andito na naman siya ..
sa ilalim ng puno ..
nakatulala sa kalangitan ..
malalim ang iniisip..
gusto ko siyang lapitan ..
pero natatakot ako ..
habang papalapit ako sa kanya naisip ko .. nakita ko ang lungkot na bumabalot sa kanyang mga mata .. mga luhang nagbabadyang bumagsak .,,.
gusto kong malaman pero sa anumang dahilan natatakot akong malaman na hindi ako yung taong kailangan mo ..
sa bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sayo unti-unti ko nabaanagan ang maamo mong mukha ..
mga mata mong nangungusap ..
ang labi mong kay sarap halikan ..
ang sarap hawiin ng iyong buhok na tumatabing sa iyong mukha..
unti-unti akong kinabahan ..
heto na .. kakausapin na kita..
at ngayong kaharap na kita dagli mong hinawi ang mga luhang namuo sa 'yong mga mata ..
binuka ko ang aking labi ngunit ni isang kataga ay walang namutawi ..
mabilis kang tumayo ..
naglakad palayo ...
hanggang mawala sa paningin ko ..