" Hoy! San ba tayo pupunta? Pa piring piring ka pa? Pag ako nadapa ha. " Eh kasi tong prince charming ko may surprise pa.
" Relax lang, oh! Ayan andito na tayo. " Tinanggal ko na yung piring.
" A-ano to? " panu ba naman nasa gubat kami tapos ang dilim dilim pa. Alas nuebe na kaya.
Nag hubad siya ng leather jacket at unting-unting lumapit sakin. Wait no, bata pa ako! Ayoko pa masakit yan! Di pa ako ready eh. Baho ko pa kaya, amoy pawis ma ako! Waaaaaaaaah!
Choss lang! Umuurong ako kada lapit niya. Nag tataka yung itsura niya kung bakit ako umuurong. " Pleigh (pronounce it as PLAY), stop moving! Hindi kita a-anuhin. " namula naman ako sa sinabi niya at napayuko. Ipinasuot niya sakin yung jacket dahil lumalamig na.
" Masyado kang payat para galawin ng isang gwapong katulad ko. " medyo pahiya ako dun, pero hindi ako payat ha! Sexy ako.
"Eh bat ba kasi tayo nandito? Pahubad hubad ka pa, akala ko tuloy." humarap siya sa akin at lumuhod.
" Will you... " tae ano to? Paluhod luhod pa. Will you marry me ba yan? Aatakihin ata ako.
"Pleeeeeeeiiiiiigh! Huy gising na." napa tayo agad ako sa kama, ano yun panaginip lang? Will you... Ano yun? Aaaahhhg! Istorbo naman eh.
Napatingin ako sa orasan sa table, 6:40am iniisip ko kung anung meron bakit ganito ako kaaga ginising ni ate. Uuwi na ba sila papa at mama sa pinas? Kakasal na siya kay kuya Mark? Gagraduate na ako? Nasa baba ang manliligaw ko?
"Pleigh ano ba? Malalate na tayo oh." humarap ako sa kanya na blanko ang mukha. Malalate daw? Loko ba to! Sem break kaya. Tss.
"Pleigh, tapos na ang sem break! November 3 na. Hala tayo na dali! Mag luluto pa ako." seryoso ba siya? Naka shabu ba siya? Nag hanap ako ng kalendaryo at bingo! November 3 na nga. Pag tingin ko sa orasan 6:55am na! Malalate na ko waaaaaah!
Nag toothbrush, hilamos, ligo at banlaw na ako. Pag labas ko ng kwarto at pagtingin sa oras 7:05am na. Late na talaga ako. Bumaba na ako ng kwarto at kumain ng almusal.
"Ate, ako muna gagamit ng Vios. Late na ko super! Bye sis!" kinuha ko na yung susi at umalis na. Lagot ako kay terror prof!
Nakikita ko na yung room ko. At nag sisimula na ang pag huhusga. "G-good morning sir." nakayukong sabi ko. Tumingin ako sa parteng likod at bingo!may upuan pa.
"You're late! Ms. Valdes, sit down." umupo ako sa pinaka dulo tabi ng bintana. Narinig ko bumukas ang pinto kaya napatingin ako kung sino.
"W-what? Siya 'bat siya nandito?" bulong ko. Papalapit siya sa pwesto ko. Don't tell me uupo ka sa tabi ko, hahambalusin kita.
"Alam kong gwapo ako pero miss baka malusaw ako sa titig mo." umupo siya.
"Alam mo yung ang hangin mo! Gwapo kana sa lagay na yan?" humarap na ulit ako sa bintana.
"Eh bakit ka na ka titig? Crush mo ko noh?" tumingin ako sa kanya at nakartingin lang siya sa blackboard.
"Mahangin ka na, makapal pa ang mukha. Pwede ba wag mo ko kausapin!" natawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
Humarap siya sakin at inilapit niya yung mukha niya. Hinawakan niya yung chin ko. Omygad! Omygad! Sige na gwapo na siya wag lang niya kong hahalikan.
"Hahahahahahahahahahahahahah!" hala? Naka shabu ba to?
"Sa tingin mo hahalikan kita? Spell asa P-L-E-I-G-H" namula ako sa hiya nakatingin lahat sa akin yung iba tumatawa yung iba nag-uusap at higit sa lahat nag uusok na ang tenga ng prof namin.
"Aaammm, excuse me po sir." at agad akong tumakbo palabas ng room. Naku naman yung libro ko di ko nakuha. Ayoko na bumalik dun. Kainis naman yung lalaking yun oh!
~