Chase.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Gusto kong magalit dahil wala pa ako dun,pati si Lola pala pa sa time na yun.. Alam ata ni Aldrin kung saan yung susi or baka di nilock ni lola yung door nung umalis siya. Grabe, matapos niyang iwan ang Ate ko may lakas pa pala siyang magpakita. At sa mismong bahay pa namin. Kung kinakailangan lang, tatawag na ako ng pulis. Pumapasok siya ng basta basta eh.. Andito lang ako sa kwarto ko. Mag isa rin sa Bahay. Hayy. May tumatawag..
"Hello?" wala namang nagsasalita. Napilitan lang akong ulitin ang tanong. "Hello? Sino toh?"
* A-ah.. Chase. * pamilyar your boses niya.. Yung parang nainis na bigla.
"Ibababa ko na toh" nainis na ako bigla. Badtrip!
*Wait! Sandali lang Chase. Sasabihin ko lang na papakasalan ko ang a-ate mo..* para akong binuhusan ng malamig na tubig.. Matapos niyang saktan,papakasalan na?
"Ano yang ginagawa mo Aldrin? Akala mo magugustuhan ko yang pinaggagawa mo? Ha?! Alam mo bang ng dahil sayo! Muntik ng mamatay ang ate ko?! Mabuti ngang umalis ka nun eh!! Nagsasaya si ate nun tapos nabalitaan na ni ate na umalis ka papuntang States?! Kina ate Celine pa niya nalaman!!" nagtataas na ako ng boses dito.
*Chase..* wala na tong patutunguhan. Ano pa ba? *Akala mo ba gusto kong iwan ang ate mo noon? Ni hindi ko nga kaya eh!! Gabi gabi, umiiyak ako ng dahil sa pagkakamaling ginawa ko!* nagulat na lang ako sa sinabi niya..
"Walang patutunguhan ang usapang ito." tsaka ko pinatay ang telepono.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Dumeresto ako sa kwarto at humiga. Nakatitig ako sa phone ko. Naalala ko yung mga nangyari kay ate noon. Hindi pinaghandaan ni ate yun. Masakit para sakin ang nangyayari kay ate noon. Sa mga pinaggagawa niya. Muntik na siyang mahimatay at nawalan ng hininga dahil sa sobrang iyak at hindi na rin siya kumakain.
Dapat hindi ko na lang pababayaan si ate at mas lalo ko siyang proprotektahan.
Hillary.
Stoned. Hindi makagalaw. Yung boses, pamilyar. When I look around that was a mistake. Big Mistake.
" Sino yun? Boyfriend mo?" hindi ko siya pinansin at akmang pupunta sa taas para magpalit pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Hill,baby. Please? Were still together." hindi ko na kaya. I turned around just to look at him and I did what I wanted to do for how many years.
*Pak!*
I slapped him. So hard that I am starting to cry.
"Together? Together ba ang nangiiwan? Ha?! Aldrin tama na! Pagod na ako! Pagod na akong umiyak!! Pagod na akong magpanggap na okay lang ako!! Pagod na ako Aldrin! Pagod na akong Magmahal! Magmahal ng isang katulad mo!! Na ang ginawa lang naman ay iwan ako!! Pagod na ako. Pagod na pagod na ako... Eto?" sabay turo sa dibdib ko. " Pagod na toh.. Pagod na tong magmahal.. pagod na tong mahalin ang isang Aldrin Jeremy."
Wala na akong ginawa kung hindi ay umiyak ng umiyak.. Umupo siya para tapatin ako kasi nakaluhod na ako sa sahig.
" Hillary, alam kong mahirap pero intindihin mo naman yun oh.. Pinapa aral ako ni daddy sa States nun. Wala akong magawa kundi sundin siya.. Siya lang rin ang makakatulong satin. Ang hirap Hillary pero nagawa ko parin yun dahil sayo! Ikaw ang naging inspirasyon ko!! Akala ko maiintindihan mo ko pero bakit hindi man lang? Sa gabi gabi hindi ako makatulog kakaisip kung okay ka lang ba. Kung maayos ang loob mo. Kung hindi ka napahamak. At kung nakahanap ka na.. ng...iba.. Pero wala na, mukhang nakakuha ka na ng kapalit ko.." hindi ko napigilang ilabas lahat ng sama ng loob ko.
Sinasampal ko siya ng pa ulit ulit kahit na alam kong nasasaktan na rin siya.. Pinabayaan niya lang akong gawin yun.. Hindi pa rin siya nagbabago.. Mabait pa rin siya hanggang ngayon..
"Bakit ka pa bumalik? Dun ka na sa States! Bumalik ka na dun!! Alam kong sasaya ka dun."
"No. Im not happy there. I wanted to see you so bad that I only came here to see what your up to. If your fine,okay,healthy and Happy. I can see in your eyes that you are happy. No. Very happy. With that man. I know that Im too late because you've already found someone." niyakap niya ako ng mahigpit. Yung mahigpit na akala mo masikip sa paligid.
" Aldrin.." and it all went black.
Aldrin Jeremy.
Nagulat ako nang mahimatay bigla si Hillary. Hindi ko alam ang gagawin ko.. Nanginginig ang mga kamay ko. Nang maalala ko ang tinuro ng doktor sakin kung paano alagaan ang nahimatay na tao. Naging aktibo ako at pinunta siya sa kanyanv kwarto. Dun ko siya hiniga sa kanyang kama at kinumutan. Pumunta ako sa baba para kumuha ng mainit na tubig at twalya at pumunta sa kwarto. Nakita ko ang mga pwedeng mangyari sa kanya.. Sorry Hillary..
Naghintay ako. Hinintay kong gumising si Hillary at ako ang una niyang makita. Natatakot ako. Natatakot ako na mawala siya sakin..
Sana hindi na lang ako pumunta sa States. Sana hindi na lang ako pumayag sa gusto ni Dad. Hindi naman niya ako kino control ehh.. Pero.. Nagsisisi ako ngayon.. Mahal na mahal ko pa rin si Hillary.
YOU ARE READING
It's To Complicated
RomanceHey. I was inspired in all the books that my favorite author's did. So i taught na ako naman ang mangtry. Sorry kung medyo di naiintindihan.. im not an expert in creating stories eh..