#1: Squad Reunion

27 2 6
                                    

Play song for more feels~
🎶Ain't It Fun-Paramore

June 22, 2013

-Aliscea-

Summer days are over. Mag k-klase nanaman. Pero naglipat na ng school ang dalawa kong magagaling na mangiiwang mga bestfriends na sina Claire at Myrtle.

Ako? Bagong lipat rin.

Bagong lipat ako sa bagong building ng Frontier High.

O diba? Bagong lipat lang pero wala paring bago. Fishtea. (~-_-)~

Tenginers naman oh. Akala ko may magbabago. Akala ko titino na yung mga tao dito. Hindi pa din pala.

May forever nga. Shete lungs. Forever na ata akong naka kulong sa rehas ng kasawaan dito sa eskwelahan na 'to.

Siguro dito na nga ako tatanda.
(/-_-)/

Buong buhay ko, simula noong naka diapers palang ako hanggang sa nagka napkin nalang ako, dito na ako nag-aaral. Ayoko na. Nakaka umay na.

Myghad. Yung building lang nag bago pero andun pa din si Manong Sungit, yung matandang pandak na guard, laging nakabantay sa bilangguan, ah este sa gate ng Frontier.

Grabe. Sana pinaretoke muna nila yung mukha niya bago siya ipinuwesto diyan sa pedestal niya. Yung mala Justin Bieber sana, para naman ma engganyo pumasok yung mga Boy Tambay at Inday Lande (/- ,-)/

Kahit ahitin nalang yung ulo niya tas palaspasin ng baby oil para may maaaninag kaming araw sa ulo niyang kalbo. At muling nagbabalik si Mr. Clean. Magdiwang 😂 Hakhak.

Kung hard siya samin, edi harsh ako sakanya. Tengine. Mas malala ba naman sa principal namin na nangengebak lang. Pwes di paawat si Manong guard na nangingialam na nga sa pakebak, may pauwi pa talagang nalalaman.

Pag late ka, hindi complete uniform o kaya wala kang I.D, Nako! Kabahan ka na. 😂 Pauuwiin ka talaga kahit na mapipilitan ka pang mag commute dahil wala kang pamasahe pang uwi.

O diba? Pasiklaban ng kastriktuhan. Isa lang masasabi ko kay Ms. Prinsipal at kay manong guard, pakasal na sila dahil tinadhana silang dalawa.
(-_-)

To be honest, akala ko rin mag babagong buhay na ako dito. Hindi parin pala.

Pumasok na ako sa gate ng Frontier. Dineath glare si manong guard at inisnob dahil ang proud ko sa sarili ko. Maaga na ako ngayon. Hakhak. 😂 Yung mukha ni manong guard, di ma drawing. Siguro iniisip niya na napaka himala naman ng araw na 'to dahil bihira lang ako pumapasok ng maaga.

Ilang saglit lang ang nakalipas at nakarinig ako ng balita mula sa mga asungot na umaaligid-aligid kay kuyang crush ng bayan.

Akalain mo naman, kakarating ko pa lang, tsismis na agad yung sumalubong sakin.

"Uyy! Alam mo ba, kilala mo 'yong si Ivan at si Celine? Sila na! OMG. Alam mo, ang sayang. Crush ko pa naman yung si Ivan. Mas maganda pa naman ako dun sa girlfriend niya." Kinalabit nung isang babae yung kanyang kaibigan upang ipag kalat muli yung tsismis niya.

Sus. Eto nanaman. Nakakapagod na.

GEH. MAG IINGAY NA AKO.

Yun naman gusto nila, diba?

"Ayy hala! Si Ateng Pa-fall at Kuya Paasa! Nagdedate na sila? Halaka! Shomayghad. Tinadhanang mga tanga." Singit ko.

So ayun, nabastusan ata sa inasta ko kaya't tinarayan nanaman nila ako as usual. Sana walang ibang nakarinig. Hala. Ba't ko nga ba ulit yun ginawa? Ah oo nga pala. Para manggambala. Para na akong shunga. Well, wala na akong pake. Wala naman silang magagawa dahil badtrip ako ngayon. Sobra.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WAITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon