Prologue

7 1 0
                                    

Babe please, maawa ka naman sa akin please. Mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko please.. Wag mo lang akong iwan. Please. Maawa ka naman. Pagmamakaawa ko sa asawa ko, Hindi ko alam kung bakit naging ganito na siya sa akin, ang saya saya pa namin last week, ngayon lang uli kami nagkita galing sa business trip niya at ito na ang pasalubong sa akin, makikipaghiwalay daw sya sa akin. Gulong gulo na ako. Anu bang nangyari bigla.

Tumigil ka na dyan Athena kahit anung gawin mo wala na talaga akong nararamdaman sayo. Pinapahirapan mo nalang yung sarili mo, pinapahirapan mo din ako, kaya pwede ba. Tama na. Ayoko na.. Cold niyang sabi na hindi man lang tumitingin sa akin. Ang sakit lang, sa isang taon pagsasama namin parang wala lang kung taposin niya.

Ano ba kasing nangyari sayo bigla babe? Masaya pa naman tayo last week bago ka umalis papuntang states para sa business trip mo, kababalik mo lang ito na agad ang sinasabi mo? Makikipaghiwalay ka sa akin bigla? Babe naman. Umiiyak na ani ko sakanya, hindi ko na alam ang gagawin ko, ang sakit-sakit.

Lahat ginagawa ko naman para maging mabuting asawa niya, lumalabas lang ako pag kasama sya kasi ayaw niyang akong hayaang mag isa. Baka daw anong mangyari sa akin, ganun sya ka over protective sa akin na hinahayaan ko lang kasi mahal ko sya ayaw ko syang mag-alala pa sakin, madadagdagan pa ang problema niya sa Companya. Hindi ko alam na naka uwi na pala sya galing states, wala syang sinabi. May nakalimutan lang akong gamit na nandito sa condo kaya taka kung pagbukas ko sa pinto na makitang bukas ang mga ilaw at nakita ko siyang umiinom ng kape habang nag babasa ng mga papeles sa Sala. Kung wala akong kinuha baka di ko pa alam na nakauwi na pala sya.

Nilapitan ko ka agad sya at hinalikan, Miss na miss ko na kasi sya, parang isang buwan na ang One week para sa akin na hindi sya nakakasama. Pero parang wala lang sa kanya ang paghalik at lalambing ko sa kanya. May nararamdaman na akong iba sa kanya pero ipinagsawalang bahala ko nalang yun, kahit gusto ko na siyang pagalitan, hindi na nga niya sinabing naka uwi na pala sya at nandito lang sa dating condo namin. Pero ayaw ko naman siyang pangunahan kaya hinintay ko nalang na sya mismo ang magsasabi sa akin.

Pero parang wala lang sa kanya na makita ko siya dito sa condo, kaya hindi ko na natiis, ako na mismo nagtanong sa kanya bakit di niya sinabing naka uwi na pala sya o kung umalis ba talaga sya. At yun lang ang sinabi niya makikipag hiwalay na daw sya. Wala na daw syang nararamdaman,

Hindi na kita mahal, may mahal na akong iba, okay na? naiintindihan mo na? kaya kunin mo na ang mga gamit mo at umalis kana. Sigaw niya sa akin at na nanglilisik ang matang sabi niya. Di ako makapaniwalang sabi niya, alam kong hindi totoo yun, mahal niya ako. Pinakita at pinaramdam niya yun sa akin, kaya ang hirap paniwalaan.

Bakit? Paano? Ano ba ang kulang? Ano bang wala sa akin sabihin mo sa akin babe, gagawin ko, please. Tanga nakung tanga mahal ko ang asawa ko kaya hindi ako susuko na paranang ganun na lang, nagsumpaan kami sa harap ng Diyos sa hirap at sa ginhawa. Kaya gagawin ko ang lahat maayos lang tung relasyon namin.

Wala, wala kang gagawin kasi kahit anu mang gagawin mo hindi na kita mahal. Ako na ang bahala sa annulment natin ipapadala ko nalang yun sayo. Tang ina. Di pa nga ako pumapayag annulment na agad.

Per-- Di ko natapos ang sasabin ko sana kasi may narinig akong bumukas sa pinto ng masters bedroom. Si Jessa. Ang Bestfriend ko, na parang kapatid ko na rin. At tulad ko hindi sya naka galaw sa kinatatayuan niya. Wala siyang soot na damit, naka bathrobe lang ito makikitang bagong ligo lang ito.

Ano ibig sabihin nito? Jessa? Nathan? Tanong ko sa kanilang dalawa na parihang hindi naka sagot. I look for my husband for an explanation, pero walang syang sinabi. Nakatingin lang siya sa akin na parang wala lang ako sa kanya, Alam ko, si Jessa parin, hanggang ngayon SYA parin.





--------------------------------------

Pasensya na po bagohan lang :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon