FRiEND AGAiN.
May mga bagay na hindi dapat gawin pero nagawa mo na. Parang hindi mo na gusto umasa, pero umaasa ka pa rin.
Decem-break na. After of a toxic- hell week, relaxation naman.
Pag-kauwe ko pa lang sa bahay namin, nadatnan ko na agad si Dean - bestfriend ko. Hindi ko alam pero feeling ko may get together kami. Haaaay. Nakakamiss na ang highschool life.
Nung nag-usap kami, mali pala yung feeling ko. Hehehe. Kaya pala siya pumunta kasi nagpapatulong siyang isurprise yung girlfriend niya. Magdedebut na kasi. Kaya ayun, nacontact niya na pala lahat ng batchmates namin, so hihintayin na lang pala namin yung araw ng birthday ng girlfiend niya.
- Rimi's debut -
Malapit nang magsimula yung party. Kaso si Resh- isa sa kaibigan namin kailangan ng umuwe, nagkaroon kasi nga emergency.kaya hinatid ko siya sa may labasan. Hindi ko ineexpect na sa paglabas kong yun, makikita ko siya. Si Mark- yung ex-boyfriend ko.
I don't know what to do. After our break-up, ngayon ko lang ulit siya nakita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi ako mapakali. Haaay, ang lakas pa rin ng epekto niya sakin. :'( Mahal ko pa ba siya?
Pareho nga pala kami ng circle of friends. Kaya nga medyo awkward ng sitwasyon namin ngayon. Hindi ko talaga alam kung okay ba kami o hindi. Wala kasi kaming formal closure.
Nagsimula na yung program. 18 balloons. 18 wishes. 18 roses. Lahat sila sobrang saya samantalang ako kinakabahan pa din hanggang ngayon. Buti na lang nandyan si Ryan, kinakausap niya ako at nawawala ang tensyon ko sa sarili ko.
Nag-uwian na yung ibang mga bisita. Kami na lang magbabarkada ang natira. Kwentuhan to the max pati asaran. Nakakamiss talaga yung ganito. Pero nagulat na lang ako, nang tawagin niya ako.
" Ching!" sabi niya.
"B- bakit? " sabi ko.
" Yun pa din ba yung number mo? Nakalimutan ko na kasi eh." sabi ulit niya.
"A-ah. Oo." sagot ko.
After ng usapang yun, hindi ko na siya nilingon. Hindi ko kasi alam kung anu ba dapat ang maging reaksyon ko. Nahuli ko siyang tinitingnan ako. At dahil dun, nailang ako. Para bang gusto ko ng umuwe agad.
Napasarap pala yung kwentuhan at medyo late na , naisipan kong umuwe na. Nagpaalam na ko sa barkada at sa kanya. Akala nila, hindi ako nagpaalam kay Mark, kaya ayun tinutukso tuloy kami pareho. ngumiti na lang ako.
Pag-kauwe ko sa bahay, napansin ko na may nag-text sakin. Number lang. Kahit number lang yon, alam ko na agad na kay Mark yon. Ang bilis nanaman ng heartbeat ko. Why do i have to feel this way? Napaisip agad ako. Nakamove-on na ba talaga ako? Hmm. Sa tingin ko, medyo. Nakaya ko na siyang harapin at kausapin ng matagal katulad noon.
As the days passed, lagi niya na kong tinetext. Yung tipong "Good morning. Papasok na ko", minsan naman "Goodnight, Sweetdreams." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa biglang niyang pagpaparamdam sakin o hindi. I'm afraid. I'm afraid that I might fall in love with him again. :'(
Hindi naman talaga ako mahilig magtext. Pero pagdating sakanya, kahit ayaw ko, napapareply ako. Bakit ganito? Lakas-tama na ata ako sakanya. Sh*t lang. Isa lang naman talaga yung gusto ko malaman sakanya eh. Yung dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay. Yung dahilan kung bakit ipinagpalit niya ko sa iba. Hindi lang sa iba, sa ex niya pa.
One night, magkatext kami. Yes. No choice ako kasi wala ako makausap at sayang din ang load ko. I've got the opportunity to ask him why.
"Hindi ka boring katext. Ang saya mo nga kasama eh." sabi niya. Nung mabasa ko yan, napangiti ako pero saglit lang.
"Kung hindi ako boring at masaya ako kasama, bakit ipinagpalit mo ako?" seryosong sagot ko sakanya.
Ang tagal niya magreply. I don't know if I've gone too far to ask this. Matagal na kaming wala pero ang bigat pa rin hanggang ngayon. Wala akong alam lalo na sakanya kasi hindi siya open sakin dati. Sa sobrang luwag ko ata noon sa kanya, wala na akong nalaman sa mga ginagawa niya.
*Beep*
1 message received
"May mga bagay na hindi mo na kailangan malaman pa. Huwag na natin pag-usapan kasi alam kong masasaktan ka."
"Masasaktan? T*ng in* lang. Kahit pabalik-baliktarin mo man ang mundo,it doesn't change anything. Kapag nagmahal ka,
nandyan lagi ang sakit. Magkasama yan Mark. Isang tanong lang, hindi mo pa maibigay yung sagot. Ang selfish mo. " reply ko agad.
Naiinis ako. Hindi, nagagalit ako. Tao rin naman ako eh. May karapatan akong malaman yon kasi in the first place, ako talaga yung nasaktan kahit ako pa yung nang-iwan noon.
" Baka kapag sinabi ko sa'yo yung dahilan, umiwas ka na saken."
"Mark, nakapag move on na ko sa'yo. There is no reason for you to avoid you. To make things short, did you love me for real or i'm just a rebound for your ex?" I really wanna know the truth, even if it hurts.
" Minahal naman kita ng totoo. Pero mas higit yung sakanya. Sorry. Isipin mo na lang na sadyang ang landi ko kasi, na ang gago ko lang. "
"Hindi ka gago. Alam mo kung ano? Tanga ka. Hindi ka marunong magrationalize ng feelings. Hindi mo gusto masaktan yung taong mahal mo, pero ang totoo nasasaktan mo na sila. Hindi lang once, many times pa. Thank you ha? I just realized how stupid I am because I loved someone like you."
After kong sabihin yan, naabsorb ko na yung reason why he chose her than me. Nalaman ko rin na habang kami pa, may communication sila ng ex niya. Habang lalo ko pala siyang minamahal noon, ginagago na pala niya ako.
Wala pala talaga akong laban dun, una pa lang siya na eh. Pero bakit hinayaan pa rin niya akong mahulog ng sobra sakanya? I'm such a jerk. A total jerk. Huhuhu T___T
"Hindi naman talaga malalanding tao yung makakalaban mo pagdating sa taong mahal mo eh, kundi yung taong minahal niya ng sobra bago ka. "
Ang sakit lang, big time. But i never imagined it could be like this. The moment I ask him why, still I assumed that we can be back together.
After that conversation, nagkatext ulit kami. Sabi niya, nag-iinom sila ng barkada. Hindi ko na siya nareplyan that time because i fell asleep. But in the morning, i read his text message.
"Sorry sa lahat ng ginawa ko babe."
My heartbeat again. Kilalang kilala talaga siya ng puso ko. Napangiti ako, naalala niya pa pala yung endearment namin. That time, I assumed again na mahal niya pa ako. But I got another message from him.
" Sorry if i called you babe. Kagabi lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsorry. "
It hits me, he was just saying his sorry. Yun lang. I assumed again that's why I end up hurting again and again.This time, I'll make sure that I'll forget him. Promise. I learned already.
Weeks , months has passed.We still have communication. Finally, I can say I moved on already. We used to be back just like the old times.But in my heart, I accept him as my friend again.
Nothing more. Nothing less.
End.