UL CHAPTER 2

14 1 2
                                    

Cloud story

Cloud POV

Oo iniwan niya ako...

*Flashback*

"Ulapppppppppp" sigaw ni anika papalapit sakin. andito kami ngayon sa play ground.

Ang saya ko kase nakita ko ulit siya. isang linggo ko din siyang hindi nakita kase grounded siya. antay ako ng antay sa kanya dito sa play ground tuwing hapon pero walang anika na dumatating. pero ngayon meron na... andyan na si anika.

Tumayo naman ako para yakapin siya ng mahigpit..

"Ikaw ha! nag papamiss ka anika"

"Ulap...." May lungkot sa boses niya. at biglang yumuko... ano problema niya?

"Anika? may problema ba?"

Niyakap niya ako bigla... ibang yakap 'to yung yakap na para ayaw niya akong bitawan..

"Oo ulap may problema..."

Hala bakit? at ano? ang bata pa namin para mag ka problema... Oo 10 years old pa lang kami...

"Ano naman ang problema anika? say it.. aayusin natin.. para pag nag aaway tayo aayusin natin para mag kabati na tayo.." I said.

"Ulap... sana ganun lang yung problema ko pero hindi" Hindi siya makatingin ng diretso sakin. kaya kinuha ko ang muhka niya... may luha? umiiyak siya.. ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak... lalong lalo na si anika.

"Anika ano yun? sabihin mo... wag kang umiyak patricia anika...." Kinakabahan na ako, kase pag umiiyak siya malaki ang problema.

"Ulap... aalis na ako pupunta na ako ng cali dun na ako titira, kahit anong pigil ko hindi pa din sila nakikinig sakin, sorry ulap" Sabi niya at mas lalong lumakas ang iyak niya. at ako? eto naka tayo pinipigilan ang luha na gusto tumulo. pero tumulo na.

Kaya ko ba? kaya ko bang wala siya sa tabi ko? kaya bang siyang hintayin kahit na walang kasiguraduhan kung kelan siya babalik?

"Anika........."

"Ulap... sorry sorry ulap. babalikan kita wag kang mag alala i love you ulap antayin moko ha?" Sabi niya na mayroong pilit na ngiti habang nag lakad papalayo...

Ang sakit pero kailangan tanggapin. at antayin kung kelan ka babalik.Anika bumalik ka at hihitayin kita....

I love you too anika

*End of flashback*

Ngayon.... ngayong bumalik na siya bakit parang hindi ko pa din tanggap?

Hindi ko pa nga ba tanggap na iniwan niya ako? at babalik sa loob ng 7 years?

"Ang lalim naman ng iniisip mo"

"Ay anik--" Sambit ko buti na lang hindi natuloy haysss
kase naman tong si anika e. kung ansan ako andun din siya ano ba tong babaeng to tsk."Bat ka andito? stalker kita noh? noh? gwapo ko kase tsk"

"Dream on tss Hoy mr. mariano andito ako kase tambayan ko 'to! ikaw bat ka andito? mang aagaw ka? wag mo ng subukan" Abat! ang tamang din neto noh? kung sabihin ko kaya sa kanya na may inaantay ako dun? tss

"Crazy girl" I said at umalis na psh.

Umuwi ako sa bahay para lang kunin ang mga gamit ko. ngayon kase ako lilipat ng bahay ayaw ko na kase dun sa bahay namin e. masyadong mahimik ang laki nga wala namang tao. kaya sa condo na lang ako..

**

Nakadating ako sa condo ko pero teka? Nakita ko si anika na pumasok sa isang condo unit? at tabi ng unit ko? putcha naman! mapag laro ka TADHANA, TADHANA NA MADAYA.

Nag derederetso na lang akong pumasok sa unit ko. hindi naman niya ako nakita e tska gusto ko ng mag pahinga..

***

Patricia POV

Maaga akong nagising dahil sa liwanag na galing sa araw teka ARAW????!!!

Bigla akong bumangon at nakita ko kung anong oras na.. oras na ng class namin.. oras na oras na late naman ako???

Tss-.-

Nag bihis na ako, at nag madaling umalis siguro naman maabutan ko pa yung second subject.

Napahinto naman ako sa pag lalakad ng may narinig akong tugtog...

'Ikaw lang at ako, ang mag sasabi ng I love you'

Sumilip naman ako sa pintong naka bukas kung saan nang gagaling ang tunog ang kantang unang pinarinig sakin ni ulap, may lalaking nakatalikod maganda naman ang pangangatawan niya muhkang may abs din siya kase likod pa lang ang sexy na .... ayy nako! patricia anika nag deday dream ka naman. pero teka? parang pamilyar yung likod na yon sakin.

"Namboboso ka? masama yan"Ay ang sexy ko! ano ba yan nakakagulat tss.sabi nung lalaking nasa likod ko namuntikan ko ng maupakan.

"Hindi ha! NEVER! naka rinig kase ako ng magandang tunog"

"Anong tunog naman yon? isa lang ang alam kong maganda" Aba! k*ng*na din 'to ha! manyak tsk!

"G*g* kaba?!* Tska ko siya sinuntok sa balikat ako pa ata ang nasaktan e tss manyak! ang gwapo niya pero manyak tss FC pa! umalis na ako bago pa siya mag salita.

**

Mabilis naman na tapos ng second subject pero nakakapagtaka wala si cloud? second day of school pero wala siya? nakakamiss yung muhka niya:-( nag pout na lang ako habang nag lalakad pupunta ako sa TAHIMIK na lugar.. sa El's na lang ako pupunta dun parang library yun na konti lang ang tao pero ang ganda may mini market na at puro baymax ang naka design nasa labas to ng school ang kyuut niya kaya madalas na din akong nag pupunta dito para mag basa.

"Hey" May lalaking tumawag sakin, nagulat ako kase yung manyak lang pala! yung manyak kanina tss, inirapan ko lang naman siya wala akong magagawa pag kausap o nakikita ko yan sarap patayin e.-.- "Sunget naman, sorry nga pala kanina wahahaha"

"May nanghihingin ba ng sorry na tumatawa?!" sabay tayo ko lalabas na ako don may demonyong bastos kase e.

"Ako dejoke lang. sorry na miss patricia" Paano niya nalaman pangalan ko?

"At paano mo naman nalaman pangalan ko? mr. MANYAK?"

"Sa blouse mo" Oo nga pala, tss bat ang bobo ko?! may pin kase sa blouse namin at name namin naka lagay dun.

"Tss, whatever" sabi ko at umalis na papasok na lang ako sa klase ko wala akong oras sa kutong lupa na yon.

***

Mabilis na tapos ang oras oras na nakakaboring-.- ewan ko ba kung bakit ako antukin pag dating sa subject ng history, kase ba pinagaaralan pa yung nakaraan kesa ngayon?

"Hi pat" the hell-.- hindi ba ako titigilan ng kutong lupa na to?! hindi ko na lang siya pinansin gusto ko ng umuwi e. pero hindi pa din siya nag paawat! seriously?! stalker ko ba to? ang manyak naman ng stalker ko-.-

"Miss patricia wag snobber hindi ka naman ganyan dati" DATI?! kilala ko na ba siya? napakunot na lang noo ko sakit sa kilay jusme!

"Dati?"

"Yeah, dati don't tell me kinalimutan muna ako?" kilala ko ba 'to?

"Kinalimutan? abe malay ko! hindi nga kita kilala e. tigilan mo nga ako! drugs pa tsss!"

"So kinalimutan mo nga ako tsk"

"Hindi nga kita kilala tapos kinalimutan kita? duhhh" inirapan ko na lang siya, mag kasabay kaming naglakad ayaw kaseng umalis e buset tapos malapit lang siya sa unit ko the hell-.-

"Im kyle mariano" sabi niya at na una ng mag lakad at ako? andito naiwang nakanga-nga.

****
Patricia picture ----->
Yie yieeeee ang bilis ba? HAHAHA sorry na.

Follow niyo real account nila.
Vmiguel gonzales
Pat deligero

Unexpected loveWhere stories live. Discover now