A/N: May takdang aralin po kami sa 21st CL tungkol sa istorya na "Voice Tape" na isinulat ni Ariel S. Tabag. At sa kadahilanang hindi ko makita ang istorya na ito sa internet. Bigla na lamang akong may naisip na sarili kong plot about sa title. Bali dalawang genre kaya dalawang magkaibang story din. Nais ko lamang pong i-share sayang naman kasi. Sana po ay magustuhan niyo kung panget edi wag mong basahin may freewill ka naman ah. Hahaha chos! Enjoy :).
VOICE TAPE 1
Genre: Paranormal? (P.S. pers taym e hahaha)November 01, 1930
Petsa kung kailan naganap ang nakakapangilabot at nakakapangindig balahibong pangyayari sa buhay ko. Kahit ilang taon na ang lumipas at mahabang panahon na ang nagdaan hindi ko pa rin makalimutan ang nakaraan. Sapagkat paanong makakalimutan kung paulit ulit mong nakikita? Dahil paulit ulit itong nagpaparamdam.
Natatandaan ko pa noon, sa petsang ito ay may limang taong gulang pa lamang ako. Araw ng mga patay noon kaya naman nasa loob lamang ako ng bahay at hindi nila maiwan iwanan. Bilang isang batang paslit ay naniniwala sa mga multo at kaluluwang nagpaparamdam lalo na tuwing sasapit ang ganitong petsa.
Lima kaming magkakapatid dalawa kami lalaki at tatlong mga babae. Ako ang bunso at si Kuya ang panganay at ang dalawa ko namang nakakatandang babaeng kapatid ay kambal. Nakatira kami sa isang medyo may kalumaang bahay kung iyong titignan pero pagpasok mo sa loob ay makikita mo ang malawak ngunit simpleng bahay lamang. Hindi makulay ang aming bahay halos puro patay na kulay lamang ang iyong matatanaw gaya ng itim at puti.
Hinati sa apat na kwarto ang aming malaking bahay dahil marami kaming magkakaanak. Halos kalahati ng aming angkan ay dito nakatira, kaya marami talagang tao rito. Ang aming tatay lamang ang aming nakakasama sa aming pamilya sapagkat ang nanay ay kinailangang pumuntanng ibang bansa upang magtrabaho roon para kami ay patuloy na makapag-aral.
Sa Canada napiling magtrabaho ng aming nanay at dahil sa malayo nga ito ay nakaugalian na naming magpadala ng sulat noon sa kanya na kalaunan ay nauwi sa mga Voice Tapes. Madalas kaming nagpapadala roon sa kanya ng mga iyon sapagkat palagi namin siyang naiisip at dahil ako ay bata pa noon ay gustong gusto kong umuwi na siya. Hindi ko pa non maintindihan kung bakit kailangan pa naming magkahiwalay. Pero nung malaunan ay akin rin namang naunawaan, kaya madalas ay bibong bibo na ako sa mga voice tapes na ipinadadala namin sa kanya.
Nakakapagtaka nga uso naman na noon ang paggamit ng telepono ngunit hindi kasi namin pwedeng maistorbo ang aming nanay sapagkat masyadong mahigpit ang kanyang amo roon. Kaya upang hindi siya pagmaltratuhan ay mas pinili na lamang namin ang ganoong uri ng komunikasyon. Mahirap pero masaya tuwing nakakatanggap ka pabalik ng mensahe mula sa iyong ina at sabay sabay ninyong papakinggan na magkakapatid.
Ilang taon rin kaming nagtiis sa ganong uri ng komunikasyon at hindi nagtagal ay nahihirapan na rin kami sapagkat hindi na muling nagbalik ng mensahe ang aming nanay na matagal na naming hinihintay. Wala na kaming balita sa kanya, ni hindi na rin namin alam kung ano ang nangyari kung bakit hindi na kami nakakatanggap ng mensahe mula sa kanya.
Natuto ako noong maghintay at sa tagal na paghihintay ay nakabisado ko na ang paulit ulit na pagpapaandar ng huling voice tape na ipinadala sa amin ng nanay. Nakakapanghina ngunit aking tinitibayan ang aking loob dahil sa paniniwalang siya ay muling babalik pa.
Muli ay nagkayayaan kaming magkakapatid kasama aang tatay na magrecord muli ng aming mga tinig sa vouce tape upang muling ipadala sa nanay. At ako ang huling nagsalita magsasampung taon na ako noon at aking kaarawan sa susunod na linggo, buwan ng Nobyembre.
"Nanay sabi mo po noon na sa susunod na paggising ko katabi na kita ulit. Sabi mo pag natulog ako ng maaga paggising ko makikita na kita ulit? Sabi mo nanay kapag nakaipon ka na uuwi ka na rito para makasama kita ulit? Para mabuo naa tayo muli? Pero bakit nanay hanggang ngayon wala ka pa? Kaytagal ko ng naghihintay na muling makapiling ka para muli kong maramdamman ang pagmamahal at pagkalinga ng ina. Nanay umuwi ka na po, sige na po. " pagmamakaawa ko at doon na nagtuloy tuloy na umagos ang luhang pilit kong pinipigilan dahil ayokong marinig niya na ako ay umiiyak sapagkat kanyang sinabi bago siya umalis na tibayan ko ang aking loob habang wala siya. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman bilang isang anak na matagal ng naghihintay sa pagdating ng matagal ng nawalay na ina.
Sa kabila ng mga paghikbi ay aking ipinagpatuloy ang mensaheng nais kong sabihin sa kanya.
"Mag-iingat ka po riyan nanay ah? Umuwi ka na po rito, hindi naman po namin kailangan ng magagarang kagamitan. Tanging ikaw lamang po, kumpletong pamilya at pagmamahal mo ay sapat na nanay. Wala pong katumbas na pera o anumang yaman ang pagmamahal at ang makapiling ang isang ina. Uwi ka na nanay, ang tagal mo na po riyan hindi ko na po naririnig ang tinig ninyo. Kahit po paguwi niyo lang sa kaarawan ko. " Iyan ang mga huling hiling ko noon.
Inihinto namin ang pagrecord at pinaandar ang voice tape upang pakinggan kung malinaw ba ang aming mga tinig roon. Ngunit aming ikinabigla ang mga sumunod na katagang aming narinig mula sa voice tape. Isang boses ng babae na animoy nagmamakaawa at nais ng makawala. Hindi ko alam ang aking gagawin, nakakatakot din ang huling tinig na naroon ngunit parang si nanay ang nagsasalita.
"Hindiiiiiii kooooo na kayaaaaaa, bakiiiiiit akooooo pa ang pinaghihigantihaaaan moooooo?"pasigaw at takot na takot aang tinig na iyon.
"Papatayinnnnnn na kitaaaa, ha ha ha" isang tinig na mala demonyo ang aming narinig.
"Tulongggggggggg" sigaw muli ng nagmamakaawang tinig.
"Mamamatay ka na ngayon at hindi ka na makakauwi ha ha ha" tumaas ang balahibo ko sa tinig na iyon dahil ako mismo ang may hawak ng player ng voice tape.
Hindi namin alam ang irereaksyon. Lahat kami ay parang naistatwa lamang noon na pawang takot na takot. Kinakabahan at kinukutuban sa sinapit ng nanay. Tinigtnan ko ang tatay at aking mga kapatid. Natatakot sila at umaagos ang mga luha habang nakikinig sa aming voice tape. Naiyak na rin ako sapagkat ramdam ko ang takot at lungkot nila ng panahong iyon. Ngunit kami'y nagimbal sa mga huling tinig na aming narinig.
"Hindi ko kayo titigilan, isusunod ko na ang pamilya mo sa pilipinas ha ha ha ha walang makakatakas. NGAYON NA" sa laki ng boses na iyon ay nangibabaw na lamang ang takot sa amin ng tuluyan.
Hindi kami makagalaw at biglang nagsara ang mga pinto at bintana. Kasabay non ang pagkawala ng liwanag sa paligid, napapikit ako ng mariin ngunit agad na dumilat sa gitna ng dilim. Isang lalak ang nasa harapan namin at pulang pula ang kanyang mga mata.
"Humanda kayoo" bulong niya ngunit nakakatakot ang boses saka malakas na tumawa hawak ang palakol na pulang pula dahil sa dugo.
Sa kanang kamay ay hawak niya ang nasusunog na voice tape, ako ay napaiyak ng makita sa likod niya ang aking nanay na nakaputing bistida. Umiiyak siya at aparang sinasabing umalis na kami.
Niyakap ako nila tatay, at ang mga kapatid ko ay hindi na rin alam ang gagawin.
"Wala kayong pahintulot sa paggamit ng aking pag-aari" galit na sabi ng boses kaya nabitawan ko ang voice tape player kaya iyon ay nasira.
"Ikaw! Ikaw ang susunod" sabi nito ngunit unti unti siya nawala at nagliwanag muli ang paligid.
Napuno ng takot at kapighatian kaming lahat noon, isang bangkay ng babaeng duguan ang naiwan sa aming harapan ngunit animo ako lamang ang nakakakita.
Hindi ko makalimutan sapagkat ako na lamang ang naiwan. Ako na lamang ang natitira sa aming lahat at hanggang ngayo'y patuloy akong nababalot ng kabagabagan dahil sa kababalaghang ayaw umalis sa aking kapaligiran.
Tinignan ko ang hawak kong voice tape ngayon, paaandarin ko pa ba? Gusto ko nang marrinig muli ang tinig nila, ngunit paano? Bakit isinumpa ang voice tape naa ito?