories live. Discover now