4th💘

14 0 0
                                    

Isang oras mahigit ng matapos ang misa. At dahil December na ngayon, 5:30 pa lang ng hapon pero ang dilim na. Ano pa bang bago? Hahahaha.

Nandito kami ngayon sa perya, sabi niya kasi gusto niya daw gumala.

"Dun muna tayo." Probinsyano 'to pero ang daming alam na lugar dito sa Manila.

"AYUNNN! DUN NA LANG TAYOOO!" Hinila ko siya dun sa Vikings.

"Baka hindi mo kayanin, babe?" tanong niya sabay tawa.

BABE. Nasanay na din kong tawagin niya ng babe kahit siya lang ang tumatawag sa aming dalawa niyan.

Parang noon, ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.

Hahahahaha charottt!

Umakto naman ako na ipinakita ko sa kanya yung muscles ko.

"Ako pa? Hahahaha. Kayang-kaya ko yan 'no! Tara naaaa!" hinila ko na siya pasakay dun sa Vikings at saka kumapit agad sa hawakan.

"Ready?" sabay ngiti niya.

Ugh. Mga ngiti niyang 'yan ang hindi ko maiwasang tingnan eh.

Kahit fake lang 'tong relasyon na 'to, di ko maipagkakailang na-inlove na ako sa kanya noon.

At feeling ko ay naiinlab ulit ako sa kanya ngayon.

"Ready! Kayang-kaya ko kaya yan!" sagot ko.

Nakapwesto na kami sa pinakatuktok at wow lang feeling ko kayang-kaya ko 'to whoooo! Nung mapuno na, nagsimula na.

EXZITINGGGG! ^______^


"WAHHHHHHHHHH!! AYOKOOOOOO NAAAAA!! ITIGILLLL NIYOOO NAAAA 'TOOOOOOO!!!! UWAAAAA!! TANG INAAAA ITIGIL NIYO 'TOOOOO!"

"HAHAHAHAHA KALA KO BA BABE KAYANG-KAYA MO?!!" Narinig ko na sumigaw na din si Justin dahil sobrang ingay ng tili ko.

"HUHUHUHU ITIGIL NIYO NA 'TO PARANG AWA NIYO NA GUSTO KO PANG MABUHAYY---WAHHHHHH YUNG KALULUWA KOOOOO! HUHUHU YUNG TIYAN KO UMIIKOT--WAHHHHHH!!!"

Halos boses ko lang ang nangingibabaw habang pataas-baba yung Viking. Nakita ko yung mga kasama namin na halos namumutla na.

Owmaghaddddd naiiyak na ko sa sobrang tuwa dahil kasama ko 'tong lalaking 'to at naiiyak ako sa sobrang takot dahil nararamdaman kong humihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko.

Huhuhuhu ang sayaaaa! Sa sobrang saya feel ko masusuka na akooooo! Iyak ako ng iyak habang nakita ko lang si Justin na tawa ng tawa.


"MAHAL NA MAHAL KITA, GIRLFRIEND KO! WHOOOOOOO!!!" Narinig kong sigaw ni Justin.



Napatingin lang ako sa kanya at nakita ko ngang enjoy na enjoy siya.


"TANG INA MO JUSTIN MARQUEZZZZ! WALANG FOREVERRRR!!!" At pagtapos kong sabihin iyon ay unti-unti ng tumigil yung pag-andar meaning patapos na.

Halos ilang minuto din kaming pababa-taas sa Viking. Nang makababa na kami ay nagsuka ako ng nagsuka. Grabeeee! Parang nagrarambol yung nasa tiyan ko! Huhuhu!

"Huyyy babe! Kala ko ba kaya mo? Eh bat halos kainin ka na ng lupa dyan?" tingnan mo 'to! Nagawa pang mang-asar!

"Ano kasi.." di ko na naituloy ang sasabihin ko ng nagsuka na naman ako.

"Alam ko na. First time mong makasakay dito 'no?" tumango na lang ako ng maramdaman kong nanghihina pa rin talaga ako ng sobra.

"Kinikilig naman ako babe! First time mong makasakay dito at ako pa talaga ang kasama mo!" tiningnan ko lang siya at napangiti ako.

Pretend RelationshipWhere stories live. Discover now