Chapter Fourteen : You Just Made My Day

4.8K 152 14
                                    

           

PAGBABA NI JILLIAN sa lobby galing sa floor ng department nila mula sa pagta-time in ay nakita niyang nakayuko si Enzo na tila may tine-text.

Patiently waiting for her.

Nang magtama ang paningin nila ay ngumiti ito at agad na ibinulsa ang cellphone na hawak.

And Jillian liked that cute smile—very much.

"Let's go?" Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ni Enzo. Inilahad nito ang kamay.

Ginantihan ni Jillian ng isang matamis na ngiti si Enzo at walang pag-aatubiling ibinigay niya ang kamay sa lalaki. "Let's go."

Pagkatapos ay naglakad sila patungong Jollibee Store na magkahawak-kamay.

His fingers clasped in hers. Pakiramdan ni Jillian ay parang eksaktong iminolde ang kamay niya sa kamay ni Enzo.

Meant to be? Napangiti na lang siya sa kapilyahang naisip. Kung anu-ano na kasi ang naiisip niya.

Wala silang kibuan habang naglalakad sila. But she was fully aware of their hands holding. Hindi iyon binibitiwan ni Enzo. Maging nang tumawid sila ay nakaalalay si Enzo sa kanya. Feeling importante tuloy ang pakiramdam niya sa sarili.

Pagdating nila sa pinto ng Jollibee Store ay nakita nilang papasok ang isang may-edad ng babae. Agad na pinagbuksan ni Enzo ng pinto ang matanda at pinauna itong papasukin bago sila pumasok.

Parang lalo tuloy siyang natuwa sa lalaki. Napaka-gentleman.

Iyon pa naman ang bilin sa kanya ng ina--na humanap ng gentleman. Kasi sa panahong ito raw ay rare na ang mga gentleman. Iyong mga lalaking nagbubukas ng pinto para sa mga babae at nauunang nagpapapasok.

Magugustuhan talaga ng ina niya si Enzo kung hindi lang sa isang napakalaking glitch sa pagkatao nito.

Ang pagiging isang single dad.

Nang makapasok sila sa loob ay sa pinakadulong pang-apatang mesa sila umupo, paharap sa glass door.

Pinaupo muna siya ni Enzo at tinanong kung ano ang gusto niyang order-in at pagkatapos ay pumila na ito sa counter.

Habang nakapila si Enzo sa counter ay hindi maiwasan ni Jillian na tapunan ng tingin ang binata, na nakangiti habang kausap ang babaeng nasa counter na maluwang ang ngiti.

Naku-cute-an din kaya ito kay Enzo tulad niya? Malamang. Enzo was pleasant to look at. Na maski hindi nakangiti ay hindi mapagkakamalang suplado.

Siguro ngay ay tama si Rona. May mutual understanding na sa pagitan nila ni Enzo. Alam ni Enzo na gusto niya ito at alam niyang gusto siya ni Enzo.

Hindi nga lang sila pa officially dahil masyado pang maaga. Attracted siya sa lalaki pero hindi niya alam kung mahal na niya ito. But Enzo made her happy. Naiisip pa lang niya ito ay napapangiti na siya at nakakaramdam na siya ng kasiyahan.

Enzo glanced at her. He smiled, his cutest, she thought. And then wiggled his eyebrows. Parang ipinararating nitong nahuli siya nitong nakatingin sa kanya.

She rolled her eyebrows at him. Lumuwang naman ang ngiti ng lalaki.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Enzo sa table nila dala ang in-order nito. Ang buong akala niya ay sa harap niya mauupo ang lalaki. Pero sa tabi niya.

Hindi niya alam bakit siya kinikilig sa pagtatabi nilang iyon. Iyong pagbubungguan ng mga braso nila ay parang ang big deal na sa kanya.

Kinuha ni Jillian ang pancake na in-order ni Enzo at inilagay sa harap ng lalaki. Pinunasan din niya ang tinidor na gagamitin ni Enzo at binuksan niya ang cap ng coffee nito. Inilagay niya iyon sa harap ni Enzo.

My Cute Jollibee GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon