No More Second Chance

19 1 0
                                    

VIL

Nakilala ko si Yna sa karinderya na kinakainan ko na malapit sa pinapasukan kong school. Madalas sya dun katulad ko dahil masarap talaga ang mga niluluto ni aling Delia.

Syempre lalaki ako, nagandahan ako sa kanya, maputi, katamtaman ang taas, at mabait si Yna.

Nung una nahihiya akong magpakilala sa kanya, pero nung in-approah nya ako, ugh! Sobrang hinhin ng boses nya.

Hanggang sa naging magkaibigan kami ni Yna. Natuwa naman ako dahil sa wakas at may kaibigan na babae. Si ate nicky lang kasi ang ka close ko, sa school kasi bihira akong makipag-usap sa mga babae dahil napaka ingay nila. Tili sila ng tili kapag nakikita nila ako.

Una kaibigan lang pero dumating kami sa puntong naging magbestfriend na kami. Madalas kaming lumabas, sabay kumain kapag oras ng lunch time namin, sa kabilang school kasi sya nag-aaral. Nagsasabihan din kami ng sikretong malupet, sikretong malupet ibig-sabihin tungkol yun sa family backround namin.

Isang beses pa, napag-usapan namin yung tungkol sa mga crush crush. Hayyys... oo inaamin ko may gusto na nga ako sa kanya. Eh sa hindi ko mapigilan eh. Nung sinabi nya na wala syang crush, halos tumalon ako sa kinauupuan namin sabay sabi ng YES!, nagtaka sya nung una pero sinabi ko na lang na wala lang yun. Nang tinanong nya ako kung may crush daw ako, sinabi ko yung totoo na may crush nga ako. Tinanong nya kung sino pero hindi ko sinabi, hindi pa kasi ito yung tamang oras para dyan. Masyado ka kaming bata para sa relationship. 16 anyos lang kaya kami.

Dumaan ang mga araw, malapit na pala ang exam namin. 2 week before the exam. Kailangan muna naming hindi magkita sabi nya para daw magkapag review kami ng maayos. Kung ako lang ang masusunod, okay lang saken kahit na habang nag rereview ako, kasama ko sya.

Pero dahil sya si Yna, pumayag na lang ako sa gusto nya. Hindi muna kami nagkita sa loob ng dalawang linggo. Nung unang araw pa lang, hindi ako sanay na hindi sya makita. Pero para to sa future namin kaya nag-tiis ako.

Makalipas ang dalawang linggo, salamat at nakaraos ako sa puspusang exam ko. Ngayon ko malalaman kung ano ang resulta ng exam ko.

Nalaman kong nakapasa nga ako, dahil ngayon ulit kami magkikita ni Yna. Sana matuwa sya sa resulta ng exam mo dahil sya yung naging inspirasyon ko.

MINI GARDEN PALACE

Nang makarating ako sa garden, dito namin naisipang magkita kapag tapos na ang klase. Saksi ang garden na ito sa pagkakaibigan namin. At saksi din ito sa tunay na pagkagusto ko sa kanya.

Alas singko ng matapos ng matapos ang klase ko, at nakarating naman ako ng 5:10.

5:30...

6:10...

7:00..

Alas siyete na ng gabi pero wala pa din sya. Sa haba ng inantay ko walang Yna na dumating. Umuwi na lang ako.

Ti-next ko sya kung bakit hindi sya nagpakita saken, ang sabi naman nya masama daw pakiramdam nya, naawa naman ako at sinabihan na uminom ng gamot.

Makalipas ng dalawang araw, naabutan ko sya sa garden na umiiyak. Ayokong nakikita kl syang umiiyak kaya agad ko syang pinatahan. Sumayaw ako ng kung anu-ano sa harapan nya, nag make face ko. Alam kong maraming nanonood saken dahil sa kabaliwan ko pero hinayaan ko na lang. Basta makita ko lamg na masaya sya okay na saken.

Nung tumahan na sya, tinanong ko naman sya kung ano ang problema nya. Sabi nya wala lang daw yun. Hindi ko na lang sya kinulit.

-----------------------------------

Dalawang buwan...

Sa dalawang buwan na yun maraming nagbago. Naging mas malapit kami sa isa't-isa, muntik ko na nga masabi sa kanya na mahal ko sya eh. Oo mahal ko na sya, sinong hindi maiinlove sa kanya eh sobrang caring nya saken idagdag mo pa na gusto sya ng family ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now