chapter 14: crazy friends

8 1 0
                                    

Jiae POV

Nasa school na ko ngayon. 8 pa ang start ng exam namin pero 7 palang kaya naman kaming magkakaibigan ay tumambay muna sa aming madalas pagtambayan

"Alam mo jiae nakakainggit ka!" Sabi ni shania at sumangayon naman silang lahat

"Eh bat naman?" Tanong ko sa kanila

"Ehh kasi may hyungs ka na tulad nila." Sabi ni lea

"Oo nga! Alam mo bang bihira nalang ang ganyan na kapatid!" Sabi pa ni macy

"Yep. D tulad ni kuya troy pag gumala ako kahit may exam kinabukas walang pake" sabi ni isha. Oo may kapatid si isha

"Haaay. Alam mo minsan nga nagsisi na ko na humiling pa ko na magkaroon ng kapatid. Nagiba kasi buong buhay ko. Kung dati nagagawa ko lahat ng gusto ko at nakakapagpuyat ako, nakakagala ako kung kelan ko gusto, at kung ano ano pa pero ng magkahyung na ko, hindi ko na nagagawa ang mga yon" paliwanag ko sa kanila

"Alam mo jiae, isa lang ibig sabihin ng mga hyungs mo" sabi ni oliver

"Ang pigilan ang kasayahan ko" sabat ko sa kanila

Nagtampo kasi talaga ako dahil minsan lang naman ako magsaya tulad ng kahapon ehh natigil pa dahil sa kanila

"Aish. Wag yon ang isipin mo! Ang ibig nilang sabihin sa mga pinapakita nila ay pinapahalagahan ka nila kahit hindi kayo magkadugo." Sabi ni zyne

Aish. Nangongonsensya lang tong mga to ehh

"Alam niyo kinokonsensya niyo lang ako samantalang kayo naman ang may kasalanan kundi kayo nagaya magbonding tayo before exam d naman to mangyayari" sabi ko sa kanila

"Sino ba nagsabi na sumama ka samin?" Tanong ni candy

"Wala" sabi ko pero biglang sumabat si isha

"Wala naman pala ehh so wala parin kaming kasalanan diyan"

"Pwede naman kasi after exam tsaka syempre bonding natin yon magkakaibigan alangan naman hindi ako sumama edi ako lang wala sa barkada" depensa ko sa sarili ko

"Wushoo palusot ka pa diyan" sabi ni blake

"Ewan ko sa inyo" nasabi ko nalang tsaka umalis. Narinig ko naman sila na tinawag ako habang tumatawa tawa pa

Pumunta nalang ako ng canteen ng may mabangga ako

"Sorry" i said

"Jheremi?" / "jiae?" We said in unison

"Jheremi anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Ahh dito rin ako nagaaral wait. Dito karin ba nagaaral?" Tanong niya

"Ehh di nga? Oo dito rin ako nagaaral. Bat d kita nakikita? Pang hapon ka siguro" sabi ko

Dito kasi sa school naming may am session at pm session.  Hung pang umaga at 7:30 or 7 ang pasok samantalang abg panghapon ay 10 am

Pero mas gusto ko na pang umaga kasi masyado ng gabi ang uwian ng pang hapon

"Ahh oo ehh" sabi niya sabay kamot sa ulo

"Bat nga pala ang aga mo ngayon? Dba panghapon ka so it means na mamaya pang 10 ang exam niyo" tanong ko

"Ahh ngayon kasi sasabay kami sa mga pang umaga mag exam tas mamayang hapon magdedecorate na kami ng room. Malapit narin naman kasi ang christmas" sabi niya kaya napa ahh nalng ako

"Wow jiae! Nagpunta ka lang ng canteen, may boylet ka na agad diyan ahh" sabi ni jenin na kinainit ng mukha ko

"Sira! Boylet ka diyan friend ko lang tong si jheremi" sabi ko

My Seven HyungsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon