Si luke ay palagi ko siyang nakaka-grupo kapag nag s-student body council kami. Nang maka upo na kami ay nag order na kami ng drinks.
Yung bar na pinuntahan namin ay pwede para sa mga minors pag umaga pero kapag 7 o'clock na bawal na.
Nung dumating ang mga drinks namin ay naisip namin na mag order na rin ng pagkain.
Habang kumakain kami, biglang dinumog ng mga girls si Luke. Well hindi na ako magtataka kung bakit madaming may gusto sakanya. Mabait, matalino, anak ng may ari ng school, gentleman. Oh saan ka pa!.
Pagkatapos kumain nag paalam na kami kay Luke para umalis.
"Bye Luke! Thanks sa Time!" Sabi namin ng sabay ni brianna.
"Ok! Ingat kayo! Thank you din sa time!" Paalam niya
Habang sumasakay kami ni brianna, ay bigla siyang nag salita.
"Ang gwapo ni luke boh!" bigla niyang sabi habang naka ngisi.
Ito talagang si brianna! Kala ko ba gusto niya Si Asher? Yung pinsan ni Luke?
"Hahahaha!! Oo na!" Natawa ko nalang na sinabi.
"Ang gwapo nilang mag pinsan!" Sabi ni Brianna
"Gwapo nga eh yung isa naman complete opposite si Luke!" Sinabi ko bang gwapo si Asher?! What the!. Loren!!! Ugh!. Sabi ko ng umiwas ng tingin kay brianna.
"Ha! Atleast inamin mo na gwapo si Asher finally! Pero girl! Wag masyadong bitter!" Natatawang sabi ni brianna
Tsss. Hindi ko nalang siya sinagot dahil totoo naman kasi eh!.
Nang makarating na kami sa bahay ay nag paalam na kami sa isa't isa.
"Bye brianna! Ingat ka!" Paalam ko and beso ko sakanya.
"Bye!! Ok!" Paalam niya saakin.
Nang makababa na ako, pinag bukas ako ng pintuan ni kuya.
"Hi kuya!!!" Bati ko sakanya sabay hug.
"Hello loren!" Ani kuya
Pumasok na kami ni kuya sa loob ng bahay. Nakita ko si Xian na nag lalaro ng mga toy cars. Si Mama naman ay nag hahanda na ng pag kain. Pero hindi na ako kakain kasi busog pa ako.
"Hi po Ma!" Bati ko sakanya at nag mano.
"Oh! Andito ka na pala" Ani Mama
"Hi Xian!" Bati ko saaking batang kapatid
"Hi ate!!" Ani Xian sabay hug saakin
"Ma aakyat na po ako, hindi na po ako kakain busog pa po ako eh" sabi ko kay mama
"Osige anak, pahinga ka na" sagot naman ni mama
Umakyat na ako at nag alis ng sapatos ng may bigla akong natanggap na text mula kay Luke.
Luke:
Good evening loren! Ikaw daw ang tatakbo bilang President ngayon!
Nabigla ako saaking nakita at agad oo siyang nireplyan
Ako:
Good evening din! Talaga?Luke:
Oo! Pero hindi mo pa pwedeng malaman ang kalaban mo btw ako nga pala Vice President mo!
Ako:
Ahh.. sige! Mabuti naman at kagrupo kita ulit!
Nang masend yun ay dumiretso na ako sa banyo para makapag ligo na.
Lumabas ako at hindi na nag reply si Luke.
Sino kaya makakalaban ko? Kinakabahan na ako!!. Hindi ko alam kung anong gagawin ko
Alas nuwebe na at kailangan ko ng matulog para bukas.

YOU ARE READING
Find the Playboy's Hater {ON-GOING}
Teen FictionLoren Brooklyn Mcnight, is a girl who really really hates Asher Brayden Hudson, she even made a page to ruin Asher's reputation. How would Asher find the girl behind the page? But will the girl deny it or not?