"Are you happy?" Natigilan ako sa tanong ni Ate Themarie sa kabilang linya nang telepono.
Tumawag kasi ako sa Mama ko para sabihin na magtatagal pa kami dito sa Davao at na....nagkabalikan na kami ni Joey at saka napatch up na namin ang problema namin.
Alam na nila na si Joey ang Ama ng dalawang anak ko....
Matagal na....
Kay Lucas pa lamang daw halatang halata na....
Kawangis na kawangis daw ni Joey.
Dangan lamang na ayaw na nilang magsalita at makialam lalo pa't nadala na sila sa pakikialam ni Mama kina Kuya Jasper at Ate Themarie at naisip pa nga ni Mama na karma daw nya ang nangyari sa akin sa laki nang kasalanan nya kay Ate Themarie na agad naman na pinasubalian nang huli at sinabi pa nga nya na ang lahat daw nang nangyayari ay may dahilan, lahat daw nang pagkakamali ay may dahilan, at may patutunguhan,
Na lahat ng nangyayari na di maganda ay hindi naman kadalasan na kaloob ng diyos dahil may kasalanan ka, kadalasan daw tao ang may gawa nang mga pagkakamali kaya di daw tama na sisihin ni Mama ang sarili nya sa nangyari sa akin.At tama si Ate Themarie sa bagay na yun, dahil di ako marunong makinig at sa insecurities na nadama ko dati ay nangyari ang lahat ng iyon sa akin.
Ako ang gumawa nang kamalian ko at di tama na sisihin ni Mama ang sarili nya sa kamalian ko na ako ang may gawa.
At yun nga naging open kami after na humingi ako ng tawad sa kanila dahil nagsinungaling ako.
After na tumawag ako kay Mama ay si Ate Themarie naman ang tinawagan ko para sabihin ang nangyayari sa akin.
Close na kasi kaming dalawa at di lang sister in law ang turing ko kay Ate Themarie kundi tunay na kapatid ko na talaga same kay Kuya Jasper.
Agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.
"Oo Ate Themarie ni sa panaginip ay di ko naisip na mangyayari na magkabalikan pa kami ni Joey....akala ko talaga wala nang pag asa sumuko na ako dati pa at naisip ko na tatanda na lamang ako na mag isa pero dumating ang mga anak namin sa buhay ko at napakasaya ko na dahil dun at tapos eto at kami na ulit....walang kataga ang maglalarawan sa nadarama kong saya ngayon" bukal sa loob na sagot ko dito.
"That's what I want to hear from you...don't waste this chance... work for it...keep it and always appreciate how lucky you are" payo nito na sunod sunod na tango ang ginawa ko kahit na di nya nakikita.
After nang halos kalahating oras pa na kwentuhan ay nagpaalam na ito kasi susunduin daw nya sina Percy at Pierro kaya naman nagpaalaman na kaming dalawa at binaba ko na ang telepono.
Gusto ko din sana na ibahagi kay Cameron ang magandang nangyari sa akin nag aalangan naman ako kasi katatawag ko lamang kahapon para mangamusta nang sabihin ng Mother in law nito na nasa hospital ito dahil nakunan ito.
Pero maayos na daw ang lagay nito yun nga lamang ay di na nasagip pa ang baby nila ni Anthony.
Nalulungkot ako para sa kaibigan ko at nakaka guilty na ako masaya tapos si Cameron ay malungkot.
Maybe sa mga susunod na araw ko na lamang sasabihin dito ang pagkakaunawaan ulit namin ni Joey pag okay na ulit ang kaibigan ko.....
------------------
"Date?" Nangingiting tanong ko kay Joey na tulad ko ay nakangiti din.
Katatapos ko lamang ibreastfeed si Dawn na agad naman na nakatulog at nagsisiesta naman si Lucas katabi nito ang mga magulang ni Joey.
Magmula pa nung isang araw na dumating ang mga ito ay halos ayaw nang mawalay sa mga bata.
Nahihiwalay lamang sa kanila si Dawn pag nagugutom ang huli.
BINABASA MO ANG
Twice A Rebound
RomanceRead it to find out the story;-) And Beware of grammatical errors! Para di nyo na ako imemessage privately na i fix ang grammar nang story ko!