Mahirap ang LDR. Screen ang laging kaharap. Ang communication sa text lang, video call, tawagan. Lalo na kung magkaiba yung bansa. Umaga dito, gabi sa kanya. Kahit miss ko siya wala akong nagagawa kundi tadtarin lang siya ng mga messages. Hihintayin mag-online. Minsan siya magpuyat, minsan ako. Pero alam mo ang masakit, yung malapit na kami magkikita pero nauudlot. Dalawang beses ng naudlot. Wala akong sinisisi, walang may gustong nangyari iyon. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit ganon. Bakit lagi nalang ganon. Alam kong dapat maghintay, dapat labanan kung ano man ang humadlang o problema pero why? Hindi ba talaga kami para sa isa't- isa? Bakit minsan pag ang dalawang tao nagmamahalan maraming challenges pero bakit pag isa lang ang nagmamahal bakit ganon? Kailan pa? Kung wala na ang feelings? Dun na okay?
Pag mag away walang magagawa kundi mag usap. Nagtatapos din sa hiwalayan at magbabalikan ulit. Ni hindi man mayakap ang taong mahal mo. Pag nagselos, di mo man lang masabi sa kanya na mahal na mahal mo siya sa harapan. Pag galit di mo man lang mabigyan ng matamis na ngiti at sabihin sa kanya ng harao harap ang mga gustong sabihin. Lalo na pag gumawa ng storya na hindi totoo. Yung gustong sumira samin. Doon nawalan siya ng tiwala sakin, ni kahit mag explain ako, kahit totoo di naniniwala. Di ko siya masisisi mas madami sila ako nag iisa lang, sino mas paniwalaan niya, diba sila? Aminin ko oo noong naging kami na nalaman niya yung pagka cold ko pagka negative, nung nakilala niya ako nakilala niya yung palangiti, palabiro. Doon niya nalaman yung problema ko ayaw ko siyang madamay. Ayaw ko na pati ako isipin niya.Inaamin ko din nagsinungaling ako na may "ex" ako pero may rason kung bakit akala ko katulad siya ng mga ibang lalaki na nanligaw sa akin pero hindi pala. Nagsisi ako na sa simula palang nagsinungaling ako pero ang mas pinagsisihan ko di ko inamin agad na di yon totoo. Kasi natatakot ako na magalit at na di na niya ako tanggap. Pero nagbago ako para sa kanya, hindi lang sa kanya pero para nadin sakin, samin. Naging positive ako, pagiging cold ko wala na. Nagshe share na ako ng problema. Pero kung kailan ako nagbago bakit ganon na. Lagi na kami naghihbiwalay, on off, iniisip ko nga toxic relationship naba. Nalaman ko na wala na pala siyang tiwala pero mahal niya parin ako, Mahal ba niya talaga ako still? Ako nalang pala yung nagtitiwala. Kahit may ginawa siya nagtitiwala parin ako, pinapatawad ko agad. Pero pag galing sakin hindi siya ganon. Hiwalay agad ang bilis niyang masabi na hiwalay. Bakit pag nag explain na ako sasabihin defensive, pag tahimik guilty. Inaamin ko marami akong pagkukulang, mga pagkakamali, oo paiba iba explain minsan pero sinasabi ko ang totoo at hindi ibig sabihin porket minsan paiba iba nagsisinungaling agad. Di na kami nagkakaintindihan.
Ang pinakamasakit din yung pinagtatabuyan ako, kasi daw "may problema ako", ang mas masakit ung sasabihin na mamatay na daw siya. Ang gusto ko lang naman i spend yung time hanggat kung saan kaysa magsisi kami o ako na di ko un ginawa. Ang selfish, gusto niya mag isa lumaban. Oo naging selfish din ako naging makasarili din ako pero binago ko at mas lalo ko siyang naintindihan when it comes na gusto niya mapag isa. Na wag muna kami mag usap, naging selfish ako pero ngayon naintindihan ko na. Oo ang sama ko. Ang gusto ko lang mayakap siya ng matagal, makita. Pero di ko magawa. Gusto ko iprove sa kanya hindi para sakin pero sa amin. Oo marami ng beses kami naghiwalay, ako ang lumalaban ako nag sosorry. Pero ako din may kasalanan ako lagi nagsisimula.
Pag nagseselos siya dinedeny, ang sarap yakapin ng mahigpit at sabihinh "Ikaw lamang, sayo lamang ako lahat, tayo lamang" pero wala eh. Sa screen lang.
Nag away man kami nahuli sa hiwalayan at paulit ulit na pero mahal ko parin siya. Siya lamang ang sinagot ko, yung mga nanligaw sakin dati nung di pa kami magkakilala busted. Sabi ko nga ganito pala magmahal. Siya lamang ang sinagot ko, siya ang minahal ko ng ganito. Ang totoo di ko maisip kung nawala siya sakin di ko maisip kung pano wala siya sa future ko o mga plano. Cheesy man di man kayo naniniwala pero totoo. Inaamin ko mahirap, pero kinakaya para sa amin. Oo gusto namin na kami sa huli padin na lahat ng challenges na ito malalampasan namin ng walang susuko, na walang mapapagod. Pero wala eh bakit ganito ang nangyayari. Ang kinakatakot ko pano pag napagod na talaga siya, nawala na yung pagmamahal niya sakin, pano pag... pano pag nawala siya. Iniisip ko palang ngayon parang di ko kaya. Di pa kami nagkikita. Di ko pa siya nayakap. Marami na maraming nangyari at ngayon mas worst. Sana sana maging okay lahat. At sana sa susunod na mga taon, mas okay kaysa ngayon.
Masaya ako kasi nakilala ko siya, marami akong natutunan sa kanya. Pinasaya namin ang isa't isa kahit marami nang beses kami nag away at naghiwalayan. Pero bakit hindi na parang yung dati. Gusto ko man na magkasma kami pero alam ko nasa iisang mundo lamang kami. Sana balang araw magkita kami. Sana hindi huli ang lahat. Sana okay na ang lahat. Sana kami padin hanggang sa huli. Sana mapasaya pa namin ang isa't isa kaysa ngayon. Sana sana mayakap ko siya ng mahigpit. Beh kung mabasa mo man toh lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Ipagtabuyan mo man ako ngayon, kung mapagod kana sana di mo ako makalimutan. Sana kaya natin toh hanggang sa huli ng walang sumusuko. Alam kong nawala ang tiwala mo sakin at nahihirapan kana sa ganitong sitwasyon. Pero sana makapaghintay ka. Sana mahintay natin ang isa't isa. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. At gumawa pa ng masasayang memories. Pero pag pagod ka na wala akong magagawa kung taposin mo na, kundi tanggapin nalang. Sana ngayon gaano man kahirap ang hinaharap natin ngayon wala sanang susuko. Sana walang masama na mga nangyayari.Masakit man lahat toh beh, mahirap man. Nasasaktan na tayo. Marami ng luha na pumatak. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng ginawa ko beh o nagawa. Beh mahal na mahal kita sobra.
-
BINABASA MO ANG
Quotes, Advices, Hugot
Fiksi Remaja-Quotes and Advice -Will also be sharing songs with lyrics (not my own) •Comment for an advice
