At five

17 0 1
                                    

Dahil bata pa lamang sila Christina at Joaquin, napagdesisyunan ng mga magulang nilang pag-aralin sila sa lokal na paaralan ng mga kinder sa mismong lugar nila. Kaya siyempre, inis na inis si Joaquin nang makita niya si Christina sa unang araw ng pasukan. Kung makasigaw pa ito ng pangalan niya, akala mo ay malapit silang magkaibigan. Hindi pa ito nakuntento niyakap niya pa nang mahigpit si Joaquin sa harap ng lahat ng mga kaklase nila. Sobrang hiya ang naramdaman ni Joaquin nung mga panahong iyon. Pakiramdam niya habangbuhay nang kakantiyawan siya ng mga kaklase niya kay Christina. Jus Mio!

Tuwing recess, naglalaro ang mga bata sa playground. Gusto mang makipaglaro ni Joaquin sa mga kaklase niyang lalaki, nauunahan siya ni Christina. Pagkatunog pa lang ng bell, lalapitan na siya nito para bumuntot at subukang makipag-usap.

"WACKYBOY! Anong baon mo?" maganang sabi ni Christina. Kitang-kita ni Joaquin ang bungi-bungi at...ano ba yung itim itim na yun? sa bibig ni Christina.

"Ano ba yan! Bakit ba ganyan ang mga ngipin mo? Eew!" sagot ni Joaquin kay Christina.

"Bakit bungi ka rin naman ah? Pareho lang tayo!" lumalabang sagot ni Christina na tila hindi nahihiya.

Hindi naman sumagot si Joaquin sa halip ay tumakbo ito palayo. Akala siguro ni Christina ay nakikipaghabulan ito kaya game na game naman nitong hinabol si Joaquin. Buong recess ay yun na lamang ang nagawa nila. Well, sa isang buong taon ay ganun ang nangyari.

IN THE NAME OF LOVEWhere stories live. Discover now