Crush

3 0 0
                                    

Tracy

Nandito kami ngayon sa sala kasama ko sila Loraine at Julia. Nanonood kasi kami ng Barcelona ngayon eh nang biglang may nagtext sakin. Si John lang pala.

"Uyyy ka text nya si John crush mo no?"

"Ay shocks!" Nakakagulat naman tong si Loraine bigla bigla na lang lumilitaw parang kabute lang ah.

"OA naman netong si Tracy tinatanong lang eh" singit naman ni Julia. Ano ba yan? Ano ba kelangan ng dalawang toh?

"Baka kasi nakakagulat talaga di ba?" Pamimilosopo ko naman sa kanila.

"Oo na nagulat ka na kung nagulat pero ano nga?" Pangungulit naman ni Loraine.

"Anong ano nga? Nababaliw na ba kayo?"

"KUNG CRUSH MO SI JOHN?!" Sabay pa nilang sabi.

"Hindi noh!" Sige Tracy ideny mo lang sige lang carry bells mo yan.

"Wehhhh???" Mapangasar na sabi naman ng dalawa.

"Kung hindi si John eh sino?" Grabe ano ba toh? Manonood ba kami oh magiinterviewhan sa love life ko?

"Wala! Oo nga si John na nga kasi!" Sabi ko naman. Oh shocks nasabi mo Tracy. What did you do?

"See! I told you crush nya!" Sabi naman ni Julia kay Loraine.

"Oo sabi na nga ba eh yieeeee" asar naman sakin ni Loraine.

"Hoy! Crush lang yun ah dahil lang kasi sa pagbabasket ball nya at dahil lang sa pagkamabait nya yun lang yun wala nang iba!" Pagpapaliwanag ko naman sa kanila baka kung ano nanamang isipin ni Loraine eh para pa namang baliw yun kung mag isip.

"Ah crush! Paghanga! Hmmm" sabi ni Loraine sabay tingin kay Julia tapos ngumiti. Di ba kung ano ano yung pinag iisip.

"Oo at yun lang wala nang iba! Manahimik na nga kayo. Manonood na lang tayo ayan na oh yung part na na mag kikiss sila ayieeeee" sabi ko habang tinuturo yung T.V at nanonood na lang kami.

***********
Saturday ngayon pero bakit ang aga kong magising? Bumaba na lang ako since wala na talaga eh gising na gising na ako. Pag baba ko may door bell ng door bell sino ba yun ang aga aga bisita agad?

"Wait lang! Uso maghintay walang mawawala!" Sigaw ko pano ba naman kasi ang ingay ingay eh

Pagbukas ko ng gate nakita ko kagad si Edward at si John. Teka anong ginagawa nila dito ang aga aga pa ah.

"Baka naman matunaw kami nyan" sabi ni Edward

"Bakit ice cream ba kayo para matunaw?!" Pamimilosopo ko naman.

"Hayst mamaya na nga kayo mag pilosopohan pumasok muna tayo di ba?" Singit naman ni John sa usapan.

Mas nauna na akong pumasok tsaka diretso sa sala at umupo sa sofa. Tumabi naman sakin si Josh kaya I feel my heart beat faster again.

"Uyy tulala ka nanaman!" Sabi sakin ni John.

"Ahh wala kasi kakagising ko lang kaya ganun" pagpapalusot ko.

"Ahh sige sabi mo eh" sabi ni John sabay tingin sa phone nya.

"Teka! Problema nyo pumunta kayo dito?"

"Si Edward tanongin mo"

"Si Loraine san?" Tanong naman ni Edward sakin.

"Wait check ko lang sa bulsa ko!" Sabi ko sa kanya sabay kapa sa bulsa ko "Wala eh" sabi ko sabay tawa hahaha ang epic ng mukha!

"San nga kasi may itatanong ako!" Inis na sabi ni Edward.

"Oo na wait ka lang inis ka na eh tawagin ko lang hahaha" sabi ko sabay tingin kay John na nagpipigil ng tawa.

Umakyat na ako sa kwarto ni Loraine. Kumatok lang ako saglit kaso mantika talaga sya matulog eh kaya pumasok na lang ako agad. Ginising ko sya tapos sinabi ko na nasa baba si Edward yun dali daling tumayo. Bumaba na lang ako. Habang naghihilamos pa sya.

"Nasan na sya?" Sabi kagad sakin ni Edward.

"Ilang beses ko bang sasabihing uso maghintay? Walang mawawala kung mahihintay ka?" Sabi ko sa kanya yun na aasar na naman kaya hindi na lang ako tumabi sa kanya.

"Tracy tara Mall?" Yaya naman saakin ni John oh my?! Naman John eh your making me kilig! Di joke lang hahaha

"Oo nga tara para wala akong asungot na nakikita dito hahaha wait magbibihis lang ako" sabi ko sabay belat kay Edward at tumakbo na paakyat sa kwarto ko.

Ang bestfriend kong campus hearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon