Flash back

225 6 1
                                    


Alas syete na nang gabi nang magising si Karylle,agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang icheck kung may nag text sa kanya.
Nakita niyang mayroon siyang messages, kaya agad niya itong tiningnan

From:Mama
Anak, kumusta ka na.. Miss ka na namin, pasalubong daw ng mga kapatid mo pag-uwi.

To:Mama
Miss you too mama, pasabi nalang sa dalawa, pakabait muna sila bago pasalubong

From:09*********
Hi eto bagong roaming number ko, ayos lang ako dito, pede padalang 1000

From:Manang Lolet
Karel kulang ka pang sampo sa binili mong sabon nung isang buwan,uso mag bayad.


From:09*********
Paki pasa po ito sa 50 katao kapag hindi mo ito naipasa sa loob ng isang minuto,mamalasin ka!

"Minalas na ako kanina pa,kaya di ko na kailangang ipasa yan"

Sabi ni Karylle sa kanyang sarili

From:09*********
K, 8 pm kita susundin, Vhong to,save mo na number ko ha..:)

Naalala ni Karylle na mayroon silang lakad ni Vhong kaya nagmadali na siyang gumayak dahil magaalas otso na din.
Naligo si Karylle, at nag suot ng black fit long sleeve, at nag skirt ng black and silver 3 inch hills.
Kung titingnan ang pormahan ni Karylle ngayon, masasabi mong.. Cool ang datingan niya ngayon, dahil kitang kita ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Nag lagay lang siya ng brown eye shadow and maroon red lipstick,
Na mas lalo pang nagpa tingkad ng kanyang kagandahan.

Maya maya pa..
Mayroon siyang narinig na bumusina sa harap ng kanyang condo, inisip niyang si Vhong na ito kaya sinilip niya muna ito sa kanyang bintana, at
Hindi nga siya nagkamali,dahil Nakaparada na ang kotse ni Vhong sa tapat ng condo niya,
Agad niyang kinuha ang bag niya at lumabas na,

Nakatalikod si Vhong habang nag cecellphone, nang tawagin siya ni Karylle.

"Vhong! Let's go!"
Aya ni Karylle

"O, andyan ka na pa--... K! You're so pretty... Ang Hot mo!"
Nabibighaning sambit ni Vhong nang makita si Karylle

"Ay sus! Matagal na kong maganda! Nambola ka pa!"
Ambisyosang sagot ni Karylle

"Tara na nga"
Aya ni Vhong at pinagbuksan pa si Karylle

Habang nasa byahe ang dalawa, tila nakabibinging katahimikan ah bumabalot sa loob ng kotse,
Tahimil lang si Karylle na ikinbahala naman ni Vhong,
Dahil hindi siya sanay ng tahimik si Karylle.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect Two (Vicerylle)Where stories live. Discover now