part 1

52 0 0
                                    

Oo.

First time ko gumamit ng wattpad. Pero alam ko, eto lang ang pede ko mahingahan ng napakatagal ko ng sama ng loob. Pangalan ko? Wag nyo na muna alamin. Basta, ako ang nagkkwento ng buhay ko. About me? Ayun, isa akong diabetic.. nasa early 30s at isa po akong lesbian. Opo, butch dyke, tomboy, in short, gusto ko po babae. Yes, may karelasyon po ako. May mga anak sya and currently, supportado nya ako. Oo, yan yung nangyayari ngayon. Madalas, at halos palagi, sya sumosuporta sakin. Hirap makahanap ng trabaho, di ko lam kung malas ba ako o sadyang pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

Hirap ng ganito. Gamot, pagkain, kahit tubig, sinusuportahan nya ako. Kaso sa lahat ng ito, at di mo naman sya masisisi, andon ang laging panunumbat, paninisi, pagpapalayas, at ang di ka pwede magatwiran kind of life. Bawal. Bawal magsalita ng di maganda sa pandinig nya. Syempre, wala ako masabi. Hanggat wala ako trabaho, tameme ako.

Ayun, try try pa din. Interview dito, doon. Paguwi, luhaan. Paguwi, walang makwentuhan. Hirap. Pero sige, push pa din. Manas na manas na paa ko, pero sige hanap trabaho pa din.

Nakakapamura na, minsan,o cge madalas, naiisip ko umuwi na lang. May magulang pa ako. Pero ayoko kasi gusto ko, pag nagkatrabaho na ako. Si misis pa din ang tutulungan ko syempre kasama na dun ang pag tulong sa magulang. Kungbaga kasi, eto na eh. Parang asawa ko na. Pag gising ko, aayusin ko kelangan nya, nilang magiina. Tas pahinga, tas lakad na sa kung saan man ako dalhin ng pagkakataon, kaso pucha, ang pagkakataon nga naman, naglalaho parang bula.

Oy, di ako nagrarant ha. Nagkwkwento ako. Pero kung papayagan nyo ko,itutuloy ko p din storya ko. Sa part 2, buhay ko naman bago to. 1am na. Tulog muna ako.

See you in part 2.

Ang Diary Ng TomboyWhere stories live. Discover now