Karibal

56 2 0
                                    

Papasok pa lamang si Rose sa condo ng kanyang kasintahan na si Alfonso ay may kakaibang presensya nang bumalot sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung ano ito kung kaya't ipinagsabahala na niya lamang ito.


Kinagabihan, may naaamoy si Rose nang hindi kanais-nais dahilan upang hindi siya makakain ng maayos.


"Bal, may masakit ba sayo?" Tanong ni Alfonso. Kanina pa niya napapansing tila may kakaiba sa mga ikinikilos nito.


"Wala, ayos lang. Punta muna ako sa CR." Sagot ni Rose sabay takbo papuntang CR. Agad siyang nasuka pagkapasok niya pa lamang. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya, tila may pumipilipit sa kanyang sikmura. Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin pero may may naaninag siyang mukha ng isang babae. Pumikit siya upang masigurado na hindi siya namamalikmata ngunit pagdilat niya ay wala na ito. Nakarinig na lamang siya ng mga katok sa pinto, ng buksan niya ito ay nakita niya si Alfonso na nag-aalala.


"Mukhang hindi maganda ang iyong pakiramdam, kung gusto mo ay magpahinga ka muna sa kwarto." Sinunod naman ni Rose ang sinabi ni Alfonso. Papasok na sana siya ng kwarto nang bigla siyang matigilan sapagkat nakakita siya ng puting damit na nakaupo sa may higaan. Napaatras siya at napatakbo papuntang kusina kung saan naroroon si Alfonso.


"O bakit nandito ka? Diba sabi ko ay magpahinga ka na."


"Kasi...ano..kasi..." Dahil sa takot ay hindi niya na masabi kung ano pa ang kanyang nakita.


"Rose!" sabay hawak ni Alfonso sa kanyang balikat. "Kumalma ka lang, ano ba yang gusto mong sabihin na hindi mo masabi-sabi?"


Huminga muna siya ng malalim bago niya isinalaysay kung ano ang kanyang nakita.


"Alam mo Bal, kulang ka lang sa pahinga."


"Bal totoo ang sinasabi ko!" Giit ni Rose. Napabuntong hininga na lamang Alfonso, alam niyang hindi siya mananalo rito kung kaya't sinamahan niya na lamang si Rose pabalik sa kanyang kwarto. Laking pagtataka ni Rose ng makitang wala na ang puting damit sa higaan.


"Tignan mo, wala naman diba? Pagod ka lang talaga siguro Bal. Mabuti pa't mahiga ka na diyan at magpahinga, aayusin ko lang an gating pinagkainan." Hindi na umimik si Rose. Alam niya ang kanyang nakita at sigurado siya na hindi ito dahil sa pagod lamang.


Alas-dos ng madaling araw ay biglang naalimpungatan si Rose. Pumunta siya ng kusina upang kumuha ng tubig. Pabalik na siya sa kwarto ng makakita siya ng isang babae, ito rin ang babaeng namukhaan niya sa CR at suot nito ang damit na nakita niya sa kwarto. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay nang bigla na lamang lumitaw sa tabi nito si Alfonso.


"Kukunin ko siya sayo at sisiguraduhin kong magiging akin lang siya!" Malakas nitong usal bago tuluyang maglaho.


"Alfonso!" Tawag ni Rose kay Alfonso kasabay ng paglaho nito.


Malakas na sigaw ang ipinakawala ni Rose kasabay ang pagbagsak ng kanyang mga luha.


Naramdaman na lamang ni Rose na tila lumilindol ang paligid. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Alfonso. Agad niya itong niyakap nang mahigpit.


"Ayos ka lang ba?" Puno ng pagaalalang tanong ni Alfonso sa kanya. Hindi niya ito sinagot bagkus ay mas hinigpitan niya pa ang kanyang yakap dito.


Hindi niya alam kung totoo ba ang kanyang panaginip ngunit sigurado siya na ito'y kanyang karibal at gagawin niya ang lahat upang manalo siya laban dito.



KaribalWhere stories live. Discover now