// B U H A Y //

164 2 0
                                    

  Marami ng problemang dapat harapin,Kailangan mo itong tanggapin.Sa bawat pagkakamali kailangan mo itong gawing tama para ikaw ay mabuhay.At sa bawat pagkakamali dito mo rin mauunawaan kung ano ang buhay.Sa simula ng araw,tila gusto ko pang matulog na parang isang patay na aso,Walang problema,nakapikit ang mga mata at walang ginagawa.Para mabuhay ang isang tao kailangan nitong gumalaw na parang ibon na malayang lumilipad sa himpapawid na kapag umulan ay sisilong at kapag napagod ay hihinto at hahanap ng madadapuan na puno o structura.Ang tao ay nakakaramdam,nakakaranas rin sila ng pagmamahal ngunit kung ito'y nawala sa kanila,ang mundo ay guguho sa paningin nila.Lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos ay mabuti at nakakabuti.Ngunit ang realidad ang sumasalamin sa kung ano ang ginagawa ng mga tao .Ang pinaka punot-dulo ng ating problema ay ang ating buhay.Kailangan nating pahalagahan ang buhay natin dahil ang buhay ay parang bituin sa gabi na lumiliwanag at mawawala sa pagsikat ng araw sa umaga.Umiikot ang ating buhay at para mabuhay ay kailangan magsakripisyo.Kung papahalagahan natin ang bawat buhay ng nilalang sa mundo,siguro wala rin problema ngayon.Gawin nating tama ang lahat ng ating pagkakamali natin sapagkat sa pagkakamali natin,matututunan natin bumangon at intindihin ang mga bagay- bagay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

// BUHAY //Where stories live. Discover now