Allice with All Lies

2 0 0
                                    

*****************************************

This is a work of fiction.Characters,names,places,events or incidents are the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance of actual persons,living or dead or actual events is  coincidental.

*****************************************

Sabi ko nun hinding -hindi ako magmamahal ng tulad nya.
Kasi nakita ko kung paano nya sinayang yung pagkakataon at mga oras na dapat kasama ko nalang sya ngayon pero paano mangyayari yun kung wala na sya ngayon.
Kaya sabi ko wala hindi ako magmamahal

Ayoko ng Love na palagi nyang sinasabi sakin.Piliin ko yung tunay na magmamahal sakin At hindi yung mahal ko lang.
"Honey be a good girl love you more than my life :*" sabay halik nya sa noo ko.
Gaya nya mahina sya hindi nya inisip yung mga consequences na pwedeng mangyari di nya inisip na pwede syang masaktan lalong lalo na di nya inisip na may masasaktan din sya sa ginawa nya--hindi pala sila.

Ang mommy ko at ang kabit nya.

My mom is a sinner so do I?

Kasama ako sa pagkakamali na yun.

Mali din ang sisihin ko sya sa pagkakamaling nagawa nila.Pero di ko mapigilang maiyak dahil di ko alam kung saan ako pupunta ngayon.

Dark.Alone.Hopeless.

--

Kring...

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa sling bag na nakasabit sa balikat ko.
Pero di ko pinansin kung sino ang tumatawag na yun.

Napag-isipan ko na sa isang hotel nalang muna ako tumuloy..bakit?mag-iisip muna ako kung anong gagawin ko sa buhay ko parang mabago ko ito hindi ko alam..kasi dati sa mommy ko lang ako nakadepende araw-araw kahit nandyan naman ang daddy ko--ang tunay na asawa ng mommy ko.

Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang daddy ko?Dapat ko pa ba syang tawaging daddy?ngayong hindi ko naman pala sya totoong ama.
Emileo Han.Ang daddy ko napakabait nya sobra!
Ang hindi nya alam na iniputan na pala sya ng mommy ko sa ulo palagi kasi syang nasa trabaho more on business trip nga e.

Di ako tunay na anak ni dad!

Paano ko nalaman?

Flashback...

Papasok ako ng room galing sa skwela aksidente kong naabutan ang mommy ko na umiiyak over the phone may kausap sya I conclude sya yung tunay kong daddy..umiiyak sya sobrang iyak na halos nagkalat na yung maskara nya sa mukha at galit na galit sya sa kausap nya.Wala syang alam na dumating ako kaya nagtago ako sabi ko hindi ito ang mommy na kilala ko.Pumanik na ako sa kwarto ko ng gabing yun halo halong emosyon ang naramdaman ko.
Awa.
Naawa ako sa mommy ko.
Pagkamuhi.
Sa kanilang dalawa.
Gusto ko syang yakapin.
Galit.
Nagagalit ako dahil sa nalaman ko.
Pero sa kadahilanan mas pinili ko na manahimik o kahit na kumibo sa kanya hindi ko ginawa diretso akong nagpunta ng kwarto ko.Umiyak ako hanggang sa nakatulugan ko na.

--
Present...

O diba kagabi ko lang nalaman akalain mo nga naman.BUT since mataas ang pagtingin ko sa sarili ko I thought hindi worth it para problemahin ang problema nya so I decided not to confronted and just let it pass like it does not happen that night.

Pababa ako ng hagdan para magbreakfast at nakita ko na nadun sila ni daddy nagbabasa ng dyaryo habang iniinom yung kape parang wala silang napansin hinila ko yung upuan ko.
Mahabang dining table at magkakalayong upuan.
Si mommy walang bakat sa kanya ang namumugto nyang mata kagabi.Tinignan ko lamang sya saglit at dahil sa babae ako alam ko natago nya ang mga yun makapal ang nailagay nyang concealer dun.Halata ko yun!
"Honey gising ka na pala sumabay ka na sa'min ng daddy mo mag-almusal" ngiti ngiting bati ng mommy sakin so ngayon nya lang ako napansin.

Malaki ang bahay namin sa sobrang laki marami pa ding kulang kahit na sabihin kong napakarangya na nito sa mga mwebles mga paintings at iba't ibang kagamitan na kadalasan mong makikita sa mga naglalakihang bahay.Katulad nito.

Tahimik lang akong kumain pati na rin Si daddy.Naguilty naman ako.Di ko pinansin Si mommy.Napapasulyap naman Si daddy sakin sa tingin ko?Nahalata nya siguro ang pagsulyap-sulyap ko sa kanya.

"Okay" sabay sarado ng dyaryo ni daddy kaya napahinto ako"where do you want to go honey "tingin kay mommy" and princess?"tanong nya din sakin.

"Ahm.."di ko alam wala naman kasi akong balak ngayong kaaga mamaya pa ako lalabas ng gabi.
"princess?"ulit ng daddy ko sakin nakatulala na pala ako.
"Ah he he dad don't you have any business today?" Sabi ko nalang medyo sarcastic nga e.
Hindi ako mabuting anak sa kanila.masama ako ang alam ko pasaway din ako.

"Honey please..babawi ako ngayon I already cancelled all my appointments for today so we can go family bonding :)" pagsuyo pa ng daddy ko sakin.Alam nya di ko sya matatanggihan kapag parang nagpapacute sya lalo na sa mommy ko.
Nakangiti lang din ang mommy ko ng tinignan ko sya na parang ayaw kong sumama dahil kasama sya..
Oo.family bonding big deal!huh!talaga lang huh!"Family"eh yun yung masayang magkakasama sa isang bubong kahit na busy kayo may komunikasyon pa rin at kahit na gaano pa kahirap ang araw -araw nandyan kayo sa isa't is a walang iwanan.Simple.Masaya lang.

Yun ang dati kong pananaw.

Allice With All Lies(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon