Chapter 1

7 0 0
                                    

Mirana Casteban

"Hey babe! Stop doing that! I hate it when you are acting so wierd."
"I'm sorry, babe I promise I'll never do it again. So don't get mad please?"

Urrghh! Ang aga-aga puro landian ang naririnig ko, araw-araw yan kada papasok ako sa school nakaka imbyerna! Pa english-english eklabush pa akala naman nila bagay sa kanila! Pweeh! Kasuka sila!

Pumasok nalang agad ako sa room at umupo sa upuan ko sa pinaka unahan at tabi ng bintana, naka tingin silang lahat saakin pero di ko pinansin, wala naman akong pakialam sa kanila eh. Actually, wala akong kaibigan dito dahil sa kilala akong maldita at masungit na impakta o demonyita basta lahat na ng negative! Palagi kong naririnig na sinasabi nilang napaka yabang ko raw di naman daw ako mayaman, pare-pareho lang naman daw ang estado ng buhay namin pero wala talaga akong pakialam sa kanila dahil may sarili talaga akong mundo at wala na silang magagawa dun.

Sa tabi kong upuan ay palaging bakante, dahil nga sa takot sila saakin, wierd daw kasi ako, naiiba ako sa kanila. Sa paningin nila wierd ako, sa paningin ko naman unique ako.

Nag start na ang klase namin, nag focus nlang ako dahil sa no choice naman ako. Sa kalagitnaan ng discussion namin may pumasok na isang student na babae at umupo sa tabi ko. Really? Umupo sa tabi ko? That's odd, siya plang ang kauna-unahang tao na umupo sa tabi ko ever since. Well, kilala ko to, sikat to dito sa school dahil sa mayaman siya at dito lang niya piniling mag aral sa public school, and aside from that maganda siya mahaba ang buhok na brown matangkad at maputi. Ang sabi ng teacher namin, kapalit daw siya ng isa naming kaklase na lumipat ng section kaya nandito siya ngayon. At ang kaniyang pangalan pla ay Rupha, Rupha Villaverde.

To be continued...

What a Girl WantsWhere stories live. Discover now