chapter 1: The beginning

3 0 0
                                    

Sophie's POV

Nakatitig ako ngayon sa mga babaeng nagkukumpulan sa labas ng aming paaralan. Ang bawat kababaihan na naroroon ay pawang may tinatanaw sa di kalayuan. ang iba a'y nagtatawanan habang ang iba'y nag-aayos ng kanilang mga kasuotan.


nabalik ako sa  realidad ng may isang malumanay na tinig ang pumukaw  sa aking atensyon..

" Miss Dela Fuente" tawag sa akin ng isang babae

nang mapagtanto ko ang babaeng tumawag pala sa akin ay si Gng. Cruz , ay bahagya akong yumuko upang magbigay galang sa aking guro.

"May kailangan po ba kayo ma'AM?" Magalang kong tanong kay Ma'am cruz

" I just want to check you, how's your school?" tanong sa akin ni Gng. cruz

"Huwag ho kayong mag-alala ma'am , kaya ko naman po ang sarili ko" magalang kong tugon

"Just ask me anything you want , alam mo ..." hindi ko na pinatapos si ma'am cruz sa kanyang nais sabihin . Hindi sa nagiging bastos ako , alam ko na kasi ang kakahantungan ng pag-uusap  na ito.

" Ahmm Ma'am nais ko sanang makapag-usap tayo ng mas matagal kaso may pupuntahan pa kasi po ako " sabi ko na may halong kasinungalingan.

" okey Sophie, see you around. Just call me if you need help" masiglang sagoot ni ma'am Cruz

"salamat ma'am!" tugon ko saka nagmamadaling pumunta sa mga babaeng nagkukumpulan.

SHANE CRUZ  tunay na pangalan ni Ma'am Cruz , asawa sya ng kapatid ni papa. alam ko naman na nais lang mapalapit sa akin ni Tita Shane or ma'am cruz sa akin dahil sa pera ng papa at mama ko.

Namatay si mama at papa when i was 15 years old, that was 3 years ago. and now i am 18 years old ,pero ni isang kusing wala akong nakuha sa pera ng mga magulang ko . Lahat  ng ari-arian ng pamilya namin ay pinagpipyestahan na ng mga kapatid ni papa.

Kaya ngayon , pinagtatrabahuan ko ang perang ipang gagastos ko sa sarili ko. mula sa tuition fee, projects, apartment at iba pa.

Mula kasi ng mamatay si mama at papa, nawala lahat ng meron ako . napunta lahat sa kapatid ni maging ang bahay namin.

"Heyy girl, maganda na ba ako?" tanong ng isang malanding tinig sa katabi nya

PICK UP GIRLS ang tawag sa mga babaeng ngayon sa akin ay nakapalibot sa akin. sila yung mga babaeng nag-aabang dito sa labas ng gate ng aming paaralan, hinihintay nila na may PUMICK UP  sa kanilang sasakyan kung saan naroroon ang kanilang customer.

Oo, customer.. Yung mga lalaking handang magbayad ng mga malalaking halaga para sa isang gabing kasiyahan.

Kung tutuusin ang mga babaeng ngayon na nasa paligid ko ay galing sa mga mararangyang pamilya, ngunit mas nais nilang waldasin ang pera ng kanilang mga magulang para gumimik sa mga bar. Kaya ngayon nais nilang kumita ng pera sa mas madaling paraan , lalo na at sa susunod na linggo AY bayaranan na naman ng tuition fee.


maging ako ay namumublema sa ipang bababyad ko sa susunod na linggo , kulang na kulang ang aking pera. Pinasasok ko na lahat ng trabahong pwede kong ipagsabay. Minsan ay isa akong gasoline girl, minsan naman ay waitress , janitress, cashier at kung anu ano pa para lang maipangtustus sa pangangailangan ko. Napapagod na rin ako.


Napansin kung unti unti nang dumidilim ang kalangitan, ito ang senyalis. Unti unting pumaparada ang mga sa sasakyan sa harap ng aming paaralan , mahahalata sa kanilang mga mga kotse ang karangyaan kasabay nito isa-isa ring sumasakay ang aking mga kaeskwela.

PAANO KAYA NILA NA KAKAYA ANG GANYANG TRABAHO? tanong ko sa sarili ko




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pick-up girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon