chapter 6

53 10 0
                                    

Corny

Kim's pov

Nagising kami ng dalawang  'j' nang maaga dahil may pasok, pagkatapos namin mag breakfast  umalis na sina Julia at Jaycee dahil wala naman silang uniform sa bahay namin. Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin ay lumabas na ako at akmang lalakad nang may bumusina sakin. Tumingin naman ako sa likod ko at nakita ko 'yong kotse ni Tyler, nakumpirma naman ang hinala ko nang lumabas si tyler.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya.

"Diba sabi ko kahapon liligawan kita?" Sabi ni tyler

'Seryoso siya do'n!?' Sigaw ko sa isip ko.

"Tara na babe sabay ka na sa'kin" sabi niya. Pumasok na ako sa kotse niya at sa backseat kami umupo, dahil may driver naman siya. Bigla naman sumagi sa isip ko na nanlilugae na pala siya.

'Tss manliligaw daw wala man lang pagkain' sabi ko sa isip ko.

Maya maya narinig ko ang pagtawa niya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko

"Damn babe! You're so adorable, don't worry i have a gift for you" pag e-english niya.

"Tss wala naman eh"bulong ko

"Meron nga!" Sabi niya sabay lahad nang libro saakin.

"Oh my god!" Sabi ko. Namamangha ko siyang tinignan. Akala ko flowers o kaya chocolate ang ibibigay niya kadalasan kasi sa lalaki gano'n ang ibinibigay. Huminto na ang kotse dahil nasa tapat na kami nang school.

"Sabi mo kasi sa diary you prefer books over flowers and chocolates" sabi ni tyler.
Parang nag party-party ang mga bulate sa tiyan ko.

"Oo nga pala binasa mo diary ko"
Sabi ko

"Oo, feeling ko nga kilalang kilala na kita, isipin mo huh? Alam ko kung kailan ka dadatnan,alam ko kailan birthday mo atsaka may isa pa akong alam" sabi niya sabay bigay sa'kin ng mapang asar na ngiti.

"Ano!?" Sigaw ko nang tuluyan na akong mainis.

"Sa Computer shop... Kayong dalawa lang ni julia sa taas tapos naka-" bago niya pa sabihin iyong sasabihin niya agad kong tinakpan ang bunganga niya. Nakita ko na sinulyapan kami nang driver niya kaya nginitian ko siya at binitawan si tyler, mahirap na baka magsumbong pa.

"Alis na po ako- tyler una na ako salamat sa libro" sabi ko sabay baba sa kotse nila.

"Wait lang kim! Hatid na kita" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Huwag mo nga hawakan ang kamay ko nakakahiya, pinagtitinginan tayo ng mga tao" sabi ko

"Ikinakahiya mo ba ako? Dapat hindi ka mahiya sa gwapo kong 'to mahihiya ka?" Sabi niya na may bakas na pagyayabang sa boses.

"Holding hands kaagad? Akala ko ba nililigawan mo palang ako?" Sabi ko.

"So pumapayag ka na ligawan kita?" Sabi ni tyler. Hindi ko siya sinagot.

'Makuha ka sa tingin' sabi ko sa isip ko.

"Silence means yes" sabi niya. Ramdam ko naman na uminit ang mukha ko.

"Ganito ka ba talaga mang ligaw? Nanghahawak kaagad nang kamay?" Tanong ko.

"Ganito naman pag nagliligawan diba?" Sabi niya

"Hoy! Fyi hinndi kita nililigawan noh? Ikaw lang naman ang nanliligaw saakin" sabi ko na sinagutan niya nang tawa.

"Haha ang cute mo" sabi niya at tumawa nang walang katapusan. Lumabi lang ako, hindi naman ako cute maganda kaya ako. Naglakad lang kami nang mag ka hawak ang kamay hangang sa makarating kami sa grade 10 building. Akala ko iiwan niya na ako dahil sa first floor lang naman ang classroom niya, pero ang ikinagulat ko nang sumama pa siya saakin paakyat.

See My Worth (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon