PROLOGUE

28 0 0
                                    

"WACKYBOY!!!! HANAPIN MO KO!!!" Pasigaw ni Christina sa loob ng box na pinagtataguan niya. Naglalaro RAW sila ng taguan ni Joaquin sa loob ng bahay ng batang lalaki salungat sa katotohanang pinagtataguan talaga siya ni Joaquin. Binigyan pa siya nito ng nickname, WACKYBOY. Huwaw. Napakamapapel naman ng batang itong isang oras pa lang niyang nakilala, kung pagkilala nga ang tawag dun.

Anim na taong gulang si Joaquin nang lumipat ang pamilya niya sa isang subdivision sa isang hindi kalayuan sa Manilang probinsiya. Hindi naman probinsiyang-probinsiya ang lugar nila. May sarili itong kabayanan kaya macoconsider pa rin ito kahit papano na isang siyudad. Si Christina ay nakatira na sa subdivision na ito sanggol pa lamang ito. Baka nga magmula nung bata pa ang magulang niya, mukha kasing ilang century nang buhay ang bahay nila.

Meron bang ayaw magpahanap na sigaw nang sigaw? sabi ni Joaquin sa kanyang murang isip. Hmp. Inis na inis siya kay Christina. Unang pagkikita pa lamang nila, hindi na niya ito gusto. Makulit at sobrang active nito. At tsaka, mukha siyang mahirap, ayaw niya sa mahihirap. Nandidiri siya sa mga ito. Bata pa nga talaga siya. Kaya't heto siya't nagkukulong sa kwarto niya. Ayaw talaga niyang makita si Christina. Wala naman kasi siyang nagawa nung nagpakilala ito mismo sa mga magulang niya at dahil mababait ang mga magulang niya, hinayaan nila ang batang babae na makipaglaro sa unico ijo nila.

Wala naman silang napagkasunduan ni Christina na maglalaro sila ng taguan. Nagpapapansin lang talaga ito sa kanya at umaasang baka maengganyo nang maglaro si Joaquin kapag nagtago na siya. Napakakulit talaga.

Lumipas ang buong araw na hindi lumabas si Joaquin sa kwarto niya. Noong sumilip siya sa bintana ng kwarto niya, madilim na sa labas at naririnig niya sa katapat na bahay ang malakas na boses ni Christina. Oo, katapat na katapat ng bahay na nilipatan nila ang bahay nila Christina kaya dinig na dinig ang boses nito. Anong oras kaya ito umalis sa bahay nila? Sana hindi na nito maisipang bumalik pa.


Natapos ang bakasyon, pasukan na. Paano nga ba lumipas ang summer ni Joaquin? Napakabilis dahil naging busy siya sa pag-iwas kay Christina.

IN THE NAME OF LOVEWhere stories live. Discover now